Kabanata 35

10K 217 8
                                    

35 – Wounded

I woke up with my arm feeling numb. I groaned and tried to push Atlas. Pilit kong hinila ang braso ko dahil sa pamamanhid. I closed my eyes and massaged my arm gently.

Tahimik akong sumandal sa headboard saka hinawi ang buhok ko. I looked outside and saw the sun rising. Bumaling ako kay Atlas na ngayon ay dahan-dahang pinagagapang ang kamay sa baywang ko para yumukap. I smiled and played with his hair.

I frowned when I noticed his hair color. Tinatamaan ng liwanag ang buhok niya kaya naman lumitaw ang kulay no'n. I yawned and ran my fingers through his scalp.

"Is your hair naturally brownish?"

He sighed. "Yeah."

I chuckled when I heard his sleepy voice. I traced his jaw as he buried his face on my tummy. Maliwanag na, siguradong male-late na ako kung hindi pa ako magsisimulang mag-ayos.

"I thought it was black back then." I whispered.

"My cousin dyed it.."

I gently scratched his head and played with his hair using my fingers. I can feel his breathing on my belly and it is tickling me.

"Talaga? Ngayon ko lang nalaman na nagkukulay ka pala ng buhok kaya itim na itim."

"Yeah. She's a frustrated salon owner. She cuts my hair too.." nag-angat siya ng tingin. "Which do you prefer? Black or brown?"

I chuckled because of the frustrated salon owner. Natatawa siyang bumangon nang bahagya saka isinubsob ang mukha sa leeg ko. I shook my head and answered him.

"Brown."

"Alright. I won't let her touch my hair anymore."

With Atlas, getting out of the bed is the hardest part. Hindi ko alam kung ilang beses na akong tumayo ngunit siya itong hila nang hila. Gusto kong mainis dahil ayaw niya pa akong paalisin ngunit wala akong ibang magawa kung hindi matawa na lang.

He's definitely not a morning person, I get that. Pero dahil sa kaniya, ilang beses na akong late sa trabaho.

That week passed like ordinary days would. Patuloy ang pagtatrabaho ko sa firm habang si Atlas ay inaasikaso ang gulong patuloy na nangyayari. Napansin ko ring hindi niya gustong pinag-uusapan namin ang bagay na iyon kaya naman hindi na rin ako nagtanong. He would always go home looking tired and irritated. Sa tuwing haharap naman sa akin ay lagi na siyang ngumingiti, lalo na kapag tinatanong niya kung kumusta ang araw ko.

Hindi ko maiwasang isipin kung mababawi pa ba talaga niya ang dating estado ng negosyo niya. He always acts like everything is fine whenever he's home. Pero iba ang sinasabi ng mga balita. There is still a problem. And I know it's serious.

I was always cooking that week. Mas nauuna na akong umuwi sa kaniya para magluto ulam. I always make sure that there's food whenever he arrives. Pambawi man lang sa nakakapagod niyang araw.

I didn't go to work the next day. Dahil sa natapos na trial kahapon ay nagpaalam akong hindi muna makakapasok ngayong araw. We won the case. Luigi granted my wish and let me rest for the day. Hindi pa kami nag-uusap nang maayos ngunit naging pormal naman ang pagpayag niya. He even sent me an email to congratulate me for the case. Malaking kaso kasi ang hinawakan ko at ngayon ay laman iyon ng balita.

I spent my morning at nanay and tatay. Nang dumating ako sa unit nila ay nakita kong pinanonood ni tatay ang balita tungkol sa trial kahapon. Mahina akong natawa nang seryosong-seryoso niya iyong pinakikinggan.

"Aba'y ang galing ng abogadong iyan, ah?"

Tinabihan ko siya saka yumakap. "Kaninong anak kaya 'yan?"

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon