Kabanata 16

9K 222 49
                                    

16 - Crime

"N-nay.. Natatakot ako.."

Nanginginig ang buong katawan ko habang pinapanood si nanay na inilalagay ang mga damit ko sa loob ng bag. Her hand was shaking. Puno ng takot ang mga mata niya habang inihahanda ang gamit ko.

We immediately ran away from that place. Nang sabihin ng nakakita na pinatay namin ang halimaw na iyon ay para akong nabingi. H-hindi ko sinasadya.. Hindi ako mamamatay tao.

Siya ang may mali! He tried to rape me! He told me he'll kill me if I try to fight! Kung hindi ko iyon ginawa ay baka ako ang wala nang buhay ngayon!

"Huwag kang matakot, anak.. Nandito ang nanay."

She looked at me. Pilit niyang pinatapang ang mga mata niya saka hinawakan nang mahigpit ang pisngi ko. Her hands were cold. Yumuko ako saka niyakap ang kumot para takpan ang nilalamig kong katawan. Tatay is now sleeping. Ni wala siyang kaalam-alam sa nangyayari.

I lone tear fell from my eyes. "Paano kung masundan n-nila tayo?"

She immediately shook her head and forced a smile. Mahigpit niyang hinawakan ang nanginginig kong mga kamay.

"Hindi nila tayo masusundan. Maiiwan ako rito at babalik ka na ng Maynila ngayon mismo. Huwag ka nang mag-alala."

Nagmamadali siyang tumungo sa bintana saka isinara iyon. She locked the door and went back to the cabinet. Isinaksak niya ro'n ang lahat ng damit ko. It is still raining very hard. Malakas ana hangin at parang liliparin na ang bubong namin.

"N-nay.. Bakit parang nagtatago tayo? S-siya ang may kasalanan ng nangyari!"

I saw tears forming in her eyes. Isinara niya ang malaking bag saka humila ng malaking jacket sa loob ng cabinet. Mabilis niya akong pinatayo saka isinuot iyon sa akin. My lips were shivering. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba.

"Bumalik ka na ng Maynila. Umalis ka na rito at kahit anong mangyari ay huwag kang babalik." Mariin niyang sabi.

"N-nay.. Hindi ako aalis. Hindi ko kayang u-umalis!" I cried. "Sasabihin ko sa kanila kung anong nangyari! Wala tayong kasalanan!"

Umiiyak akong umiling. Pilit niyang ipinahawak sa akin ang bag ko saka mahigpit na hinawakan ang pisngi ko. I cried harder when she kissed my forehead. Lumuluha ang mga mata niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Sa hiyaw ng naaapi, bingi ang nakatataas."

Agad akong kinilabutan sa sinabi niya. Alam kong mahirap kami. Mahirap lang kami. Pero alam ko rin na may laban kami sa nangyari! He was raping me back there! He molested me! H-hindi ko gusto ngunit pinilit niya ako!

"Hindi mo kilala ang taong iyon. Hindi mo kilala si Ignatius, lalong-lalo na ang pamilya nila."

Agad na pumasok sa isip ko si Atlas. How would he feel now? How would he feel about me? Paano ang iisipin niya sa akin kapag nalaman niyang napatay ko ang ama niya?

Anong mararamdaman niya kapag nalaman niyang tinangka akong babuyin ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya?

"Siya dapat ang bagong hahawak sa bukid. Alam ko kung gaano siya kalupit. Wala siyang awa sa mga trabahador.." she gritted her teeth. "Umalis ka na rito, Allysia. Ako nang bahala, wala kang kinalaman dito."

I shook my head and wiped her tears away. Hindi ako aalis. Hindi ko kayang umalis! Hindi ko siya iiwan dito!

I almost jumped when I heard loud knocks on the door. Nanlaki ang mga mata ni nanay saka mabilis akong hinila para itago sa likod niya. Malakas ang boses ng lalaking kumakatok. Napabalikwas si tatay sa tunog na iyon.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon