KABANATA 08

24 3 0
                                    

KABANATA 08

After that kiss ay inakala ko na magkakaroon na naman ng awkwardness sa pagitan namin, pero hindi. Paglayo ng mga labi namin sa isa't-isa ay parehas lang kaming parang natulala saglit pero pagkatapos nun ay sabay kaming napangiti at itinuloy lang namin ang ginagawa namin na pagtingin sa mga bulaklak.

We enjoyed the day chatting while looking at the beautiful flowers.

Dahil sa palagay ko naman ay nag level up kaming dalawa ay hindi iisang beses kong narandaman ang paghawak hawak ni Isaiah balikat at kamay ko kapag may dumadaan na mga lalaking napapatingin sa akin, ganun din ang ginagawa ko kapag may mga babaeng natutulala sa itsura ni Isaiah.

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami ni Isaiah sa isang restaurant na malapit sa Flower Farm. Sayang naman kung aalis agad kami gayung isang oras bago makapunta sa lugar na ito.

We are busy eating our food when an unfamiliar man approaches us, I mean si Isaiah lang pala ang kinausap nito.

"Isaiah! Is that you bro?" Masayang wika ng lalaki kay Isaiah, maging si Isaiah ay halatang magulat pero masaya ang itsura niya.

"Marco!" Tumayo pa si Isaiah at nag man hugs silang dalawa.

"It's been a while, akala ko namamalikmata lang ako kanina, and it looks like you have a date," sabi ng Marco at tumingin sa akin. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit kumunot ang noo ni Marco ng matitigan niya ako at lumingon siya kay Isaiah na nagtataka. "Isaiah, she looks like..." Hindi natuloy ni Marco ang sinasabi dahil biglang umakbay si Isaiah sa kanya.

"She is Nathalia, and Thalia this man is Marco, my friend." pakilala ni Isaiah sa kaibigan.

Ngumiti ako kay Marco na titig na titig sa akin, nakipagkamay ako sa kanya kahit na nagtataka ako sa uri ng pagtitig niya sa akin. Habang si Isaiah naman ay parang hindi mapalagay at inilayo niya si Marco sa akin.

Pagbalik ni Isaiah at ni Marco at ngumiti na si Marco sa akin at bumalik na rin ito sa mga kasama na nasa isang table hindi kalayuan sa table namin ni Isaiah.

"Matagal mo na siyang kaibigan?" Tanong ko sa kanya pagkaupo.

"Yes, since grade seven kami." tumango ako sa sagot niya. Halata nga na close ang dalawa.

Tinuloy namin ang pagkain namin. Matapos naming makakain ay lumabas na din kami dahil hapon na at kailangan na namin umuwi dahil baka gabihin pa kami. At isa pa ay parang gusto nang umalis ni Isaiah, hindi na nga ito halos kumibo at para bang ang lalim ng iniisip. Ano kaya ang pinag-usapan nilang mag kaibigan?

"Wait, Isaiah!" Habol ni Marco sa amin. Tumigil kami ni Isaiah sa paglalakad nang lumapit siya at tumayo sa harap naming dalawa ni Isaiah.

"Pare," anito at nakatingin kay Isaiah.

"Hm?" Tamad na tugon ni Isaiah dito at para bang ayaw na niyang kausapin ang kaibigan.

"Inform lang kita sa balak ng mga kaibigan natin. Baka next month ay bibisita kami sa bahay niyo sa Pampanga. Nag-aaya kasi sina Travis. And you can introduce her to them if you want." turo pa ni Marco sa akin. Mukhang madaming kaibigan si Isaiah sa Manila.

"Okay, tawagan niyo lang ako kung kailan. I'm free anytime," sagot ni Isaiah at tuluyan na kaming umalis.

"You okay?" Alala kong tanong kay Isaiah ng nasa bus na kami pabalik. Ang tahimik kasi niya at para bang may malalim na iniisip.

Lumingon siya sa akin at napakurap, pilit siyang ngumiti at tumango.  "I'm okay,"

Sumandal ako sa inuupuan ko habang nakatingin kay Isaiah, he doesn't look okay.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon