26 – Regret
That night was filled with tears. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayakap kay nanay. There was tears in my eyes the whole time. Patuloy ang paghikbi ko habang si tatay naman ay pinupunasan ang luha ko.
Atlas stayed silent. He was just looking at me with happiness in his eyes. Sandali niya kaming iniwan ngunit bumalik din agad siya dala ang isang panyo. I sadly smiled and used it to wipe my tears. Mahinang tumawa si nanay saka hinalikan ang noo ko.
We all ate in the same dining table. Malawak ang ngiti ko habang pinanonood ang mga ngiti ni nanay at tatay ngayong magkasama na ulit sila. I can say that my sacrifice is worth it. They are together now. Magiging masaya na ulit silang dalawa.
I glanced at Atlas who is now looking at me. He gently smiled at me and looked away. Hindi ko iyon pinansin at bumaling na lamang ulit kina nanay. Hindi ko alam kung saan ko isisilid ang kaligayahan ko. Nandito na sila ngayon. Lumaya na si nanay at maayos na ang kalagayan ni tatay.
Gusto ko pa sanang huwag silang paalisin para manatili lang sa tabi ko ngunit alam kong pareho silang pagod. Atlas told me that they will stay at the unit beside us. I originally wanted them to stay here but I know they will need their time. They missed each other and they have a lot of things to talk about.
"Salamat sa pagpapalaya mo sa nanay ko."
I walked silently to the kitchen. He was busy cleaning the table. Isa-isa niyang inililigpit ang mga plato saka inilagay iyon sa sink.
"That's what I promised you."
"Akala ko hindi mo gagawin.." I smiled. "You know, 'yong mga pinangako mo sa akin noon. Hindi mo tinupad."
Natigilan siya sa ginagawa niya. Does he think that he's done paying the price of what he and his family did?
Hindi pa. Hindi pa ako nagsisimula.
"Allysia.."
Umakto akong kalmado. Ngumiti ako sa kaniya saka inilapat ang palad ko sa lamesa. His lips parted while staring at me.
"So, anong gagawin ko rito sa penthouse mo? Maglilinis? Maglalaba? Magluluto? Magiging katulong?"
He frowned. "What?"
"Sabihin mo na ngayon. Paanong pagpapahirap ang gagawin mo sa akin, ha?"
Hindi siya nakasagot. Nanatili ang tingin niya sa akin na parang naguguluhan. He looked confused. Umangat ang kilay ko sa kaniya.
"Hindi kita pinakasalan para pahirapan!"
"Talaga?" Natatawa kong sabi. "Hindi ba't sinungaling ka, bakit ako maniniwala sa 'yo?"
Hindi nakatakas sa sarili kong pandinig ang pait ng boses ko. He walked towards me and tried to reach my elbows.
"Why are you talking like this? I don't understand–"
Umiwas ako sa kaniya. "Hindi mo kailangang magpanggap, Atlas. Sabihin mo na sa akin ang gagawin mo para maihanda ko ang sarili ko."
He stopped trying to touch me. Malakas ang kabog ng dibdib ko ngayong napakalapit niya sa akin. Umawang ang labi niya upang magsalita ngunit walang lumabas doon kahit isa.
Marahan niyang hinawakan ang baba ko para harapin siya. His eyes were confused. Tila hindi maintindihan ang ikinikilos ko.
"Why did you marry me?"
I looked directly to his eyes. "I married you for my mother."
"I t-thought.."
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Dahan-dahang bumaba ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. Lihim akong ngumiti.
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Fiksi RemajaVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...