KABANATA 14

21 1 0
                                    

KABANATA 14

Matapos ang nalaman ko ay nag decide na akong umuwi na. Hinatid ako ni Isaiah sa bahay at hindi ko siya kinausap hanggang sa makauwi ako. Mabuti na lang at hindi ako nakita ng pamilya ko dahil sigurado akong magtataka sila kung bakit namumugto ang mata ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay doon ko muling inilabas ang sakit na nararandaman ko. Umiyak ako ng umiyak dahil sa sakit. Sobrang sakit na malaman na minahal niya ako dahil sa isang babaeng patay na. Na sa simula ng kwento naming dalawa ay ibang babae pala ang nakikita niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Alissa na kaagad namang sumagot.

"Thalia? What happened? Nakausap mo na si Isaiah?" Kaagad niyang tanong na nagpahagulgol sa akin.

"T-Thalia,"

"Totoo lahat Alissa. Lahat ng sinabi ni Maica" iyak ko habang nakahiga. Randam ko ang mainit na luhang naglalandas sa pisngi ko.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin at hinayaan muna ako ni Alissa na iiyak lahat ng sakit. Kung pwede lang na pagkatapos nito ay okay na, na limot ko na lang lahat. Ilang sandali lang ng huminahon na ako ng nagsalita si Alissa.

"I'm sorry Thalia. Actually, may idea na ako noong una pa lang e. Hindi ko lang masabi sa'yo dahil alam ko na masasaktan ka. You're my best friend at ayokong makita kang nasasaktan dahil alam kong mahal mo si Isaiah"

"What do you mean?" Taka kong tanong.

"Remember when we met Isaiah's friends? Nang hinila ka ni Isaiah palayo sa amin narinig ko silang nag-usap tungkol kay Mara na ex-girlfriend ni Isaiah. Narinig ko kung gaano kayo sobrang magkamukha ng ex-girlfriend niya. Na dahil sa'yo kaya nanatili si Isaiah sa lugar na 'to. He's guilty about what happened to his ex kaya siya lumapit sa'yo Thalia" muli akong naiyak sa nalaman. Damn.

"Ano na ang gagawin ko ngayon Alissa? Paano pa ako mananatili sa tabi ni Isaiah kung alam ko na dahil sa ex niya kaya siya nasa tabi ko? Ni hindi ko na alam kung minahal niya ba talaga ako"

"Ikaw ang mag-desisyon Thalia. Susuporthan kita sa magiging desisyon mo. Kung mag s-stay kapa ba kay Isaiah o hindi na. Isa pa ay aalis kana rin naman, hindi naman siguro magiging mahirap kung maghihiwalay kayo dahil lilipad na kayo ng pamilya mo sa US"

Tama si Alissa. Aalis narin kami pagkatapos ng pasko. Pero kaya ko ba? Kaya ko ba ang hiwalayan si Isaiah? Kahit na nalaman ko na ang totoo tungkol sa ex-girlfriend niya ay mahal ko parin siya.

Tinignan ko ang laptop ko na nakapatong sa study table ko. Mapait akong napangiti ng maalala ko ang isinusulat kong kwento, ang kwento namin ni Isaiah. Paano ko pa tatapusin ang kwentong yun? Masakit sa puso ang nalaman ko at para bang wala akong kakayahan na isulat pa kung gaano kasakit iyon.

Kinabukasan ay maghapon lang akong nakahiga sa kama ko at natulog. Mabuti at busy sina papa at mama kaya hindi nila mapapansin ang pagkukulong ko. Habang si ate naman ay nasa bahay ng mga kaibigan kaya laging ako lang mag-isa sa bahay.

"Thalia, let's talk" text ni Isaiah ang nabasa ko ng hapon na. Umupo ako at nag reply. "Okay. I'll wait for you here"

Hindi na ako nag-abala pa na mag-ayos dahil wala akong plano lumabas ng bahay. Dito na lang kami mag-uusap dahil wala naman akong kasama ngayon. Mamaya pa ang uwi nina mama.

Pagdating ni Isaiah ay pinapasok ko siya at pinaupo sa sala namin. Tinignan ko ang gwapong itsura na Isaiah na halatang puyat ngayon. Hindi rin ba siya makatulog kagabi katulad ko?

Naupo ako sa harapan niya at naghintay na siya ang unang magsalita.

"Thalia, makikipag hiwalay kana ba sa 'kin?" Ito ang una niyang tanong na kaagad napakabog sa dibdib ko. This is it, Thalia.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon