45 - Home
Nang iwan ako ni Luigi nang gabing iyon ay wala na akong iba pang nasabi. I couldn't cry anymore. Masyado nang marami ang mga luhang inubos ko dahil dito. Pagod na pagod na akong umiyak.
What he said kept on playing in my head. Naglalaban ang puso at isip ko kung sino sa dalawa ang susundin ko. I badly want to go to him and apologize now but my mind is saying otherwise. Na dapat ay panindigan ko ang desisyon ko. At ano pa nga ba ang mukhang maihaharap ko sa kaniya ngayon? Matapos ang lahat ng pinagdaanan niya dahil sa akin ay naubos na ang lahat ng kahihiyan ko.
Pero, mahalaga pa ba iyon? Oo, nasaktan siya at nasaktan din ako. Pareho kaming nasugatan. Nagkalayo nga kami pero hindi no'n natuldukan ang sakit. Lalo lang lumala ang lahat dahil sa pagtalikod ko sa mga nangyari. I thought leaving will fix everything but I was wrong. I was completely wrong.
Mabilis akong tumayo mula sa kama saka nagpalit ng damit. It's now two in the morning, I don't know if he's awake but I don't care now. Isinilid ko ang notebook at wedding pictures namin sa bag ko para dalhin sa kaniya. Isinabit ko ang white coat ko sa braso ko saka nagmamadaling lumabas ng unit. Walang magagawa kung uunahin ko ang kahihiyan ko. Hindi kami maaayos kung ganito.
I drove fast to our building before. Labis ang kaba ko habang nagmamaneho patungo ro'n. I don't know if he's still living there. Pero kung totoo ang sinabi niyang hanggang ngayon ay naghihintay siya sa pag-uwi ko, malamang ay naroon siya.
Nanlalamig ako nang makarating. My hands were shaking when I reached the elevator. Tahimik ang paligid dahil madaling araw pa lamang pero naroon na ang ilang mga empleyado. I immediately went out of the elevator when I reached our floor.
Nanginginig ang kamay ko nang pindutin ang passcode. I'm scared that it might not open. Pero nang tuluyan kong matapos iyon ay kusang bumukas ang pinto. He didn't change it. It is still the same.
Nanindig ang balahibo ko nang dahan-dahan kong itapak ang paa ko sa loob. It's been five years since I left this house. Ngayon ko na lamang ulit nakita ang kabuuan nito. Ngayon na lang ulit ako nakabalik.
I turned on the lights because it was a little bit dark. Nang lumiwanag sa loob ay parang nabasag ang puso ko. The penthouse never changed. The colors, the furniture, the style, nothing changed.
Naluluha kong inilibot ang paningin ko. Even the kitchen didn't change a bit. Biglang pumasok sa isip ko ang alaala sa tuwing nagluluto si Atlas dito at nahihirapan. But he would always do it for me. I used to cook here.
Bumagsak ang luha ko nang padulasin ko ang daliri ko sa counter. Walang ibang ipinapaalala sa akin ang bahay na ito kung hindi kaming dalawa lang. Paano niya natiis na manatili rito sa loob ng limang taon?
I went upstairs and saw the same couch and coffee table. Pati ang malaking painting sa dingding ay naroon pa rin. My hand was shaking when I opened our room. Binuksan ko ang ilaw roon saka naluluhang pumasok.
It was the same bed, cabinets, bedside table, and lamp. Agad kong pinunasan ang luha ko saka binuksan ang cabinet. My tears immediately fell when I saw my clothes. Dinama ko ang mga iyon saka kinuha ang isa. My coat still feels the same. These are my clothes when I was still a lawyer.
He was right. Naghintay nga siya. Naghintay at naghihintay pa rin siya! How could he do this to himself? He suffered so much because of me! Why is he staying here with our memories? Dapat ay kinalimutan niya na lamang ako!
"You're here.."
I almost trembled when I heard his cold voice. Nang humarap ako sa kaniya ay agad kong pinunasan ang mga luha ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa malamig niyang tingin.
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Teen FictionVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...