Kabanata 25

12.3K 275 20
                                    

25 – Threat

I don't know how to tell nanay and tatay about the marriage. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na ang kapalit ng pagpapakasal ko ay ang kalayaan ni nanay. I have no idea how he will do it. Pero alam kong gagawin niya iyon.

Tatay is still home with Mang Boni. Sa nakalipas na apat na araw ay walang palya siyang tumatawag sa akin kung nakalaya at uuwi na ba si nanay. Wala akong ibinigay na eksaktong sagot sa kaniya. Ang sabi ko lang ay malapit na. I cannot tell him that nanay will be free after the wedding. Hindi ko puwedeng sabihing ikakasal ako. Dahil kung iyon ang kapalit para sa kalayaan ng ina ko, malamang ay pareho silang hindi papayag.

I traced the embroidery on the white dress that I am wearing. Hanggang binti ko ang haba no'n at hanggang palapulsuhan ang sleeves. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin saka bumuntong-hininga. Willow yawned and looked at me.

I looked at her through the mirror. She smiled and focused to her phone. Ako naman ay marahang hinawakan ang pisngi kong bahagyang namumula dahil sa make-up. Willow helped me with all these. Pati ang buhok ko ay siya ang nag-ayos. She even bought me a white dress. Iyon na raw ang wedding gift niya sa akin.

I opened my phone and stared at my lockscreen. Family picture namin iyon na kinunan noong fifteen pa lang ako. This was eleven years ago. Noong mga panahong maayos pa ang lahat.

It's scary how your life can change overnight. Dati ay simple pa ang buhay namin. Wala kaming gaanong pera ngunit masaya kami at puno ng pagmamahal. I was a simple girl with huge dreams. Pero ngayon, ni hindi ko na mahanap ang batang babaeng iyon. She's gone. She was killed. I don't know how to bring her back.

I went back to my senses when my phone rang. I exhaled deeply when I saw Luigi's name. Kinagat ko ang labi ko saka sinagot ang tawag.

"Nasaan ka?"

His voice sounded so dark. Malayong-malayo sa talagang boses niya. I know he doesn't like my decision, but he doesn't have to be mad. Gagawin ko ito para sa nanay ko.

"Ally, nasaan ka?! Don't do this, please! Ikaw ang masisira sa ginagawa mo!"

Marahan akong umiling. "Matagal na akong nasira."

He breathed wildly and I heard a car door shut. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Luigi is important to me, but he needs to understand.

"Please, huwag mong ituloy.." he pleaded."Stop being obsessed. Mapapahamak ka sa ginagawa mo!"

So what if I'm obsessed? Masama bang maghangad ng hustisya para sa amin? Masama bang gumawa ako ng paraan para patunayan sa lahat ang kahayupan ng lalaking iyon?

Masama bang hilingin na sana ay maranasan nila ang lahat ng hirap namin? Na sana ay iparanas ng mundo sa kanila ang lahat ng sakit?

I chuckled. "Bakit? Papatayin nila ako? Pahihirapan ako ni Atlas?"

"You don't know the plan of that man!" He angrily said.

"And he doesn't know mine."

Wala akong pakialam sa plano niya. Kailangan nang lumaya ng ina ko sa lalong madaling panahon. I cannot see her with bruises anymore. Hindi ko na kayang matulog sa gabi habang siya ay inaabuso sa kulungan dahil sa kasalanang ginawa ko.

"Magagawan natin ng paraan ang paglaya ng nanay mo. We will search for new witnesses and evidences! Don't do this!"

"Wala na ring magagawa iyan. Wala nang gustong magsalita. Lahat ng bibig, pinakain na nila ng ilang milyon.." I clenched my jaw. "Did you know that Esperanza Valdemar offered me fifty million for my silence?"

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon