Kabanata 15

9.9K 244 195
                                    

This chapter contains triggering scenes. Read at your own risk.

15 – Monster

Maaga akong gumising kinabukasan. Linggo ng umaga at ngayon sinabi kong tutulong ako sa farm kapalit ng maliit na halaga para maidagdag sa pambayad sa ospital. Nanay went home late last night. Ipinaubos niya kasi ang mga manok pati na ang baboy. Kahit papaano ay naidagdag din ang kinita para sa iipuning pambayad.

"Tay, sigurado kayong ayaw niyo nang kumain?" Tanong ko. "Kailangan niyong magpalakas."

Umiling siya saka ininom ang tubig na inihanda ko. Ngumiti ako saka hinalikan ang noo niya. Si nanay ay tulog pa hanggang ngayon. Maaga pa rin naman kasi at malamig ang panahon dahil maulan. Nagkalat ang timba at tabo sa loob ng bahay namin para saluhin ang mga tumutulong tubig. May mga butas kasi ang bubong na hindi pa naiaayos. Baka mamaya ay subukan kong tapalan kung maaga akong makakauwi.

"Pupunta muna po ako sa farm, tay. May ipagagawa sa akin si Aling Nenita.." I smiled. "Magpakabait kayo rito kay nanay, ha?"

Tumango siya saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan. Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing nakikita ko ang mga mata niyang mukhang napapagod at nahihirapan. Kung sana ay may mas malaki pa akong magagawa para makatulong..

I went to the farm that cold Sunday morning when the rain stopped. Dumiretso ako sa mansyon at kinatok si Aling Nenita. Mabuti na lamang at gising na siya at pinasamahan ako kung saan nagsasako ng mga gulay at prutas. Sa farm pa rin iyon ngunit bagong biling lupa na. Sa tabi no'n ay mayroong ginagawang kongkreto na nakita ko na kahapon.

I smiled when I saw elders doing the job. Ang ilan sa kanila ay kilala ko na dahil asawa rin ng mga nagtatanim dito. Ang iba naman ay bago sa paningin ko, siguro ay kalilipat lang o galing sa ibang baranggay.

Nagsimula akong tumulong sa paghihiwalay ng mga prutas depende sa sukat. Matapos gawin iyon ay inilalagay na sa sako o sa malalaking plastic para diretso nang ilagay sa truck.

Masigla ang tawanan ng mga matatandang babae kong kasama. Kahit na bago lang ako at hindi nila ka-edad ay isinasali pa rin naman nila ako sa usapan nila.

"Sa Maynila ka nag-aaral, hija?"

Ngumiti ako at tumango. "Opo, nay. Sa Quezon po."

Hinila ko ang isang sako saka maayos na iniladlad iyon. I started putting all of the oranges inside.

"Ano namang kurso?"

"BS Psychology ho." Sagot ko. "Magtatapos na po ako ngayong taon, papasok na po ako ng medical school."

"Aba, talaga?" Natutuwang sabi ng isa sa kanila. "Naku! Magiging doktor pala ang anak ni Armando!"

Nagsitawanan ang apat na kasama ko. Ngumiti ako saka mahinang natawa nang marinig kung gaano sila kasaya na magtatapos na ako.

"Limang taon pa po ang bubunuin ko para maging ganap na doktor."

Umiling si Nanay Rose. "Mabilis naman ang panahon, hija. Kayang-kaya mo iyan!"

Tumango si Nanay Luz. Lumapit siya sa akin saka inayos ang panlamig na suot niya. She started helping me with the oranges.

"Hindi ba't ikaw iyong batang laging maraming uwing medalya noon? Uwian mo ulit ang ama mo ngayon." Aniya.

Ngumiti ako nang malawak. Naaalala pala nila iyon noong bata pa ako.

"Opo, mag-uuwi ulit ako ngayong taon."

Ang mga naihiwalay na prutas ay nailagay na sa kani-kaniyang mga sako. Binuhat iyon ng mga lalaking trabahador ni Aling Nenita saka dinala sa truck para maihatid na sa palengke. Agad kong hinila ang kalahating sako ng dalandan nang maiwan iyon sa ilalim ng mesa. Nakangiting kinuha ng isa sa kanila ang dala ko.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon