Kabanata 3

10.3K 256 54
                                    

03 – Back

Isang linggo ang lumipas matapos ang recognition namin. Si tatay ay nagtatrabaho pa rin sa farm nina Aling Nenita at sumasama ako ngunit tuwing umaga lang ulit dahil kay nanay ako tuwing hapon. Laging libro ang kasama ko sa kubo. Inuubos ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga ipinahihiram sa aking libro ng kapit-bahay naming highschool na. Hindi niya na ginagamit ang mga libro niya noong elementarya kaya nagagamit ko ngayon.

"Ang sipag mo naman, Ally!"

Inialis ko ang tingin ko sa libro at agad na ngumiti sa kaniya. Tinaggal niya ang sumbrero saka bumuga ng hangin dahil sa init ng panahon.

"Nagbabasa lang naman po, Mang Boni."

Tumango siya sa akin. Si Kuya Gado ay sumilip din sa kubo habang nakangiti. Pawisan siya at hinahabol ang hininga.

"E baka sa sipag mong magbasa e maging scientist ka na!"

Tumawa ako saka iniabot sa kaniya ang bote ng tubig na dinala ko. Hindi naman ako nauuhaw. Mabuting kaniya na lang.

"Hmm. Gusto kong maging doktor, Kuya Gado. Kapag natupad ko na 'yon, pwede na akong maging scientist!"

Tumawa siya saka inilapag ang bote matapos inuman. Nagpasalamat siya sa akin saka naglakad na pabalik sa taniman.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa nang makaalis sila. Isang katok sa kubo ang muling umistorbo sa akin. Ngumiti ako nang malawak saka isinara ang libro ko.

"Ally, narito ka pala."

Tumango ako. "Magandang araw, Mang Renato.."

"Magandang araw din, hija.." tumawa siya. "Ang tagal mong hindi bumisita sa mansyon, ah?"

"Naging abala lang po ako sa eskuwela. First honor nga po ako, e!" Pagmamalaki ko.

"Sabi nga ni Nenita! Sayang at wala akong regalo sa 'yo."

Humagikgik ako saka nagkibit-balikat. Hindi naman ako nanghingi ng regalo sa kahit sino, e.

"Ayos lang po. Pinagbubuksan niyo naman ako ng gate dati."

Muli siyang tumawa saka tumango. Itinuro niya ang truck na ipinarada niya sa pagitan ng mga niyog.

"O siya, sige. Ako'y magmamaneho pa ng truck."

Tumango ako saka kumaway. "Ingat po, Mang Renato."

Natapos ang umaga na iyon sa farm. Iniuwi ako ni tatay sa bahay nang tumanghali para kumain bago sumunod kay nanay sa palengke. Iniwan ko na ang libro dahil maingay ro'n at hindi ko rin maiintindihan ang binabasa ko. Ang itinutulong ko naman kay nanay ay ang mag-abot ng supot kung may bibili.

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang ginawa ko. Maaga akong gumising para sumama sa farm at magbasa. Inaantok pa ako kaya naman yumuko muna akong saglit. Bakit naman kasi masyadong maaga si tatay ngayon?

Umiling-iling ako saka bumangon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Atlas na narito na rin sa kubo. Inilapag niya ang hawak na santan sa mesa saka ngumiti.

"Buti at bumalik ka.." ngumiti ako nang malawak. "Hinintay kita!"

Tumango siya habang nakangiti pa rin. "I told you I'll come back.."

Tumawa ako saka hinawakan ang mga santan na dala niya. Dalawang kumpol agad ito, ah? Paano kung maubos namin agad ang mga santan?

"Uh huh.. At naiintindihan na kita ngayon!"

Ngumuso siya. "You really did practice English.."

"Nakakaintindi ako, pero hindi pa gaanong nakakapagsalita."

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon