36 – Stay
Ang hirap.
Akala ko noon ay kapag nagmahal ka, magiging madali na ang lahat. Akala ko ay kapag tamang tao na ang kasama mo, hindi ka na masasaktan at mahihirapan. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat.
Oo, maaaring tamang tao nga siya. Pero paano kung hindi para sa akin?
Ang hirap.
Ang hirap dahil mahal ko siya ngunit galit ako sa lola at mama niya. Ang hirap dahil mahal ko siya, pero gusto kong lumabas ang katotohanan sa ginawa ng pamilya niya. Ang hirap dahil mahal ko siya, pero ayokong piliin niya ako.
Mahal ko siya, pero parang gusto ko na lamang itong itigil. Hindi dahil kapos ang kaya kong ibigay, kung hindi dahil ikadudurog niya ang gulo sa pagitan namin ng pamilya niya. At kapag nagpatuloy pa ito, siguradong siya ay damay sa masisira.
Mahal ko siya, pero hindi ko kayang tumahimik sa kamalian.
Hindi ko lamang ito ginagawa para sa sarili ko at sa pamilya ko. Kung hindi para sa lahat ng taong inabuso, inargabyado, at minata ng nakatataas dahil sa pera. Lalaban ako para sa lahat ng nawalan ng boses at napilitang pumikit dahil walang mailatag na salapi.
Mahal ko siya, pero hindi no'n mababago ang prinsipyo kong tumayo para sa katotohanan.
Mabigat ang katawan kong bumangon para tignan kung sino ang nag-doorbell. Today is Atlas' birthday. Maaga siyang umalis at nagpaalam pa sa akin ngunit nagpanggap akong natutulog pa. I don't really know how to treat him now. Hindi ko alam kung dapat akong bumalik sa dati, o dapat ko na siyang simulang kausapin.
I frowned when I saw a man outside. I sighed opened the door. Agad tumingin sa akin ang lalaking seryoso ang mukha. His eyes were a little chinky and his jaw is sharp and defined. Mayroon siyang hawak na kahon at mga paper bag.
"Who are you?" I asked.
The man didn't answer me. Malamig ang tingin niya sa akin saka huminga nang malalim. Bumaba ang tingin ko sa isang batang lalaking sumilip sa gilid ng pinto. His eyes were chinky, too. Medyo mahaba ang buhok niya at seryoso rin ang mukha. He's a good looking kid, I must say.
"Oh, hi!"
Biglang sumulpot ang isang babae saka hinawakan ang kamay ng batang lalaki. Umawang ang labi ko nang makita ang mukha niya.
Long straight hair, deep set eyes, perfect lips, milky skin, and sexy figure. Oh my, she's beautiful.
"Anastasia Valdemar. You must be Allysia Zamora, right?"
I frowned. "Valdemar?"
She smiled at me. Ang batang lalaking kasama nila ay nakayakap sa hita ng babaeng si Anastasia. The man beside her cleared his throat and spoke.
"Yeah. I'm Atlas' brother."
Agad akong kinabahan sa sinabi niya. I nodded and gulped hard. Maluwag kong binuksan ang pinto at isinenyas ang daan.
"Come on in."
Anastasia smiled at me and went inside. Ang kapatid ni Atlas na hindi ngumingiti ay pumasok na rin kasama ang bata. Who is this man? Aziel or Ayden?
"Hi.." bulong ko sa bata. "What's your name?"
"Isaac."
His voice sounded cold and shy. Ngumiti ako sa kaniya saka marahang hinaplos ang buhok niya.
"How old are you?"
He raised his hands and showed me seven fingers. I slightly laughed and nodded.
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Ficção AdolescenteVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...