Missing #15

4.7K 189 23
                                    

“OKEY look, I’m sorry –”

            “It’s okey,” putol ni Joy sa sinasabi ni Ryan. Halos buong byahe sila pauwi na walang imikan sa loob ng kotse. Si Ryan na ang naunang bumasag ng katahimikan ng maihinto ang kotse sa tapat ng bahay niya. “Bababa na ako.” Napatigil siya sa paghakabang sana pababa ng kotse ng mabuksan ang pinto at napatingin sa kamay ni Ryan na nakahawak sa braso niya.

            “Joy, I’m sorry...  Alam mo kung bakit ayokong malaman ni detective Darwin ang nakaraan. Hindi kapakanan ko ang iniisip ko, kung hindi ‘yung sa iyo. Ayokong mapahamak ka…”

            “Ryan, ayaoko ng mabuhay sa kasinungalingan. Hindi ko na kaya.”

            “Kung sasabihin natin ang lahat at totoo sa kanila, sa tingin mo ba buhay mo lang ang masisira? Hindi lang ikaw at ako ang nandoon ng gabing iyon. Kasama natin si Cez at Kai. At sa oras na malaman ng lahat ang totoo, sa oras na maungkat ang nakaraan, hindi lang mga buhay natin ang pwedeng masira. Pati na rin ang buhay ng mga pamilya natin, Joy.”

            “Hindi ko na alam ang iisipin ko, Ryan. Ayoko ng munang mag-isip ng kahit na ano. Bukas na lang tayo mag-usap. Please Ryan, let me go. Gusto ko ng magpahinga.” Ng maramdaman niya ang pagluwag ng hawak ni Ryan sa kamay niya ay walang sumunod na paalam na siyang bumaba ng kotse ng binata. Narinig niya ang mabilis na pagharurot nito ng kotse ng magsimula na siyang maglakad papasok ng gate.

            Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya . Pakiramdam niya anumang oras ay sasabog na muli ang mga luha niya.

            “Joy…”

            Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan niya.

            “Iñaki!” Hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ang binata. Kailangan na niyang mailabas ang bigat na nararamdaman niya.

            “Anong nangyari?! Sinaktan ka ba ni Ryan?!”

            “Ed’s death… It’s our  fault… It’s my fault…” hagulhol niya sa dibdib ni Iñaki.

            “Joy… Joy… Look at me,” bahagyang inilayo ni Iñaki ang sarili mula sa kanya  bago ikinulong sa sariling mga palad ang magkabilang pisngi niya. “You can trust me… Makikinig ako sa iyo… Maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo… Listen Joy, you can trust me.”

            Sa kauna-unahang pagkakataon ay tila nakakita siya ng taong sasalo ng lahat ng bigat na nararamdaman niya.

            ‘Hindi lang mga buhay natin ang pwedeng masira. Pati na rin ang buhay ng mga pamilya natin, Joy.’

            “Iñaki…”

****

****

Mabilis na iniikot ni Ryan ang hawak na manibela. Babalikan niya si Joy. Hihingi siya ng tawad dito. Hindi sila maaaring magkasira ng dalaga. Hindi maaaring mawala sa kanya si Joy.

            Ngunit malayo pa lang sa bahay ng dalaga ay kagad na niyang naihimpil ang sasakyan sa isang tabi kasabay ng pagpatay ng mga ilaw nito sa harapan. Bumilis ang tibok ng puso niya ng may makitang dalawang bulto ng tao na magkayakap sa may tapat ng bahay ni Joy.

            “Hindi ‘to pwede… Hindi ‘to pwedeng mangyari… Hindi…”

***

***

Mabigat ang pakiramdam ni Joy sa ulo niya ng imulat ang mga mata. Nakakasilaw na liwanag mula sa bukas na bintana ng kwarto ang sumalubong sa namumugto niyang mga mata. Nagdesisyon na siyang bumangon habang inaalala ang mga nangyari ng nakaraang gabi.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon