KABANATA 13
Lumipas ang araw an hindi ko parin nasasabi kay Isaiah ang tungkol sa pagpapagamot ni lola Alie sa US. Hindi ko parin alam kung paano ito sasabihin gayong one week na lang bago magpasko. Bago daw hindi na kami a-abot ng New Year sa Pilipinas sabi ni ate Althea. Nilalakad na nina papa at mama ang lahat ng kailangan namin sa pag-alis.
Nandito ako ngayon sa bahay nina Alissa at nakatambay. Nasa kwarto niya kami habang nanonood ng Kdrama. Linggo ngayon kaya pinili kong tumambay dito, mamimiss ko rin kasi si Alissa kapag umalis na kami. She was my best friend after all.
"Kailan mo sasabihin kay Isaiah?" Tanong niya habang parehas nakatutok sa laptop niya ang mga mata namin. Parehas kaming nakadapa sa kama niya habang nanonood ng Something in the rain.
"I don't know yet. Ayaw ko siyang saktan"
"He must know. As soon as possible kung pwede. Hindi ka naman makikipaghiwalay e. Malalayo lang kayo sa isa't-isa pero kayo parin naman"
Madaling sabihin, pero sobrang hirap gawin. Suminghap ako at itinuon ang pansin ko sa cell phone ko ng may text na pumasok doon.
"Ikaw ba si Nathalia? Girlfriend ni Isaiah?" Kumunot ang noo ko sa text. Sino naman 'to?
"Who are you?" I replied.
"Kaibigan ni Isaiah. Let's meet. Nasa Pampanga din ako" eh? May iba pa bang kaibigan si Isaiah bukod kina Marco, Brix, Selena at April? Inabot ko kay Alissa ang cellphone ko at ipinabasa ang text na na-received ko.
"Hindi mo kilala?"
"Hindi. Bukod doon sa nakita natin sa mall ay wala na akong ibang kilalang kaibigan ni Isaiah" wika ko.
"So, I mi-meet mo?"
"What do you think?"
"Ask Isaiah first," tumango ako sa sinabi niya kaya kaagad kong tinawagan ang number ni Isaiah, pero nakapatay ito. Baka naglalaro parin ito. Nagpaalam kasi siya kanina na maglalaro siya ng basketball kasama ang ilan naming mga kaklase.
Muling nag text ang number ng nagsasabing kaibigan ni Isaiah. "Nasa 7/11 ako sa tabi ng school na pinapasukan niyo ni Isaiah. Hihintayin kita doon" napaupo ako dahil sa text at pinabasa ulit yun kay Alissa.
"Baka may importante siyang sasabihin" ani Alissa at umupo narin.
"Baka magalit si Isaiah" alala kong wika.
"Bakit naman siya magagalit kung kaibigan naman pala niya yan? Let's go. Baka importante yan" tumayo na si Alissa at naghanda na sa pag-alis. Tinignan ko siya ng may pagtataka, pupunta talaga kami?
"Pero Alissa-"
"Tara na, we need to know. Wala namang mawawala. Baka may sasabihin siyang importante na kailangan mong malaman." Nagtaka ako sinabi ni Alissa. Ano naman ang kailangan kong malaman?
Dahil lumabas na si Alissa ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Bakit parang may alam si Alissa? Ilang araw ko ng napapansin sa kanya na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi.
Pagdating namin sa 7/11 ay isang magandang babae ang nakita namin na nakaupo sa loob. May kulay abo itong mata na lalong nagpatingkad sa maganda niyang mukha. Pagkakita niya sa akin ay kaagad itong tumayo, paglapit namin ni Alissa ay kaagad siyang naglahad ng kamay.
"Ako ang mag text sayo. My name is Maica" tinanggap ko ang kamay niya.
"Kaibigan ka ni Isaiah?" I asked while looking at her beautiful eyes.
"Yes, I guess." Ngumiti siya. Umupo kami ni Alissa sa harapan niya.
"So, bakit mo gustong makita si Thalia?" Si Alissa ang nagtanong. Bahagyang ngumiti ang babae bago sumagot.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Novela JuvenilA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...