08 – Develop
Umuwi ng Maynila si Atlas at nagsimula na rin ang pasukan. Hindi naman ako lumipat ng eskuwelahan dahil mayroon ulit akong scholarship. Medyo nahirapan akong mag-adjust noong unang linggo pa lang pero kinaya ko rin namang mag-adapt. Nakakabigla dahil iba na ang mga subjects pati na rin ang schedule, at ang mga kaklase.
Iniligpit ko ang gamit ko nang magsimulang uminit sa puwesto ko. Nanatili muna ako sa gilid ng building namin dahil wala pa namang klase. Thirty minutes pa bago ang susunod.
Pinagpag ko ang palda ko saka tumayo. Nakita kong mabilis na naglakad patungo sa akin si Randy at tinulungan akong bitbitin ang libro ko.
"Ally, may assignment ka na sa Philosophy?"
"Mayroon na.."
Lumawak ang ngiti niya. Umirap ako. Malamang ay mangongopya na naman ito! Madali na nga ang Philosophy, e!
"Pabasa!" Aniya. "Kukuha lang ako ng idea!"
Pagak akong natawa saka inagaw sa kamay niya ang mga libro ko. Umangat ang kilay ko saka naglakad palayo.
"Scam."
Lumipas ang mga linggo at buwan. Dumaan ang preliminary exams namin. Kahit na nangongopya lagi si Randy ay tinulungan ko pa rin siya. Lagi kaming magkasama sa kubo at lahat ng hindi niya alam ay itinuturo ko. Ang ibang mga kaklase namin ay pinupuntahan din ako. Minsan nga ay pumupunta pa sa bahay.
Wala akong tinanggihan sa kahit sino man sa kanila. Masaya akong tumulong nang walang kapalit dahil walang silbi kung ako lang ang matututong mag-isa. Nalilito rin ako lalo na sa pre calculus pero, inaaral ko pa rin para maintindihan ko at maituro.
Hindi ko maiwasang maisip si Atlas. Walang araw na hindi ko siya naiisip at iyon ang totoo. Siguro ay dahil iyon gusto ko siya at miss ko na ang presensya niya rito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inulit basahin ang mga tulang paborito niya. Sa lahat ng regalong natanggap ko ay iyon ang paborito ko. Gusto nga iyong basahin ni tatay nang makita niya sa tukador ngunit hindi ko siya pinayagan at itinago ko na lang sa ibang parte ng bahay na hindi niya makikita at mababasa.
Nagsimula ang second semester at dumaan ang bagong taon. Habang pinapanood ang fireworks ay ang notebook na iniwan sa akin ni Atlas ang hawak ko. Nanonood din kaya siya ng fireworks? Ano-ano kaya ang mga handa nila?
Dumaan ang seventeenth birthday ko ngunit hindi naman ako nagpahanda. Sinabi ko kay nanay na ang perang gagastusin dapat ay ilaan na lang sa pambayad ng mga college entrance test na susubukan ko sa pagtungtong ko ng grade twelve. Luluwas kami ng Maynila para ro'n at gagastos talaga kami.
Nang matapos ang school year ay hindi na muna ako sumama sa recognition. Ang mga medalyang makukuha ko ay dadagdag lang sa mga inaagiw na nakasabit sa dingding namin. Kukunin ko na lang sa susunod na pasukan kapag may paglalagyan na kami.
Masaya akong tumakbo patungo sa kubo nang sabihin sa akin ni tatay na nakabalik na si Atlas. Tumatawa ako nang yakapin siya habang hawak ang notebook na ibinigay niya sa akin.
Mahina siyang natawa saka niyakap ako pabalik. Nang bumitaw ako ay nakita ko ang ngiti sa labi niya.
"Naghintay ako.."
Tumango siya nang marahan. "Kaya nga ako bumalik."
Kinagat ko ang ibabang labi ko saka masayang yumakap ulit. Malakas ang kabog ng dibdib at hindi ko mapigilan. Hindi na rin naman ako nagtataka sa nararamdaman ko. Alam kong gusto ko siya at hindi naman iyon lihim sa akin. At hindi ako nag-aalala dahil mawawala rin naman ito kalaunan. Masyadong mataas si Atlas para maabot ko. Hindi rin magtatagal at magigising ako sa katotohanang iyon.
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Teen FictionVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...