Kabanata 24

11K 262 72
                                    

24 – Obsessed

"Nagawan ko na po ng paraan, Mang Boni. Mailalabas natin si tatay ngayong araw.."

Pilit akong ngumiti habang hawak ang bill na ibinigay niya. I sighed and looked at tatay who is now sleeping tightly. I borrowed money from Willow back in Manila. Wala namang naging problema sa kaniya dahil naiintindihan niya raw ang kalagayan ko.

"Mabuti naman. Naiinip na nga rito at inaalala ang gastos."

Bumuntong-hininga siya saka bumaling din kay tatay. I looked at the envelope I am holding and opened it a little. Kasya na ang perang ito. Kapag sumuweldo na ulit ako, babayaran ko si Willow.

Nilingon ko si Mang Boni saka bahagyang iniangat ang hawak ko. "Magbabayad na po ako, pakisabi na lang kay tatay na huwag nang mag-isip ng kung ano-ano."

He laughed. "Natutuwa ngang lumabas dahil makakalaya na raw si Lilibeth."

Agad na nawala ang ngiti sa labi ko. He is really hoping that nanay will be free. He believed what I said. Tatay believes me.

"Totoo ba iyon, Ally? Makakalaya na ang nanay mo? Naipanalo mo ba ang kaso?" Naguguluhan niyang tanong.

They all know that I lost it. Naging laman iyon ng balita at alam ng lahat na talo ako at panalo pa rin ang mga Valdemar. Some people on social media sided with me, and some didn't.

I looked at Mang Boni with a smile on my face. Lalaya ang nanay ko, pero hindi niya kailangang malaman kung sa paanong paraan.

"Makakalaya na si nanay, Mang Boni.." I said. "Lalaya na siya."

Tumalikod ako saka nagsimulang maglakad palayo. Tatlong araw na akong walang tulog ngunit hindi ko inaalintana ang pagod. Nanay and tatay are having a much harder situation than me. Wala akong karapatang magreklamo.

I hugged myself while on the line. Humikab ako dahil sa antok saka hinawi ang buhok ko. Hawak ko ang pera pati na ang bill habang naghihintay na makapagbayad.

I smiled at the woman inside the room with glass wall. Ngumiti siya sa akin saka ko iniabot ang bill.

"Magandang umaga, miss."

"Good morning, ma'am.." she answered.

Huminga ako nang malalim habang pinapanood siyang hanapin ang pangalan ni tatay sa computer. She frowned and looked at me.

"Armando Zamora? Ma'am, settled na po ang bill ni sir."

Umiling ako. "Hindi pa, miss. Ngayon ko pa lang babayaran."

Inilapag ko ang puting envelope na mayroong lamang pera. Muli niyang tinignan ang computer at hinanap ang pangalan ni tatay. She shook her head and returned the paper to me.

"Ma'am, nabayaran na po noong isang araw pa ang bills. Kasama na po ang extrang mga gamot at follow up check-ups.."

Kumunot ang noo ko. Hindi naman ako tumanggap ng kahit anong tulong kay Aling Nenita. At wala rin namang sinabi sa akin si Mang Boni na may nagbigay ng tulong sa amin. Kanino galing ang ipinambayad?

"Pupuwede ko bang malaman kung sino ang nagbayad? Kahit iyong pirma lang?"

Sandali muna siyang nagtanong sa kasama saka tumango sa akin. I smiled and waited for tatay's record. Binuksan niya iyon sa harap ko saka ipinakita ang bill na mayroon ng pirma.

Agad na nagwala ang dibdib ko sa nakita kong pirma. I don't know his signature but I know this is him. Siya ang nagbayad nito. Bakit kaya? Isa ba ito sa sinasabi niyang siya na ang bahala kung magpapakasal ako?

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon