07 – Gift
"We never had to force love.
We were drowning in it
The moment we met..– Perry Poetry.."
Umawang ang labi ko saka bumuntong-hininga. Isinara ko ang lumang notebook na iyon ngunit hindi ko binitiwan ang pahina. Tinitigan ko si Atlas saka iniangat ang kilay ko.
"Bakit parang sobrang in love naman ang author ng poem na ito?"
Mahina siyang natawa saka pumangalumbaba. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko sa mga poetry na nakasulat. Isang lumang notebook dala ni Atlas mula Maynila. Ang sabi niya ay mahilig siyang magbasa ng mga tula at sinusulat niya rito ang mga paborito niya. Subukan ko raw basahin kung magugustuhan ko, at nagustuhan ko nga. Nakakasawa ring puro Physics, Chemistry, at Biology ang basahin.
"Being alone was never hard
Before I met you..– Bridget Devoue.."
Nanliit ang mga mata ko nang maalala siya kahit magkaharap lang naman kami. Nakatingin pa rin siya sa akin habang binabasa ko ang mga paborito niyang lines.
Ngumiti ako saka inilipat ang pahina. Elegante ang hitsura ng notebook na iyon. Kulay itim ang cover at brown ang kada pahina kaya nagmukhang luma. Hindi maganda ang sulat niya pero nababasa ko naman.
"Her eyes stole my heart,
Her smile gave me life,
Her presence made me high,
Her touch left me breathless– Perry Poetry.."
Umirap ako saka natatawang binitiwan ang notebook. Kinikilig ako sa nakasulat! Namumula na nga yata ang pisngi ko dahil sa mga poetry na binabasa ko kanina pa.
"Puro tungkol sa pag-ibig ang paborito mo, ah? In love ka ba?"
Umusbong ang maliit na ngiti sa labi niya saka umangat ang kilay. Napalunok ako dahil sa pagwawala ng dibdib ko at nag-iwas na lang ng tingin.
Maliwanag ang sinag ng haring araw ngayong umaga. Mabuti na lang at naka-long sleeves ang mga nagdidilig ng halaman, kasama na si tatay. Bumaling muli ako kay Atlas na ngayon ay sinundan na ang tingin ko sa taniman. Bakit sa tuwing uuwi siya rito ay parang may nagbabago sa kaniya? Ganoon pa rin naman ang hitsura niya ngunit parang may iba. O ang nararamdaman ko ang nag-iiba?
"College ka na sa pasukan, tama?"
Nilingon niya ako at tumango bago pinagsalikop niya ang mga kamay niya. Ibig sabihin ay malamang magiging busy na siya. Babalik pa kaya siya rito?
"Senior high ka na, Ally.."
"Oo.." tumango ako. "Anong course mo?"
"Architecture."
Umawang ang labi ko saka ngumiti. Magandang kurso iyon, ah? Makatutulong din sa kompanya nila.
Nang tumanghali ay sumama na ako kay tatay na umuwi. Hiniram ko ang notebook ni Atlas para ipagpatuloy na basahin iyon habang kumakain. Bumalik agad ako sa kubo nang humapon. Dala ko pa rin ang notebook pero may dala na rin akong libro para mag-aral. Ito dapat ang binasa ko kaninang umaga kung hindi lang ako nawili sa sa mga tula.
"You've been reading that since yesterday.." ngumisi siya. "Come on, give yourselves a break."
Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa kaniya. Marahan niyang hinila ang libro palayo sa akin habang natatawa.
"Kapag umalis ka na ulit, mahihirapan na akong mag-aral mag-isa kaya aaralin ko na ngayon."
Kumunot ang noo niya. "Nahihirapan kang mag-aral mag-isa?"
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Ficção AdolescenteVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...