EXCITED na bumaba ng kotsesi Emily at sumunod sa mama niya sa pagpasok sa loob ng bahay. Dumiretso ito ngpasok sa loob ng kwarto at isinarado ang pinto.
"Bakit nagmamadali ang anak mo?" takang tanong ni Adriansa asawa.
"Baka excited sa bago niyang Barbie," tugon naman ni Mycana dumiretso ng kusina dala-dala ang mga pinamili sa supermarket. "What do youwant for dinner?"
"Ikaw nang bahala Myca. Basta h'wag mo na lang kalimutan 'yungfavorite ni Emily for dessert," ani Adrian na umupo sa may katabi ng lamesa atnagsimulang buklatin ang hawak na dyaryo.
"Sige, magtitimpla na lang muna ako ng kape mo o gusto momag-tsaa na lang?"
"I want coffee please. Ang lamig kasi sa labas ramdam kohanggang dito sa loob ng bahay," tugon ni Adrian. Palapit na ang summer ngunitkaya hindi niya alam kung saan nanggagaing ang malamig na hangin na yumayakapsa katawan niya. Pakiramdam niya nga ay mas lumakas pa ang lamig na iyon ngpumasok sila sa loob ng bahay.
"Daddy! Mommy! Where is he? Bakit hindi ko siya makita?Hindi ko tuloy mapakita ang bagong Barbie ko sa kanya!" ani Emily na bagongpasok ng kusina at hawak-hawak ang bagong manika. Naglakad pa ito at binuksanang ilang malalaking cabinet sa loob na tila may hinahanap.
Nagtataka namang nagkatinginan ang mag-asawa at halossabay na muling ibinaling ang mga tingin sa anak na abala sa paghahanap sahindi nila alam kung ano o sino.
"Hayyy.. Nasaan ka na ba? Magpakita ka na sa akin...Ayokona makipaglaro sa iyo," sabi pa ni Emily na patuloy sa paghahanap.
"A-anak, ano bang hinahanap mo d'yan?" nag-aalalangtanong ni Myca sa weirdong ikinikilos ng anak. Matagal na niyang napapansin natila palagi nitong kinakausap ang sarili lalo na kapag papasok siya sa kwartong anak, parang lagi itong may kinakausap at kalaro sa loob. Parang may kasama anganak niya na hindi nila nakikita.
"'Yung lagi ko pong kalaro sa kwarto ko mommy," tugon ni Emilyna sa wakas ay napatigil sa katapat at binuksang cabinet. Gumuhit ang ngiti salmga labi nito na tila sa wakas ay nahanap na ang kanina pang hinahanap nakalaro. "Huli ka! At last nakita na rin kita... Franco!"The End
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...