Kabanata 9

9.4K 280 91
                                    

09 - Girlfriend

Adjusting as a freshman in a university was hard for me. Pareho kaming nangangapa ni Wendy sa naunang buwan, pero wala naman kaming choice kung hindi mag-adapt nang mabilis. Of course, Atlas was always there. Magkaiba kami ng kurso pero nagagawan naman niya ng paraan na magkita kami. We always do our school works here in the apartment. Si Wendy naman ay laging wala dahil may kinikita na agad na senior. Ang sabi pa niya ay huwag ko siyang isusumbong sa lola niya.

"Nasaan ka na ba, Wendy?" Tanong ko sa kabilang linya. "KAS 1?"

"Tagal mo, late ka na!"

Pinatay ko ang tawag saka huminga ng malalim. Agad akong sumakay ng jeep para pasukan ang subject na iyon.

Tuwing umaga ay lagi akong nauunang bumangon para kumilos. Si Wendy kasi ay laging tulog-mantika at hindi babangon kung hindi pa mala-late. Buti na lang at ang nakuha naming apartment ay malapit lang sa school. Gusto nga sana naming sa loob ng university kumuha ng dorm, ang kaso lang ay naubusan kami ng slot.

"Ally, may gawa ka na ba no'ng sa Psych 105?"

Ume-echo pa ang boses niya sa pagsigaw galing sa banyo. Umiling-iling ako dahil alam kong wala na naman siyang gawa at mamadaliin na naman niya iyan mamaya.

"Tigilan mo na ang kaka-procrastinate.." I tsked. "Ikaw din naman ang nahihirapan, e."

Tumawa siya nang malakas. "Hindi ko mapigilan! Masaya kayang tumunganga!"

"Tumunganga at ano?"

"At isipin kung bakit kahit mahalin mo nang sobra ang isang tao, hindi pa rin siya puwedeng maging sa 'yo!"

Natawa ako saka tumayo at kinalampag ang pinto. "Late na tayo!"

Sabay kami laging pumapasok ni Wendy. Atlas offered to fetch us both every morning but I declined. Hindi naman pareho ang schedule namin kaya mahihirapan siya sa ganoon. Saka, bakit naman niya kailangang gawin iyon? Hindi niya naman kami responsibilidad.

Nang magtanghali ay nag-aya si Wendy na sa Rodics kumain. Kasama namin ang iilan pa sa mga block mates namin dahil halos ang lahat ay naging kaibigan niya na. I still struggle with making friends. Siguro dahil iyon sa introvert ako. I am not comfortable in socializing, tanging si Wendy at Atlas lang ang palagi kong nakakausap.

Napatigil ako sa pagkain nang mag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong tinignan sa ilalim ng mesa. Napangiti ako nang makita kung kanino iyon galing.

From Ar. Valdemar:

Meet me at Sunken later?

Kinagat ko ang labi ko saka nagtipa ng reply. Siya mismo ang naglagay ng numero niya rito, pati na ang contact name. Dra. Zamora naman ang inilagay niyang pangalan ko sa cellphone niya.

To Ar. Valdemar:

Anong oras? 4pm pa ang tapos ng last class ko.

I hit send and continued eating. Busy sa pakikipagtawanan si Wendy at halos hindi na magalaw ang pagkain. Ako naman ay puro ngiti lang ang ibinibigay sa kanila.

From Ar. Valdemar:

Okay. I'll wait for you there.

Matapos kumain ay pumasok ako ng Chem 16.1 nang mag-isa. Si Wendy ay tinamad nang pumasok at dumiretso na sa mall. Pinilit ko siyang pumasok pero ayaw niya talaga, wala naman akong magagawa.

Nang matapos iyon ay nagmamadali akong nagtungo sa Sunken Garden. Palihim akong ngumiti nang makita si Atlas na nakaupo sa batong upuan sa tabi. Kinagat ko ang labi ko saka naglakad patungo sa kaniya. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit, hindi ko maintindihan kung bakit.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon