KABANATA 30
Lorraine Mara Angeles. Iyon ang pangalan na nakasulat sa puntod kung saan ako dinala ni Isaiah. Nagtatakang tumingala ako upang makita ang mukha ni Isaiah na nakatingin din sa puntod na nasa harapan namin.
"She's Mara, my ex."
Muli kong tinignan ang puntod. So, siya yung babaeng nagmahal kay Isaiah noon?
Sumulyap siya sa akin at mapait na ngumiti. "Alam mo ba na noong umalis ka ay gustong gusto kitang sundan? I want to beg you to come back to me, for the reason that I realized how much I'm in love with you. Sobrang nagsisi ako na pumayag ako noong nakipaghiwalay ka sa akin."
"Bakit hindi mo ako pinuntahan?"
"Dahil wala akong maaaring idahilan noon. Natatakot ako na baka ayaw mo na sa akin. And I'm still guilty that time about Mara. Gusto kong humarap sayo na malinis na ang konsensya ko sa nangyari kay Mara. Gusto kong humarap sayo na wala na akong ibang naiisip kung hindi ikaw na lang." aniya at muling tinignan ang puntod ni Mara.
Akala ko ay hindi na ulit kami mag-uusap tungkol sa nakaraan na naging dahilan ng pagkakahiwalay namin. Ngunit mukhang kailangan namin itong pag-usapan ngayon upang maging malinaw na ang lahat at upang wala na kaming itago sa isa't-isa.
"Aren't you guilty of what happened then?" tanong ko sabay sulyap sa puntod.
"Yes, I'm not guilty anymore. Because I found out that I'm not the reason why she committed suicide." Napakurap ako sa sinabi niya. Totoo ba 'to?
"Her sister, Maica. Two years ago she came to me. They found a letter in Mara's room. Nakaipit ito sa mga libro ni Mara kaya matagal bago nakita. Nakasulat doon ang hirap niya dahil sa paghihiwalay ng parents niya, hindi niya matanggap na broken family sila, na nambabae ang tatay niya at ipinagpalit sila sa ibang babae." bumigat ang dibdib ko dahil sa narinig. Hindi ko man personal na kakilala si Mara ay nalulungkot ako dahil sa nangyari sa kaniya. I can't imagine her struggles for her to commit suicide.
"Nag sorry si Maica sa akin. Pero hindi ko siya masisisi na nagalit siya sa akin noon dahil nasaktan ko rin naman talaga si Mara."
"Two years ago when you found out. Bakit hindi mo parin ako kinausap?"
"I tried. But then, I found out that you're in a relationship with some dude so I back out." mapait siyang natawa habang ako naman ay hindi makapaniwala. Pinuntahan niya ako sa New York? When?
"He's holding your hand, and I want to punch his face. I was so jealous. Dapat ako yun eh, ako dapat ang hahawak sa kamay mo. Pero ano bang magagawa ko? Ano ang karapatan ko sa buhay mo noon? I let you go and that was the biggest mistake I ever did." hindi ko na napigilan ang muling pagtulo ng mga luha ko. Nakita niya ako noong panahon na may kasama akong ibang lalaki, noong panahon na sinusubukan kong kalimutan siya.
"Pero nakita mo ba ang itsura ko noong nakita mo ako? Masaya ba ako? Masaya ba ako habang hawak niya ang kamay ko?" I asked him. Kumunot ang noo niya at mukhang nag-isip, pagkatapos ay dahan dahan siyang umiling.
"I tried to date my past boyfriends to forget you, Isaiah. I tried so hard to forget you, pero ang hirap, ang hirap mong kalimutan. Hindi ka kailanman nawala sa isipan ko, Isaiah." tumingin siya sa akin at kaagad niyang pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko.
Gusto kong malaman niya ang mga iniisip ko, ang mga pinagdaanan ko. Gusto kong iparandam sa kaniya na may karapatan siya sa buhay ko, na may say siya sa lahat ng ginagawa ko dahil parte siya ng buhay ko at dahil mahal ko siya.
Umiiyak ako hindi dahil malungkot ako, kundi dahil masaya ako. Sapagkat ang relasyon namin ni Isaiah ngayon ay alam kong hindi na katulad ng dati noong mga bata pa kami, ngayon ay alam kong mas magiging matatag na kaming pareho dahil may mas matibay na pundasyon na ang relasyon namin. Mas malawak na ang pang-unawa namin at may mga mahal kami sa buhay na alam kong susuportahan kami.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Fiksi RemajaA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...