KABANATA 28
8 AM when I received a video call from Dash.
I was hesitant to answer it at first, pero dahil gusto kong malaman kung nakauwi na ba siya sa kung saan man siya tumutuloy ngayon kaya sinagot ko na.
"Hey," ang mukha niya na kakagising lang ang bumungad sa akin and his hair is still a mess.
"Where are you?" I asked him.
Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay itinutok lang niya ang camera sa gwapong lalaki na kasalukuyang nasa kusina at nagluluto. Isaiah is in the kitchen while cooking!
"Your boyfriend is so hospitable, Nathalia. I don't know why in the hell I am in his condo unit, pero salamat sa kaniya dahil hindi ako natulog sa kalsada. And now, he's cooking for our breakfast."
Gusto kong mainggit kay Dash. Ako nga ay never pang natikman ang luto ni Isaiah eh!
"He is not yet my boyfriend," I corrected him.
"Not yet? Edi jowain mo na. Baka next time ay ikaw na ang sasamahan kong uminom dahil nagsawa na siya sa kakahabol sa'yo?" Tumatawang wika ni Dash kaya napanguso ako.
Mula sa camera ay nakita kong napatingin si Isaiah kay Dash at naka kunot ang noo.
"Hey, man! I am filming you. Kinakausap ko si Nathalia pero ikaw ang nakikita niya." Dash said loudly. Umiling lang si Isaiah ay pinagtuunan na ulit niya ng pansin ang niluluto.
"Baliw ka Dash. Umuwi kana, nakakahiya na kay Isaiah," wika ko. Pinatuloy na nga sa bahay, tapos ay makikikain pa.
"Nah! Mamaya na." Pagkapatay ng tawag ay si Isaiah naman ang tinext ko.
Me: Pasensya na kay Dash. Pauwiin mo na yan after kumain.
Isaiah: Sure.
Nang maibaba ko na ang tawag ay hinalughog ko ang buong kwarto ko para hanapin ang isang importanteng bagay na hindi ko akalaing hahanapin ko pa. It is the necklace that Isaiah gave me before, the infinity necklace.
Sa isang kahon kung saan nakalagay ang mga lumang gamit ko... doon ko nakita ang kwintas. Ilang taon man ang lumipas ay nanatili pa rin itong maganda at hindi nakakasawang tignan ang pendant nito na napapalibutan ng mga maliit na kulay lilac na mga diyamante. Naaalala pa kaya ni Isaiah ang kwintas na ito?
Kinagabihan ay nakipagkita ako kay Isaiah sa isang lugar na nagpapabalik sa mga alaala ng nakaraan. Sa Heaven bookstore kung saan kami madalas tumambay kapag nagbabasa kami. This place has a special space in my heart, dahil sa magandang alaala na narito.
Pagkaupo ko sa mahabang leather couch ay binuksan ko muna ang isang librong napili ko. Wala pa si Isaiah kaya naghintay muna ako sandali.
Nakasaad sa librong binabasa ko na sa buhay ng tao ay maaaring magmahal ng tatlong beses. Ang unang pag-ibig na nararansan sa murang edad na kalaunan ay hindi naman nagtatagal. Ang pangalawang pag-ibig ay ang klase raw ng pag-ibig na hindi madaling makalimutan at doon ka raw masasaktan ng sobra. At sa pangatlong pag-ibig ay ang pag-ibig na hindi mo hinahanap pero darating sa'yo, pag-ibig na siyang nanaisin mo at pag-ibig kukumpleto sa pagkatao mo.
Napaisip ako dahil sa libro. Si Isaiah ang una kong pag-ibig na hindi nagtagal. Pangalawang pag-ibig? Wala naman akong ibang minahal. Nagka boyfriend man ako noon pero hindi ko sila minahal, sumubok lang ako upang makalimot sa una kong pag-ibig pero wala namang nangyari.
Habang tulala akong nakatingin sa libro ay hindi ko na namalayan ang biglang pagsulpot ni Isaiah sa tabi ko.
Tinignan niya ang binabasa kong libro at kumunot ang noo niya roon. "Bakit mo binabasa yan?" he asked.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Teen FictionA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...