KABANATA 18

23 0 0
                                    

KABANATA 18

"Thalia, okay ka lang?" Alalang tanong ni Alissa sa akin. Pagkauwi namin sa condo unit niya ay sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng bar at katulad ko ay nainis din siya kay Isaiah.

"Hindi ako makapaniwala na masasabi niya sa akin ang ganun" suminghap ako at sumandal sa backrest ng inuupuan naming sofa.

"Below the belt na ang sinabi niya. How could he said that to you! Wala naman siyang karapatan. So what kung makipagsayaw ka sa iba?"

"Mukhang nagbago na siya" bumuntong hininga ako habang iniisip ang galit na mukha niya. Of course, magbabago siya. Apat na taon na ang lumipas kaya dapat ay hindi na ako magtaka kung may magbago man kay Isaiah. Pero bakit ganun? Bakit hindi ko tanggap ang pagbabagong iyon sa kanya?

"Huwag mo ng isipin yun. Hayaan mo na lang siya. Mabuti pa at magpahinga na tayo at baka magmukha pa tayong zombie bukas sa kasal ni kuya"

Nauna ng tumayo si Alissa at pumasok sa kwarto. Habang ako naman ay naiwan na tulala at nag-iisip parin sa nangyari. Kinapa ko ang pwesto kung saan nakalagay ang puso ko, kanina ay sobrang lakas ng kabog nito at hanggang ngayon ay randam ko parin ito. Apat na taon na ang lumipas... Apat na taon pero bakit ganun parin ang reaksyon ko kapag kaharap ko siya? Bakit walang pagbabago? Nakakainis isipin na sa aming dalawa ni Isaiah ay baka ako na lang ang apektado kapag nagkikita kami. Nakakainis!

Dahil sa kakaisip ko sa kanya ay hindi kaagad ako nakatulog. Mabuti na lang at natakpan ng concealer ang eyebags ko kinabukasan.

Sa simbahan kung saan ginanap ang engrandeng kasal ng kuya ni Alissa ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang pinapanood ang kasal. I'm always emotional when I'm watching this kind of solemn wedding. At sa tuwing nagsusulat ako ng kwento kung saan may scene na ikinakasal ang dalawang bida ay nagiging emotional din ako.

To walk in the aisle while the man you love is waiting for you at the altar is every woman's dream. Pangarap na mula sa pagkabata ko ay naiisip ko na. Sino bang babae ang hindi nangarap na ikasal sa lalaking mahal nila?

Mapait akong napangiti habang iniisip ko kung darating pa ba ako sa punto ng buhay ko na ako naman ang ikakasal? Na ako naman ang iiyak sa saya. Na ako naman ang papangakuan ng pang habang-buhay na pag-ibig.

"Miss, you okay?"

Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago ko hinarap ang lalaking katabi ko. Nag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin kaya umiling agad ako at medyo natawa sa sarili.

"I'm okay"

"Wait, ex ka ba ni Aron?"

Si Aron ang kuya ni Alisson na ikinakasal. Umiling ako sa tanong ng lalaki.

"No, no. Kaibigan ko ang kapatid ni kuya Aron. Hindi ako ex" paliwanag ko bago siya tumango at ngumiti.

"Akala ko tatayo kana para sabihin na itigil na ang kasal" tumawa pa siya kaya natawa din ako.

"By the way, I'm Marcus. Pinsan ako ng bride" aniya sabay lahad ng kaniyang kamay.

Kaagad kong tinanggap ang kamay niya, mukha naman kasi siyang mabait at gentleman.

"I'm Nathalia. Pero Thalia na lang"

"You look familiar. Nagkita na ba tayo before?"

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa mukha ko. Umiling ako dahil alam ko na ngayon pa lang kami nagkita.

Dahil kay Marcus ay nawala na ang ang atensyon ko sa kasal, lalo na at na-kwento niya isa siyang engineer. Nagulat pa nga siya ng malaman niya na engineering ang course na kinuha ko sa college. Medyo marami kaming similarities kaya naman napa-sarap ang kwentuhan namin at hindi namin namalayan na tapos na pala ang kasal.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon