FLASH BACK
Napalunok si Joy ng makita ang ilang kotse ng mga pulis hindi kalayuan sa bahay nila. Sigurado siyang sa bahay iyon nina Franco nakatigil.
“Joy,” tawag ng mama niya na nakaupo sa tabi ng driver seat kung nasaan ang mama niya. “Sakay na.”
“Y-yes mom.”
****
“Ikaw ba Joy, lumabas ka na naman ng bahay kagabi?”
Napapitlag si Joy mula sa pagkakaupo sa tanong na iyon ng mama niya. Nakatingin sa kanya ang repleksyon ng mga mata nito mula sa rearview mirror.
“N-no mom, why?”
“Nawawala ang anak nina mrs.Torres. ‘Di ba kaklase mo ‘yon? What his name nga?”
“Franciso,” ang mama niya ang sumagot sa tanong ng papa niya na nagmamaneho.
Muling rumehistro sa isipan niya ang mga sasakyan ng pulis nakahimpil sa nadaanan nilang bahay kanina
“Hindi ba mabait na bata iyon? Ang alam ko nga running for valedictorian iyon sa batch ni Joy.”
“Baka naman napagalitan ng parents, nagtampo tapos naglayas o nasa bahay ng kaklase.”
“Sabi ni Lucy, napakabait daw talaga ng batang iyon at ni isang beses ay hindi niya naringgan na pagalitan iyon. Kahit kagabi kaya nga iniisip nilang baka kinidnap ang bata.” Ang kapitbahay na nakatira sa pagitan ng bahay nila nina Franco ang tinutukoy ng mama niya.
“Teka Joy, kanino pala ‘yang bag? Panlalake ‘yan ah?”
Napatingin siya bigla sa malaking bag na katabi. “K-kay Rye po. N-naiwan niya sa bahay last time na gumawa kami ng group project. B-bumili po ako ng chips kahapon para sa food trip namin mamaya.”
“Chips na naman? Sabi ko naman sa ‘yo Lyza Joy iwasan mo ‘yang mga chips na ‘di ba? Okey, let me check that bag para matanggal ko -”
“No! Don’t touch this bag!” bigla niyang niyakap ang bag na katabi ng humarap ang mama niya sa kanya at akmang aabutin ang bag.
“Mama, hayaan mo na ang anak mo. Last weekend bonding nila ng barkada niya bago ang graduation nila, remember?” nakangiting sabi ng papa niya na hindi inaalis ang mga tingin sa harapan.
“O-okey,” tugon ng mama niya na halatang nagulat sa reaksyon niya at umayos na ng upo. Tumingin ito sa kanya sa pamamagitan ng rearview mirror. “But that’s the last time, okey?”
“Y-yes mom.”
****
“W-WHAT do you think?”bakas sa boses ni Kai ang kaba. Nakaupo ito sa may upuan na nasa harapan ng study table sa loob ng kwarto ni Cez.
“What do you mean?” balik tanong ni Cez na nakaupo katabi ni Joy sa ibabaw ng kama.
“Princess, you heard Joy’s story. May mga kotse ng pulis sa harapan ng bahay nina Franco,” tugon pa ni Kai.
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...