33 – Date
I pulled the comforter to cover myself more. Ang braso ni Atlas ay nanatiling nakadagan sa akin. He groaned and slid his hand on my waist. Nilalamig ako dahil lalo yatang lumakas ang aircon. I sighed and turned to him.
We stayed up late last night. Hindi ko matandaan kung hanggang saan umabot ang usapan naming dalawa. I even cried. Hindi na yata ako titigil sa pagluha sa tuwing napag-uusapan ang sitwasyon naming dalawa. It's just so hard for me. For us. Kung ako ang masusunod, walang problema sa akin kung maghihiwalay kami. Hindi dahil hindi ko siya mahal, kung hindi dahil alam ko kung paano at gaano karami ang maaapektuhan kapag nalaman ng pamilya niya ang meron sa amin.
Kahit na alam ng dalawa niyang kapatid, hindi ko pa rin maialis ang pangamba ko. Their grandmother is powerful. Ganoon na rin ang ina nila. Hindi ko alam kung kaya namin. Mananalo ba kami sa giyerang ito? O dapat na isuko ko na siya ngayon pa lang?
"Good morning, beautiful.."
His bedroom voice made me weak. Bahagya siyang bumangon para silipin ang mukha ko. Naging maliit ang mga mata niya dahil kagigising pa lang. I frowned, forcing myself not to smile.
"Sinong nagsabing maganda ako?"
"Sinong nagsabing hindi?"
Malakas ang bawat kabog ng dibdib ko sa pagdampi ng daliri niya sa braso ko paakyat sa aking pisngi. The side of his lips rose and kissed my forehead.
Ngumiwi ako. "Tignan mo, may pimple ako sa noo. Tsk."
"Ang ganda mo pa rin."
Mahina akong natawa saka pinilit na kumawala sa braso niya. I covered my face with my palms to hide the redness of my cheeks.
"Stop it."
He chuckled. "What?"
Tuluyan akong umupo sa kama saka pinanliitan siya ng mata. He was smiling when he lay down the bed again while trying to pull me back.
"Ilang babae na ang sinabihan mo ng ganiyan?"
He raised his brows. "Why are you asking?"
"Wala lang. Parang sanay kang mambola, e." I shrugged.
He laughed and buried his face on the pillow. Natatawa ko siyang pinagmasdan habang sinusubukang ayusin ang kumot. His eyes were still chinky. Lagi namang singkit iyon tuwing umaga dahil malalim siyang matulog.
"Bukod kay mama at sa nanay mo, ikaw pa lang."
"Sinabihan mo si nanay na maganda siya?" Mangha kong tanong.
"Yeah. Ten years ago?" He recalled. "Nagpapalakas ako, e."
I giggled when he stood up and pulled me back to bed with all his might. Agad niyang tinabunan ang katawan namin ng comforter saka isiniksik ang mukha sa leeg ko.
I sighed and looked at the window. The sun is rising. I really need to prepare myself now. May kikitain pa akong kliyente mamaya.
I forced him to get off me to stand up again. He groaned and held my arms. Bumaling ako sa kaniya saka umiling.
"Atlas, I need to go."
He shook his head. "We don't have to go to work."
"Easy for you to say. Kahit hindi ka magtrabaho, may pera ka pa rin.." I said. "I'll go broke if I won't work."
Bumuntong-hininga siya saka binitiwan ako. He opened the drawer of the bedside cabinet to reach his wallet. I frowned when he handed it to me. Pati ang susi ng isa pa niyang kotse ay inilapag niya sa palad ko.
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Teen FictionVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...