Kabanata 39

9.1K 202 42
                                    

39 – Jailed

I left him with tears in his eyes. I ran away and didn't look back. Patuloy ang agos ng mga luha ko habang tumatakbo palayo. I don't have a reason to stay. Hindi puwedeng maging rason na mahal namin ang isa't isa para lang manatili. Hindi maaaring pagmamahal ang maging sagot sa lahat.

Si Atlas Valdemar ay ang bunsong anak ng lalaking halos bumaboy sa akin. Anak siya ng lalaking napatay ko. Pamilya niya ang sumira ng buhay namin at ang dahilan kung bakit nagdusa kami sa loob ng ilang taon.

But even after all of that, I still loved him. And he still loved me. Kahit na gaano ko pa sabihing mahal ko siya, hindi iyon magiging totoo kung hindi ko siya kayang protektahan at palayain. He is free from me now. He is free from the very start. I am not his responsibility. At kung ano man ang namagitan sa amin, wala nang halaga iyon ngayon.

Hindi siya damay sa galit ko. Hindi ako gaganti pero hahabulin ko ang katotohanan. Hindi ko hahayaang mabawi nila sa akin ang ina ko dahil hindi kami ang mali rito. Kung hindi sila titigil ay hindi rin ako titigil.

Atlas will eventually find someone else. Hindi ako mananatili, dahil ayokong magsisi siya sa huli. Hindi ko siya kayang papiliin. Hindi dapat ako ang piliin niya. Ako ang pumatay. At kapag nalaman niya iyon, kamumuhian niya ako.

Umalis ako sa building na iyon at iisa lamang ang pinuntahan ko. I don't want to go to Terry and Willow because I know that they might argue again because of me. I don't have a choice now.

"Ally?"

"Luigi.."

Umawang ang labi niya sa pagkakita sa akin. Ni hindi ako makangiti. I am just so tired and hurt. Malawak niyang binuksan ang pinto saka inilahad sa akin ang daan.

"What happened?" He worriedly asked. "Come in."

I was still shaking when I went inside. He immediately guided me to sit on the sofa. Kumuha siya ng tubig sa kusina at inilapag iyon sa center table.

"You cried? Anong nangyari sa 'yo?"

Umiling lamang ako saka ininom ang tubig na dala niya. Nakayuko lamang ako dahil halos wala akong lakas ng loob na tumingin sa kaniya at sabihin kung ano ang nangyari.

I was just sitting down for almost half an hour. Luigi just waited there beside me to open up. Pinigilan ko ang sarili kong lumuha nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Wala na kami."

He frowned. "What do you mean?"

"Nakipaghiwalay na ako."

Halata ang pagkagulat sa mga mata niya. I cleared my throat and looked away. Pinaglaruan ko ang daliri ko saka bumuntong-hininga. I sniffed and tried to control my emotions.

"It's not just like that, Ally. You know it. Annulment has grounds–"

I cut him off. "We're not married."

"What?"

I forced a smile. Bumaling ako sa kaniya saka umiling. I looked down again and felt my tears coming.

"We weren't really married, Luigi. It was all a lie.."

"So, you lied to me?" Hindi niya makapaniwalang sabi.

"I didn't know either.." I explained. "Abogado ako, alam kong legal ang pagpapakasal na ginawa namin. I signed a marriage contract. P-pero narinig ko ang usapan nila."

A lone tear fell from my eye. Agad ko iyong pinunasan at yumuko ulit. I couldn't even look at him straight. Because he was right all along. Mali nga ito. Mali nga ang desisyon ko at lalo lamang lumaki ang gulo.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon