KABANATA 15

24 1 0
                                    

KABANATA 15

After six months.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng bintana ko. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin ng New York City.

"Thalia, hindi ka ba lalabas?" Tanong ni ate Althea. Nilingon ko siya at nakita kong nakabihis siya. Mukhang may lakad.

"Nope. I'll stay here"

"Okay. Labas muna ako, baka gabihin ako. Sina papa ay baka gabi narin uuwi" tumango ako sa sinabi ni ate. Nasa hospital sina papa at mama dahil kay lola Alie na naka confine ngayon dahil sa pagpapagamot nito.

Pag-alis ni ate ay bumaba ako at nagluto ng makakain ko. It's almost 10 in the morning kaya hindi ako nakasabay mag almusal sa kanila. Pagkatapos kong kumain ay diretso ulit ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko.

Habang nasa harap ako ng laptop ko ay bigla akong natigilan ng makita ko ang email ng isang publishing company dito sa New York na pinagpasahan ko ng mga ginawa kong manuscript. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na interesado sila na i-publish ang isa sa mga kwentong pinasa ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang nararandaman ko ngayon, totoo ba 'to? Magkakalibro na ako?

Muli kong binasa ang email at siniguro kong tama ang nabasa ko. Halos maglundag ako dahil sa tuwa. Hindi ko akalain na magugustuhan nila ang kwento ko. Habang nagsasaya ako dahil sa balita ay bigla ding napawi ang ngiti sa labi ko ng maalala ang kwentong nais nilang isalibro. It is the story of me and Isaiah, our story on how we started and how our relationship ended. Nakalahad sa libro kung gaano ko minahal si Isaiah at kung paano ako umiyak ng malaman ko ang totoo. Narandaman kong namasa na naman ang mata ko ng maalala ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan.

It's been six months, but the pain in my heart prevailed still fresh. I can still remember his face, his voice, his warm hugs, and his sweet kisses that always taking my breath away. I entitled our story 'The untold story of a writer'

Isaiah gave me the reason to pursue my dreams in writing. He gave me motivation in my writing at iyon ang isa sa dahilan kaya ako nahulog sa kanya. Binigyan niya ako ng tiwala sa sarili ko na magtuloy sa pagsusulat. Kahit na nasaktan ako ng dahil sa kanya ay hindi ko maikakaila na naging dahilan siya kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na subukan na ipasa ang mga gawa ko sa isang sikat na publishing house dito sa New York. He motivated me, at ngayon ay heto na at maaari ng matupad ang pangarap ko. Pangarap na hindi ko inakalang wala siya sa oras makakamit ko na pala ito.

I closed my eyes and hush myself. Pinigilan ko ang sarili na muling umiyak. I'm done crying, nakakapagod din umiyak.

Sa pagdilat ng mata ko ay lakas loob akong sumagot sa publishing company. I agreed to publish my story with them at kaagad nag set ang mg ito ng date upang tuluyan na akong makapirma ng kontrata sa kanila.

At sa kwento naming iyon ni Isaiah, ay hindi ko inakala na dahil doon ay magbabago ang ikot ng mundo ko. Tinupad ng kwentong iyon ang pangarap ko na matagal ko ng gustong makamtan... Ang maging isang kilalang manunulat. Manunulat na magbibigay inspirasyon at leksyon sa bawat kwento ko.

***

Four years later,

"Nathalia, let's go!" Untag ni ate sa akin. Napanguso ako dahil sa tawag niya sa akin. Hindi pa ako tapos mag-ayos!

"Wait, five minutes," I said while fixing my hair.

"C'mon Thalia, male-late na tayo sa book signing mo e!" Reklamo ni ate na siyang tumatayong manager ko simula ng maging isa akong professional writer.

Matapos kong maayos ang buhok at makeup ko ay tuluyan na akong lumabas mula sa hotel room kung saan kami nag s-stay ni ate dito sa New York City. Sa hotel na ito kasi gaganapin ang isang book signing event para sa isa kong bagong labas na libro.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon