KABANATA 26

31 1 0
                                    

KABANATA 26

"Oh my god!" Tili ni Alissa.

Of course, she is the first person to know what happened to me today.

Pagkabalita ko sa kaniya sa naging pag-uusap namin ni Isaiah ay kaagad siyang umalis sa meeting na dinaluhan niya at mabilis niya akong pinuntahan dito sa bahay.

"Ikaw na, Thalia!" Aniya sabay hampas sa akin.

We are now in my room. At nakailang hampas na itong si Alissa sa akin mula kaninang pagdating niya.

"Manliligaw pa lang naman siya. Hindi pa kami" wika ko dahil kung maka react itong si Alissa ay para bang sinagot ko na agad si Isaiah. She's overreacting.

"You still love him, kaya magiging kayo pa rin at the end. Dapat nga ay sinagot mo na agad e!"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Kahit naman mahal ko si Isaiah ay alam kong kinakailangan pa naming mas makilala ang isa't-isa. Dahil sa mahigit apat na taon na magkahiwalay kami ay alam kong madami na ang nabago sa aming dalawa. Hindi na kami tulad ng dati na mga estudyante na wala masyadong pino-problema sa buhay. Hindi na kami mga teenager, kaya hindi pwedeng padalos-dalos sa mga desisyon.

"Hindi ko inaasahan na after what happened to the both of you in the past ay may chance pa rin kayong dalawa. I'm so happy for you, Thalia"

"Tingin mo ba ay naka move on na si Isaiah tungkol sa ex niya?" Natanong ko bigla. Isaiah's ex-girlfriend has died. Nakalimot na ba si Isaiah tungkol sa nakaraan na iyon?

"Maybe? You should have asked him. Tutal ay nanliligaw naman siya sayo kaya you have a right to ask him about that. This time ay kilalanin mo na siyang mabuti para wala ng masyadong conflict sa inyo at hindi na maulit ang nangyari dati" she said.

Tumango ako upang sumang-ayon. Sa katunayan ay ganun naman talaga ang plano ko.

Nasaktan ako noon dahil sa kaniya dahil sa katotohanan na lumapit siya sa akin dahil kamukha ko ang ex-girlfriend niya. Pero sa pagdaan ng panahon ay na realized ko na hindi ko naman talaga kinilala si Isaiah ng lubos noon. I fell in love with him without knowing his background. Kaya ngayon ay gusto ko na mas kilala ko na talaga siya.

Pagkaalis ni Alissa ay nahiga ako sa kama ko habang nag-iisip ng mga gagawin ko sa susunod na mga araw. Maging ang alok ni Dash ay pumasok din sa isip ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ko ay biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Pagsulyap ko roon ay pangalan ni Isaiah ang nakita ko kaya aligagang pinulot ko ang cellphone na nakapatong lang sa kama.

Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang answers button ng telepono.

"H-Hello," I answered.

Randam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko kaya napapikit ako dahil sa matinding kaba.

"Hello, naistorbo ba kita?" His husky voice is filling my ears. Shit! Bakit parang nang-aakit ang boses niya ngayon?

"Hindi naman, wala naman akong ginagawa. Bakit ka nga pala napatawag?" Kinagat ko ang labi ko dahil sa sarili kong sagot.

Seryoso Nathalia? Tinanong mo talaga siya kung bakit siya tumawag? Ano pa ba ang ibang rason para tumawag ang isang manliligaw sa kaniyang nililigawan?

Isa akong writer ng mg romance novel pero sarili kong love life ay nabobobo ako sa mga dapat kong gawin at sabihin. Para tuloy akong teenager na kinakausap ng crush niya!

"I'm just checking if you are already sleeping"

"Maaga pa naman kaya hindi pa ako tulog" habang nakatutok ang hawak kong cellphone sa tainga ko ay humiga ako sa kama at tinignan ang ceiling ng kwarto ko.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon