Wakas
"Ikaw.." madilim niyang sabi. "Mag-usap tayo sa labas."
Kinakabahan akong tumango saka tumayo para sundan ang ama niya. She looked scared for me. Ngunit alam ko namang normal ito para sa isang ama. I just asked for his daughter's hand in marriage. That's a huge step for us both. Kung magkakaroon kami ng anak na babae at mayroon ding lalaking gusto siyang kunin siya sa akin ay hindi ko magugustuhan. I might kill him where he stands. Sana lamang ay huwag akong magkaroon ng anak na babae dahil mahihirapan akong bitiwan sila.
I cleared my throat and inhaled deeply. Ang mga kumpare ni Tatay Armando ay naroon sa lamesa at naghahanda ng alak at pulutan. He prepared for this. Inaasahan niya na yatang ito ang sinadya naming dalawa ng anak niya.
"Patatagalin pa ba natin ito, pare? Aba, banatan niyo na!"
Kumunot ang noo ko habang nakaupo sa kahoy na upuan. There were too many alcohols. Ni hindi ko na alam ang iba sa mga iyon.
I gulped hard when the man with a sleeve tattoo poured me a drink. Sinenyasan niya akong inumin iyon kaya naman agad kong sinunod. The old man with pure white hair was just staring at me. I formally smiled and drank the beer.
"Sino ka ba, ha?" He asked.
"Atlas Valdemar, sir. Ako po ang.."
Natigilan ako sa pagsasalita. Am I her boyfriend? Her fiancé? Fake ex husband? What do I call myself? I've never been her boyfriend and I can't call myself her fiancé because we still don't have her father's permission. And I don't want to call myself her fake ex husband!
He frowned. "Ang ano?"
"Ang nobyo ni Ally." Sagot ko.
Agad akong yumuko saka mahinang natawa. Allysia never gave me a label and I just realized that now. I looked at them again. Lima ang lalaking na sa harap ko, and they all looked mad at me.
The man with the sleeve spoke. "Imposible! Tomboy si Allysia kaya naman hindi magkakaroon ng nobyo 'yon!"
"Hindi tomboy ang anak ko, Edgardo!"
Nagtawanan ang lahat ng na sa kahoy na lamesa. Nang lagyan ng isa pang lalaki ang baso ko ay agad ko 'yong ininom. All of them were their neighbors and close friends.
"E, kahit kailan naman ay hindi nagkagusto iyon sa kahit sinong lalaki rito sa atin!"
"Dahil matalinong babae ang anak ko! Aba, talagang pinalaki kong magaling kumilatis iyon!" Mang Armando answered and pointed at me. "Kaya tignan mo, siya ang pinili!"
Ibinagsak ni Mang Boni ang baso niya sa lamesa matapos uminom. Kunot ang noo niyang binalingan ang ama ni Ally.
"Teka nga, bakit parang kinakampihan mo 'yan?"
"A-anong kinakampihan? Galit ako r'yan, 'no!"
Mang Armando didn't look at me again. Nang lagyan ulit ni Mang Edgardo ang baso ko ay agad ko iyong ininom. I felt the heat of the alcohol in my throat and shook my head. This is way too strong.
"Inom pa. Tumagay ka nang tumagay.." he said and glanced at the other man. "Hoy, Dominador! Pulutan ka nang pulutan, wala ka pang iniinom! Baka gusto mong tadyakan kita?"
I silently laughed and looked fastly through their window. Naroon si Allysia at nakasilip sa ginagawa namin. I smiled at her and signaled her to relax.
Agad na nahagip ni Mang Boni ang atensiyon ko nang umubo siya. I formally looked at him and drank the alcohol in my glass.
"Anong nagustuhan mo kay Allysia?" He asked.
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Teen FictionVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...