KABANATA 04
"Thalia!" Tawag sa akin ni Alissa pagpasok ko pa lang sa classroom.
Tumingin ako sa kaniya. "Oh?"
"Tawag ka ni President," ngising wika niya.
"President?" Taka kong tanong habang naka kunot ang noo ko.
"Si Isaiah, class President natin, remember?" Ani Alissa. Napa "Ahh..." na lang ako. Syempre kilala ko. Si Isaiah Arcega, ang gwapong President namin na crush ng madami.
"Bakit daw?"
"Don't know. About sa projects ata." tumango ako at hinanap ang Isaiah. Isang linggo na ang dumaan simula ng matamaan ko ito ng bola sa ulo, at ngayon ko pa lang ulit siya kakausapin simula ng araw na iyon.
Kaagad ko namang nakita si Isaiah sa hallway dahil sa tangkad nito. Agad ko itong nilapitan at tinawag.
"Isaiah?"
Napatigil siya paglalakad at tinignan ako, heto na naman ang paninitig nito. Sa ilang buwan ko ng kaklase si Isaiah ay bilang lang sa daliri ko ang mga pagkakataon na nakakausap ko ito.
Isaiah Arcega is a very intimidating guy. Kaya hindi lahat ay nakakalapit sa kanya kaya naman hindi ko maiwasan ang kabahan kapag kaharap ko siya. The way he looked at me, there is always something in his eyes that I can not understand, para bang lagi niyang pinag aaralan ang bawat detalye ng mukha ko, at hindi ko alam kung sa akin lang ba siya ganun o maging sa iba pa.
"H-Hanap mo daw ako kanina?" Kabado kong tanong. Napangiwi pa ako dahil para akong mauutal sa pagsasalita ko.
"About the project you passed yesterday, pinapasauli ni Mrs. Santos dahil kulang. And she told me that you have until tomorrow to pass it," ani Isaiah at inabot sa akin ang puting folder na may pangalan ko.
Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam kung bakit ko nakaligtaan na gawin ang project na 'to kaya tuloy hindi ko siya natapos gawin. Suguradong sesermunan ako sa bahay nina papa kapag mababang grades ang nakukuha ko dito. I don't want to disappoint them.
"Okay, thank you," wika ko kay Isaiah at naglakad na ako palayo sa kanya at hindi pa ako nakaka tatlong hakbang ng tawagin ni Isaiah ang pangalan ko. "Nathalia Suarez!" Parang kinilabutan ako sa pagtawag niya sa buong pangalan ko, may kung ano sa boses niya na nagbibigay sa akin lagi ng kakaibang pakirandam.
I turn my back to look at him, "What?" Kinabahan ako lalo sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. Full name talaga? Pwede naman na Thalia lang.
"If you need help, just ask me. As the class president, I am willing to help you," sambit niya na nagpatigil sa akin. Seryoso ito? Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot at tumuloy na ako sa paglalakad.
Bagong salta lang si Isaiah Arcega sa school na ito, ngayon school year nga lang ito nakalipat ng school pero balita ko ay sobrang talino daw nito kaya kahit transferred lang sa school ay binoto na kaagad ito bilang class President ng mga classmates ko. I don't care about it actually, basta go with the flow lang ako sa nangyayari sa school na to. I preferred writing a story or a poem more than talking to my classmates about what's happening in the school.
Nasa loob ako ng classroom ng muli kong sinilip ang project na ibinalik sa akin, kung ibang teachers lang ay baka mababang grades na lang ang ibinigay sa akin ni Mrs. Santos, pero dahil napaka considerate na teacher nito ay binigyan niya pa ako ng chance para kumpletuhin ang project ko.
Kasalukuyan kong inaayos ang project ko ng lapitan ako ni Alissa at tinignan ang ginagawa ko.
"Matatapos mo ba iyan?" Alissa mumbled while glancing at my project.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Teen FictionA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...