Kabanata 13

8.7K 263 125
                                    

13 – Always

"Ally! Tapos ka na sa pysch ward?"

Tumango ako saka huminga nang malalim. Ngumiti ako nang malawak saka tinapik ang balikat ng kasama ko. He smiled at me and sighed.

"Nakakaubos ng pasensyang ulit-ulitin ang mga sinasabi pero masaya pa rin naman." Nagkibit-balikat siya.

Tumawa ako. "Ganoon talaga kapag passion mo ang magsilbi."

I am now graduating. Hindi ako makapaniwalang natapos ko na ang unang tatlong taon ng kolehiyo at magtatapos na ako sa susunod na taon. But my study journey won't end there. Mayroon pa akong limang taong bubunuin para sa medical school. Puro warning na nga ang naririnig ko sa mga kakilala kong sinukuan ang medschool pero alam kong namang hindi ko susukuan ang pangarap ko. Magiging doktor ako, at gagawin ko ang lahat maabot lang iyon.

Atlas is now working on their company. It is the Valdemar Prime Holdings Inc. Ang sabi niya sa akin ay ang Commercial Real Estate ang kaniya. I thought he'll go for the Residential Real Estate because of his course, pero kahit ano naman iyon ay magagawa niya pa rin. He's smart! Of course he can handle that!

Graduating na ako kaya naman napakarami kong ginagawa. Atlas would be there in our apartment to help me with some works. Pupunta iyon doon na suot pa ang corporate attire niya dahil nanggaling sa trabaho. Kung minsan, natutulog na sa sofa dahil pagod. I appreciate it still. I know he's tired but he is still making time for us, kahit na hindi naman talaga kami. He is committed even without those labels everyone demands.

"Are you busy tomorrow?" He asked.

I sighed and nodded slightly. Tinignan ko siya saka isinara ang makapal na libro ko.

"May duty ako sa pysch ward. I might sleep right after I get home."

"Okay, then.. Tatawag na lang ako. I won't come so you can rest."

Ngumiti ako saka tumango. It's not that I don't want him to be with me. Alam kong marami rin siyang ginagawa. He's a fresh graduate but he's already a director on their company. Pagod siya at hindi niya lang iyon sinasabi para mapuntahan ako araw-araw.

We continued our days like that. We would always spend time together kahit na sa apartment lang at marami akong ginagawa. He would help me with everything and would try to understand some of it. I appreciate it even when he doesn't know anything about it. Minsan ay natatawa na lang ako kapag nakikita siyang frustrated sa binabasa niya. I was really working hard to maintain being on the Dean's list. Kahit naman isang beses ay hindi ako nawala ro'n.

I took the National Medical Admissions Test before the month of December. I am determined to go straight to medschool after I graduate. Mayroon naman na akong mga scholarship na in-apply-an kaya hindi na magiging problema ang malaking pera.

"Naipasa ko na ang requirements ko para sa scholarship, malaking tulong iyon sa akin para hindi na mag-alala sina tatay."

Atlas nodded and wiped my cheeks. Nalagyan na yata ng tinta ng ballpen ang pisngi ko.

"But if you have problems with it, you know you can always count on me."

Tumango ako saka ngumiti. I know I can always count on him but I won't ask him for help when it comes to money. Hindi ako uuwi ng bakasyon para magtrabaho rito, makaipon man lang para sa mga susunod na bayad sa renta. Tama na iyong tinutulungan niya ako sa mga gawain ko at pinalalakas ang loob ko. Asking help when it comes to money is too much.

"Ayan na si Ally, pare.."

I frowned when I heard my name. Dumiretso ako sa building saka nagmamadaling umakyat ng hagdan. Nang marating ko ang second floor ay mayroong lalaking nakatayo sa harap ng room. He cooly smiled when he saw me. Ngumiti rin ako kahit hindi ko siya kilala.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon