KABANATA 03

55 3 0
                                    

KABANATA 03

Pagpasok ko kinabukasan ay sinalubong ako ng tanong ni Alissa.

"Kumusta kahapon? Sino sa dalawang pogi ang naghatid sa'yo?" Ngising tanong niya.

Ako naman ay tinignan siya ng masama. Iniwan niya ako kahapon at muntik pang mag-away ang dalawa.

"Ewan ko sayo Alissa. Nakakainis ka!" irap ko, pero si Alissa naman ay humalakhak lang na para bang natutuwa pa.

"Gosh! Ang haba ng buhok mo Thalia, may Jiro na, may Isaiah pa," aniya na nakangisi.

"Shut up."

Wala namang nakakatuwa.

Pagpasok sa room namin ay bumungad ang mga kaibigan ni Jiro na nakangisi sa akin. Si Jiro naman ay nakatingin lang sa habang ang chinito niyang mata ay nakasunod hanggang makaupo ako. Kita ko ang pagbuntong hininga niya at pag-iwas niya ng tingin.

"Torpe kasi ni Jiro, kung matagal ka na niyang niligawan edi sana kayo na," bulong ng katabi ko. Siguro ay tama si Alissa. Alam ni Alissa na crush ko dati si Jiro dahil gwapo ito, pero puro parandam lang ito simula last year at hindi naman totally na gumawa ng paraan para mapalapit sa akin. Totoo nga na torpe ito.

Tumingin ako sa harap at ang matipunong likod naman ni Isaiah ang nakita ko. Nangunot ang noo ko kahit sa likod niya lang ako nakatingin. Ano kaya ang trip ni Isaiah? Oo at napapansin ko na ang pagtitig niya sa akin simula pa lang noong unang araw ng klase pero ngayon lang ito diretsahang nagsabi ng ganoong bagay. Pinaglalaruan ba niya ako?

"Isaiah," tawag ng teacher namin sa kanya, pinapakolekta nito ang mga notebook namin kay Isaiah dahil sa ipinagawa niyang assignment noong nakaraan at ngayon lang niya i c-check. Dahil class president ito ay kaagad siyang tumayo at isa isang kinuha ang mga Filipino notebook namin. Seryoso lang ang mukha niya pero kada babaeng lalapitan niya para kuhanin ng notebook ay napapangiti at halatang kinikilig dahil sa nilapitan sila ni Isaiah Arcega.

Nang nasa tapat ko siya ay kaagad kong inabot ang notebook ko, pero hindi niya ito kaagad kinuha at nakipagtitigan pa sa akin. What's wrong with him? Pinagtitinginan na kaming dalawa!

"Isaiah," tawag ko sa pangalan niya at mas lalo ko pang inilapit ang notebook ko sa kanya, kinuha naman niya ito pero bago umalis ay nakita ko pa ang pag ngisi niya na alam kong nakita ng lahat! Halatang ngumisi siya dahil lumitaw ang dalawang dimples niya sa pisngi! Sinundan ko siya ng tingin at wala na ang ngisi nito habang kinukuha ang notebook ng iba pa. Dammit. Pinag t-tripan nga ata talaga ako ni Isaiah.

"Halata masyado si Isaiah," bulong na naman ni Alissa at tinignan ako. Napangiwi lang ako sa sinabi niya.

Nang matapos na ang klase ay naisipan namin ni Alissa na tumambay muna sa isang milk tea shop na madalas naming puntahan na malapit lang sa school.

Pagdating namin sa milk tea shop ay kaagad naming in-order ang gusto namin. Umupo muna kami doon at nag kwentuhan.

Nang malapit na kaming matapos ay na eskandalo kami sa biglang pagtawag ni Darryl sa pangalan ko, kasama niya ang isa pa niyang kaibigan niya si Kenneth at syempre ay kasama din si Jiro. Ang lapad ng ngiti ni Darryl at inakbayan pa si Jiro palapit sa amin. Si Jiro naman ay nakatingin sa akin kahit na nahihiya dahil sa inasta ng kaibigan.

"Nandito pala kayo," ngisi ni Darryl sa amin ni Alissa.

"Yeah, patapos narin naman kami" sabi ko at pinakita iniinom namin ni Alissa na malapit ng maubos.

"Ganun ba... Thalia, hatid kana lang daw ni Jiro, sabay kana rin Alissa," aniya at tinapik ang likod ni Jiro na nagulat sa sinabi ng kaibigan pero hindi naman siya nagsalita at tumango lang habang napapakamot ng ulo. Cute. Napangiti ako sa simpleng gesture ni Jiro na nahihiya.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon