KABANATA 22

27 1 0
                                    

KABANATA 22

Alam ko na maaaring malaki ang kompanya nina Isaiah, pero hindi ko inaasahan na sobrang laki pala. Nakakalula ang laki at taas ng building na nasa harapan ko ngayon. The Arcega Company.

Diretso akong pumasok sa loob. Ang receptionist agad ang nilapitan ko upang itanong kung anong palapag ang office ni Isaiah.

"May appointment po ba kayo Maam?" Nakangiting tanong ng babae.

"Wala. But I have a very important thing that I need to discuss with Mr. Isaiah Arcega"

"I'm sorry Maam. But you can't enter his office if you have no appointment with him" I know that. Alam kong mahihirapan akong makausap si Isaiah. Nag-isip ako ng paraan para makausap ko siya. Pero ano ba ang maaari kong sabihin?

Nag-iisip ako ng may lalaking lumapit sa gilid ko.

"Nathalia?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ang boses ng lalaki. Nakatingin siya sa akin at hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha niya. Nakalimutan ko na ang pangalan niya pero natatandaan ko siya dahil isa siya sa mga kaibigan ni Isaiah noon.

"Ahm, yeah." Alanganin kong wika. Nakakahiya na nakalimutan ko ang pangalan niya. Ano nga ba kasi ang pangalan niya? Mark?

"I'm Marco. Isaiah's friend. Remember?" Naka ngisi niyang sabi kaya napangiti rin ako. Maybe he can help me.

"Yeah, I can remember. You work here?"

"Business partner kami ni Isaiah. So, you want to see Isaiah? I can lead you to his office if you want"

"Really? Thank you. Kailangan ko lang talaga siyang makausap" nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Thank god.

Nakangiti niyang itinuro ang elevator kaya sabay na kaming naglakad patungo doon.

"Nagkabalikan na ba kayo ni Isaiah?" Tanong niya na ikinagulat ko kaya mabilis akong umiling upang itanggi iyon. Hindi ko alam na iyon ang iisipin niya.

"No. Walang kami" iling kong sambit dito.

Tumango lang siya pagkatapos ay ngumisi. Kaya naman nanahimik na lang ako hanggang sa bumukas ang elevator sa tamang palapag at nauna na siyang lumabas sa akin.

"Si Mr. Arcega?" Marco asked the secretary. The secretary of Isaiah is a woman in her 40s. Looking friendly but kind of formal.

"He's inside. But he's currently speaking to Mr. Gonzalez and Ms. Jamie Gonzalez" pormal na sabi ng sekretarya sabay tingin sa akin ng may pagtataka. Mukhang maling pagkakataon pa ang pagpunta ko. Kausap ni Isaiah ang girlfriend at soon to be a father-in-law niya.

Bigla tuloy akong nakarandam ng pait sa naisip.

"Please do inform him that Nathalia Suarez is here. I'm sure he would love to have us than the Gonzalez" ngisi wika ni Marco.

Gusto kong irapan itong si Marco sa sinabi niya. As if naman na mas gugustuhin kami, I mean ako na makausap ni Isaiah. Maybe I am the last person he likes to meet.

Ngumiti ang sekretarya pero sinunod naman ang sinabi ni Marco. Mula sa telepono na nasa table lang niya ay sinabi nga niya na nandito ako sa labas ng office kasama si Marco.

"Okay, Sir." She said after dropping the call.

Nakangiti siyang tumingin sa amin at itinuro ang pintuan ng office. "Pumasok na daw kayo sabi ni, Mr. Arcega"

"Alright!" Si Marco na mas lumapad pa ang ngisi. Na wiwirduhan ako sa inaasal nitong si Marco. Alam kong alam niya na may nakaraan kami ni Isaiah at paniguradong alam din niya ang dahilan ng paghihiwalay namin. Maybe that's the reason why he's acting like this.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon