Kabanata 27

11.9K 264 68
                                    

27 – Clear

I wasn't doing great for the past week. Walang nagbago sa araw ko at gaya pa rin iyon ng dati. Ang nabago lamang ay ang bahay na inuuwian ko. I continued working at the firm even though I started feeling uncomfortable. Luigi stayed casual to me. Hindi na rin naman niya inungkat pa ang pinag-awayan namin. He became silent and he didn't want to talk about it anymore. Sinubukan kong ipaliwanag ulit sa kaniya ang lahat, but he just couldn't accept what I did.

I stayed neutral to Atlas. Sabay kaming kumakain sa tuwing nakakauwi siya nang maaga. It seemed like he's too busy with his company. Even though I can see that he is tired, I feel that he is still trying to bond with me. Isang bagay na hindi ko hinahayaan. He would always ask how my day was and I won't ask about his. Lagi kong ipinapakitang wala akong pakialam sa kaniya kahit pati ako ay nahihirapan sa ginagawa ko. I don't even know what I am feeling whenever I see that he's hurt and tired.

I will always turn my back to him in every conversation. Kahit hindi pa kami tapos mag-usap ay tumatalikod na ako at iniiwan siyang mag-isa. He never got mad for it. He was always calm and understanding in every situation. I always try to get in his nerves but I just couldn't. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, kung parte ba ito ng plano niya sa akin. But I don't care about it. Gawin niya ang lahat ng gusto niya.

I admit that I get hurt whenever I see him tired and in pain. Pero mas nangingibabaw ang galit ko. Mas nangingibabaw ang dahilan ko kung bakit ako narito. I won't back down. I wont lose. Kung ano man ang nararamdaman ko, hindi iyon magiging hadlang para mapatunayan ko sa lahat kung gaano kasahol ang pamilya niya.

Nanay and tatay stayed at the unit next to us. Kahit na gusto nilang bumalik sa aming bahay noon, hindi ko naman iyon mapapayagan agad. People were furious. Natatakot akong alipustahin na naman sila ng mga tao. Hangga't hindi ko napalalabas ng totoo, hindi sila puwedeng mawala sa paningin ko.

I didn't go to work that Tuesday morning. Maagang umalis si Atlas dahil kailangan daw siya agad sa trabaho. I am not feeling well and I wanted to just stay home. Medyo maulan sa labas kaya malamig ang panahon at tinamad na rin akong pumasok.

I've been hearing Atlas on the phone talking to someone. Magigising ako ng hating gabi na mayroon siyang kausap sa telepono. It seems like there is a problem with the company. Pero kahit isang beses ay hindi niya iyon ipinahalata sa akin.

Isn't that a good news? Kung malaking problema iyon, isang malaking kasiyahan sa akin. Basta't ikababagsak ng kompaniya niya at ng pamilya niya, ikasasaya ko.

"Ally! Watch the news!"

I inhaled deeply and stared outside. It's pouring. Niyakap ko ang sarili ko saka bumalik sa pagkakaupo sa sofa.

"What about it?" I asked.

"Napatunayan na inosente ang nanay mo! Panalo ka sa kaso!"

I frowned as my heart started to race. Humigpit ng hawak ko sa cellphone. Humalakhak si Terry sa kabilang linya. Umiling ako saka agad na kinuha ang remote para buksan ang T.V.

"Ano?" Naguguluhan kong tanong. "I can't just win like that, Terry.."

Pilit kong hinanap ang channel ng pinakamalaking news station. Agad na humampas ang dibdib ko nang mabasa ang pangalan ni Ignatius Valdemar sa headline. Sa ipinapakitang footage ay si Esperanza Valdemar na mabilis na sumakay ng kotse para takasan ang press.

"Nakalaya na nga ang nanay mo, hindi ba? You didn't even had oral arguments in the court anymore! The Valdemars requested it but the court made their decision on the basis of written briefs!"

I silently read the headline. "Suspect in the death of the Valdemar patriarch found not guilty of murder."

Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa pagkabigla. Hindi ako agad nakapagsalita saka nanghihinang bumalik sa pagkakaupo sa sofa. I covered my mouth with my palm.

Rage Against The Heart (Valdemar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon