KABANATA 11
Kung may isang kwento man ako na gusto kong isulat sa pagkakataong ito, iyon ay ang kwento namin ni Isaiah. Gusto kong isulat ang kwento kung paano nagsimula ang meron kami ngayon. Gusto kong ibahagi sa iba kung gaano ako kasaya dahil may isang Isaiah Arcega na dumating sa buhay ko at binigyang kulay ang mundo ko.
I am beyond happy to the point that I can not explain how happy I am right now. Ni hindi ko na nga masyadong pinapansin ang bawat pagkukumpara ng ibang tao sa akin sa kapatid ko at mga pinsan ko. My whole world is now only revolving around Isaiah. He is my everything right at this moment.
Nakaharap ako ngayon sa laptop ko at nagsusulat. Isinusulat ang kwento kung paano kami nagsimula ni Isaiah. Sa buong oras na nagsusulat ako ay halos mapunit na ang labi ko dahil sa lawak ng ngiti ko habang inaalala ang mga araw na hanggang tinginan lang kami sa isa't-isa. Habang nagsusulat ako ay ngayon ko lang naalala ang unang beses na nagkita kami ni Isaiah. Hindi kami sa school unang nagkakilala kung hindi sa National bookstore, namimili kami ni Alissa ng school supply noon.
Parang destiny pala ang una naming pagkikita. Naghahanap ako ng libro noong araw na yun ng makabangga ko si Isaiah at nalaglag ang mga hawak ko. Hinding hindi ko malilimutan kung paano ako napahanga sa gwapong lalaking nakabangga ko and at the same time ay nakita ko kung paano ang gulat na mukha ni Isaiah ng matitigan niya ako. Katulad pala sa mga kwento sa libro ang una naming pagkikita. Kaya naman ng makita ko ulit siya sa school ay nakilala ko agad ang gwapo niyang mukha dahil hindi madaling makalimutan ang seryosong mga mata niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ko ng makatanggap ako ng message galing kay Alissa. Nag-aaya siyang mag mall ngayong araw dahil sabado ngayon at walang pasok. Isang linggo na ang nakaraan mula noong birthday niya at nagpapasama siya ngayon na mamili para sa dadalhin niyang damit sa pagpuntang South Korea ngayong nalalapit na Christmas vacation.
Wala naman akong gagawin buong araw kung hindi ang magsulat dahil may bisita ngayon si Isaiah sa bahay nila at hindi kami magkikita ngayong araw. Siguro ay ang mga kaibigan niya iyon galing Maynila. Kaya mabilis akong pumayag kay Alissa.
"Hay, excited na 'kong magbakasyon." Ngiting wika ni Alissa habang naglalakad kami papasok sa mall. Mabuti pa si Alissa ay suportado ng pamilya sa mga gusto niya at sa pangarap niya, samantalang ako ay hindi. Marahan akong umiling sa naisip ko, at least ay nasa tabi ko si Isaiah na laging sinusuportahan ako at ayos na ako doon.
"By the way, bakit hindi ka ipinakilala ni Isaiah sa mga kaibigan niya?" Tinignan ko si Alissa dahil sa tanong niya. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung bakit kaya pinabayaan ko na lang dahil ayokong mag-isip ng kakaiba dahil lang dun.
Kasalukuyan kaming nasa harap ng isang kainan ng may makasalubong kaming grupo na nagtatawanan. Tumigil kaming parehas ni Alissa dahil kasama sa grupong iyon si Isaiah na halatang wala sa mood. Tumigil din sa paglalakad si Isaiah ng makita ako kaya tumigil din ang mga kasama niya.
"Thalia" banggit niya sa pangalan ko at kaagad na lumapit sa akin. Habang nasa harapan ko siya ay nakita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon ng mga kasama niya habang nakatingin sa akin. May mali ba sa 'kin?
"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noo niyang tanong at tinignan kami ni Alissa.
"Nagpasama lang akong mag shopping kay Thalia. May problema ba?" Ani Alissa at tinaasan ng kilay si Isaiah. Bakit parang hindi natutuwa si Isaiah na nakita niya ako rito? O ayaw lang niyang makita ako ng mga kasama niya na nakatingin parin sa akin ngayon.
"Siya ba yung sinasabi mo Marco?" Tanong ng isang babae . Tumingin ako sa kanila at kasama nila ang lalaking nagngangalang Marco na nakita namin ni Isaiah noong nagpunta kami sa Eroda Flower Farm. Dalawang babae at dalawang lalaki ang kasama ni Isaiah.

BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Teen FictionA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...