Missing #23

4.2K 126 31
                                    

"Welcome ma'am and sir!"
Hindi na pinansin ni Joy ang bumating guard ng 24-hoursconvenient store na pinasukan nila ni Iñaki. Dumaan sila doon upang saglit nabumili ng maiinom para sa byahe nila pauwi ng Cavite. Wala na rin kasi silangtindahan na madadaanan kaya nagpasyang tumigil saglit upang mamili ng inumin.
"Kukuha na ako ng inumin do'n, may gusto ka bangipabili?" tanong ni Iñaki.
Umiling lang siya bilang tugon dito kasunod ang paghatidtanaw sa binatang naglalakad patungong drink section ng store.
"Eliza?"
Napalingon si Joy sa pamilyar na boses na tumawag sapangalan niya kasunod ang pagkunot ng noo. Pamilyar ang babae pero hindi niyaalam kung saan niya ito nakilala.
"Eliza don't you remember me? It's me, Janine,"nakangiting pakilala ng tsinitang si Janine sa sarili.
"Janine?" ulit niya habang sinusubukang alalahanin kung saan niyanakilala ang pamilyar na babaeng kaharap.
"Kakaloka 'to, it's me Janine Mauriz Castillo! Classmate no'ng first andsecond year highschool!"
"Oh my! Janine!" masayang niyang niyakap si Janine ng sawakas ay maalala niya na ito. Ang isa sa naging malapit niyang kaibigan noonghighchool pero lumpat rin ito ng school ng mag-third year kaya naputol na angkomunikasyon nila. "Sorry, memory gap!"
"Hay naku, okey lang! Kumusta ka na? Ang ganda-ganda mo nalalo!"
"Ako pa ang maganda?! Eh ikaw nga mukang korean model!"nakangiting puri niya pa na pilit na itinatago ang tension na nararamdaman.
"Babe, wala ka nabang idadagdag?"
Sabay na naagaw ng lalaking may hawak na malaking paperbag ang atensyon nila. Naglakad ito palapit sa tabi ni Janine.
"Wala na babe. Ay oo nga pala, si Joy, isa sa mga superfriends ko nu'ng highschool," pakilala ni Janine sa nobyo. "Joy, si Vernon,boyfriend ko."
"Hi, nice to meet you!"
"Nice to meet you too, Vernon," nakangiting tugon niya. Kunghindi ito pinakilalang nobyo ni Janine ay pagkakamalan niyang kapatid ito ngdalaga. Parehas kasing bilugan na singkitin ang mga mata ng dalawang kaharap atmestisuhin ang kulay ng mga balat.
"Hey, babe, I think we have to go na. Baka naghihintay nasila do'n eh," paalala ni Vernon.
"Ah yeah. Joy, Mauna na kami ha, may lakad pa kasi kami,"ani Janine bago humalik sa pisngi ni Joy.
"Sure, no prolem. Ingat kayo ha," tugon niya.
"Hanapin na lang kita sa facebook. Bye!" nakangitingpahabol ni Janine bago tuluyang makalabas ng store kasabay si Vernon.
Nakangiti naman niyang hinatid ng tanaw ang mga ito.Ngunit kaagad ring nawala ang mga ngiti niya ng mapansin ang batang nakatayo hindi kalayuan sa dalawa nanakatingin sa kanya mula sa labas. Nakasuot ito ng makapal at maputik na jackethabang ang mukha at nababalot sa malapot at mapulang dugo.
"Joy?"
Napapitlag siya ng maramdaman ang kamay na humawak sabalikat niya. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili na mapasigaw."I-Iñaki..."
"Okey ka lang ba? Namumutla ka."
Naramdaman niya ang mainit na palad ng binatang lumapatsa kanang pisngi niya. Ilang malalim na na buntong hininga ang binitawan niyabago ibinalik ang mga tingin sa may labas ng store na transafarent na salaminlang ang pagitan. Wala na doon ang bata. Wala na si Franco.
"Y-yes... I'm okay," tugon niya.
"May gusto ka ba bilhin?" tanong muli nito.
"N-nope, let's go na. Baka masyado na tayong gabihin,"anyaya niya at nagpauna ng lumabas ng makitang nakasupot na ang mga inumingbinili ng binata. Naramdaman naman niya ang pagsunod ng binata sa kanya. Atdahil medyo malayo at matagal ang byahe nila ay kotse niya ang dala nila at siIñaki ang nagprisintang magmaneho.
"Are you sure you're okey? Pwede natin itong ipagpabukasif you want," ani Iñaki ng makapasok sa loob ng kotse.
Saglit siyang tumingin dito at ngumiti bago ibinaling angmga tingin sa harapan. "I'm okey, let's go."
Tumalima naman ang binata at binuhay na ang makina ngkotse.

***

"JOY..."
Napatingin si Joy sa kamay ni Iñaki na humawak sa kamayniya.
"Everything will be fine," ani Iñaki bago ibanlik angkamay sa manibela.
Pilit naman siyang ngumiti bilang tugon dito. Maswertesiya at nagawa siyang samahan ni Iñaki. Pakiramdam niya kasi ay nagiging safesiya kapag nasa tabi lang siya ng binata. Kung pwede lang sana ay hindi na siyanito iwanan pa.

Maydalawang oras na rin silang bumabyahe at halos malapit na rin sa boundary ngAlfonso at Dasmariñas. Napapitlag siyasa biglang pagtunog ng cellphone na hawak niya. Napansin niyang masyado nasiyang nagiging nerbyosa sa mga nangyayari.
"Si Ryan? Don't answer his call," seryosong sabi ni Iñakihabang diretso ang mga tingin sa kaharap na kalsada.
Nagtataka siyang napatingin sa katabing binata. Paanonito nalaman kung sino ang tumatawag? Bakit pakiramdam niya ay tila ine-expect na nitong tatawag si Ryan sakanya.
"For sure pipigilan ka lang niya," sabi pa muli nito nahindi nag-aksayang tapunan siya ng tingin.
Muli siyang siyang napatitig sa hawak na cellphonekasabay ng pagipigil sa sariling sagutin ang tawag na iyon ni Ryan. Ilang ring at ilaw pa ang ginawa ng cellphone niya bago iyon huminto kasunod ang sunud-sunodna pagtunog ng message tone nito. Ini-slide niya ang harapan ng touchscreen na cellphone kung saan lumabaskaagad ang mga mensahe na galing rin sa binata.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon