44 – Happiness
"Kumusta 'yong patient natin?"
I walked into the nurse station to get my tumbler. Nilagyan ko iyon ng mainit na tubig saka inilagay ang instant coffee.
"Okay naman po, Dra. Zamora. Stable po lahat ng vital signs niya."
"May any difficulty ba sa breathing?" I asked.
Sumimsim ako sa mainit kong kape. She shook her head and showed me some reports. Nang masigurado kong maayos ang kalagayan ng pasyenteng iyon ay umalis na ako. I removed my stethoscope on my neck and inserted it in my pocket.
Bumuntong-hininga ako saka tinahak ang kasunod na hallway. It's now three in the morning. Alas-kuwatro ang simula ng duty ko kaya naman mayroon pa akong isang oras. I should be sleeping now but there was an emergency in the OR so we did a surgery. Wala pa akong tulog simula kahapon.
I yawned and waited for the elevator to open. Nginitian ko pa ang ilang doktor at nurse na bumati sa akin. Nang magbukas ang pinto ay agad akong humakbang papasok, ngunit bago ko pa magawa iyon ay nanlaki na ang mga mata ko kasabay ng malakas na tibok ng puso ko.
"Atlas.." banggit ko. "Anong ginagawa mo rito?"
He was wearing a maroon button down shirt paired with black pants. His hair was cleanly fixed. Parang mayroon siyang importanteng pupuntahan ngayon.
I went inside while looking at him. He's here again? Mayroon na naman ba siyang mga papeles na inasikaso? Dahil kung iyon na naman ang dahilan ay hindi ko na paniniwalaan!
"Napadaan lang. Papasok na rin ako sa office."
Tumango na lamang ako. Kinakabahan pa rin ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Napadaan? He is not a morning person, pero ayos na ayos siya ngayong madaling araw at narito pa sa ospital. Sinong dinaanan niya?
I forced a smile and didn't mind it. "Okay. Drive safe."
Nang tumunog ang elevator ay agad akong lumabas. Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Wait, Ally!"
I looked at him. "May kailangan ka?"
Umawang ang labi niya. He cleared his throat and stepped his foot out of the elevator so it won't close.
"Bukas ba ng gabi ang out mo?"
"Oo."
Naging mabilis ang sagot ko. I lied, though. Mamayang gabi ang out ko dahil kahapon pa ako narito.
"When is your next day off?" He asked again.
Nanliit ang mga mata ko. "Why do you ask?"
Napalunok siya saka umiwas ng tingin. I am acting like I don't care but my heart is getting wild right now.
"Nothing."
I smiled casually. "Mauna na ako sa 'yo, kung ganoon."
Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo. I inhaled deeply and tried to calm my heart. Sinadya ko talagang maging malamig at huwag na siyang gaanong intindihin. Hindi lang ito para sa kaniya kung hindi para na rin sa akin.
He has a family now. He should stop seeing his ex. Kahit na aksidente lamang kaming nagkikita ay hindi pa rin tamang lagi kaming mag-usap. We can just nod our heads whenever we see each other! Mas tama naman ang bagay na iyon.
I know that deep inside, I still love him. I am not denying that. But I do not want to entertain my feelings anymore. Ibinaon ko na iyon, matagal na panahon na ang nakalipas. Sapat na ang mga sakit at sakripisyong ginawa niya para sa akin. We will never come back. Bumabagsak lang siya kapag ako ang na sa tabi niya at matagal ko nang tinanggap ang masakit na katotohanang iyon. No matter how much we try, we will never come back.
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Novela JuvenilVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...