12 - Jealousy
Finishing another year in college made me somehow relaxed. I am still on the Dean's list so I thought that maybe Atlas isn't a distraction to me. We are always together but that didn't affect me and my academic standing. I even become better. Laging sa library ang tungo namin at sabay kaming nag-aaral sa apartment. Lalo pa nga akong ginaganahang mag-aral kapag magkasama kaming dalawa.
Atlas is graduating in Architecture when I reached the third year of Psychology. Ang lagi naming ginagawang mag-aral sa library ay hindi na madalas mangyari dahil sa sobrang busy niya. He can't even go to our apartment, but I understand him. Graduating siya kaya madaling intindihin na mawawalan talaga siya ng oras.
The news that Wendy is dropping out made me worry so bad. Bukod sa sayang ang pinaghirapan niyang dalawang taon sa college, mababasag ang puso ng lola niya sa magiging desisyon niya. She's expecting so much from her and that saddens me. Her expectations will ruin the way she sees her granddaughter.
"Dito ka pa rin naman tutuloy, hindi ba?"
She nodded and smiled. Ang ilang mga libro niya ay ibinenta niya na at nag-apply na rin siya ng trabaho. Kinumbinsi ko na siyang ipagpatuloy pero hindi ko naman siya makumbinsi, at hindi ko siya pipilitin kung talagang ayaw niya na. It's her life, she gets to decide whatever she wants to do with it.
"Nasabi mo na ba ito sa lola mo?"
Bumuntong-hininga siya saka umiling. Agad akong tumayo saka niyakap siya.
"A-ayokong sabihin na ayoko nang mag-aral! Hindi naman talaga ito ang gusto ko!"
Tumango ako para sabihing naiintindihan ko siya. Mahirap mag-aral kung hindi mo gusto ang pinag-aaralan mo. I can't blame her that she wants to stop studying. Kung sana ay hinayaan lang siya sa gusto niyang kurso, nag-aaral pa sana siya nang masaya at may inspirasyon ngayon.
Mag-isa na akong pumasok kinabukasan. I inhaled deeply and started walking onto the stairs. Sinilip ko ang cellphone ko kung mayroong text doon galing kay Atlas pero wala akong nakitang kahit isang reply.
Nang matapos ang klase ko ay nagdesisyon akong kumain na lang mag-isa. I went to Area 2 to find something to eat. Nang humapon ay wala naman akong naging klase kaya naisipan kong tumambay muna at gawin ang mga paper works kong hindi pa tapos. I sighed and checked my phone. He didn't text me. Gaano kaya karami ang ginagawa niya? Does he need help?
I sniffed and covered my face when I sneezed. Agad akong kumuha ng mask sa bag at isinuot iyon. Squid was my food earlier and I am allergic to it. Sana pala ay hindi ko na lang binili. Bakit ba masarap ang bawal?
Iilang mga estudyante ang lumabas sa building. Three girls went to the table beside me. I continued working on my papers when I heard them laughing loud. I went through my bag and took my earphones out. Akmang isasalpak ko na iyon sa tainga ko nang marinig ko silang magsalita.
"Iyon ata ang dine-date ni Atlas Valdemar, 'di ba?"
My heart immediately reacted with their words. Agad kong tinignan ang babaeng itinuturo ng isa.
"Sa tingin ko rin. Hindi ko na sila nakikitang magkasama no'ng Psychology student."
I frowned and tried to calm my heart. Pinagmasdan ko ang babaeng naglalakad pababa ng hagdan. She was on a high-waisted jeans and a tank top. Maiksi ang buhok niya at tuwid na tuwid. Her skin was white as milk. Mukhang artista kung tutuusin.
"Fling niya lang yata 'yon, e!"
The other girl laughed and shook her head. "Fling lang naman talaga! Tingin mo seseryosohin niya 'yong probinsiyanang 'yon?"
BINABASA MO ANG
Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)
Teen FictionVALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance herself to everyone of them. For her, proving her mother's innocence after the crime- she, herself...