ISANG ELEMENTARY teacher si Cez, si Ed naman ay manager sa isang SM Mall sa Pasay, si Kai naman ay supervisor sa isang call center company sa Makati at si Ryan ay namamahala ng negosyong naiwan ng mga magulang.
"Si Ed lang pala ang maswerte sa lovelife," nakangiting puna ni Joy. Pilit niyang itinago ang nangyari kanina sa C.R. kahit medyo nahalata ng barkada ang pamumutla niya ng makabalik sa lamesa.
"Eh ikaw ba Joy, bakit hindi ba nagkaka-boyfriend? Sa akin medyo alam ninyo na ang sagot kasi nakakahiya man aminin sa edad kong ito, pinaghihigpitan pa din ako ni mama," natatawang kwento ni Cez.
"Mukhang naman na magkaka-boyfriend na siya ngayon. What do you think, Ryan?" nakangiti namang tanong ni Kai sa katabi.
"Loko talaga kayo! Tama na nga 'yan," saway niya pero lihim na kinikilig. Ang laki naman kasi talaga ng iginwapo ni Ryan ngayon lalo na sa suot nitong hapit na long sleeve kung saan bumabakat ang maskuladong katawan.
"Bakit hindi natin tanungin si Ryan . Ikaw Ryan , bakit wala ka pang girlfriend?" tanong ni Ed.
"Napalayo kasi ako msyado sa taong matagal ko ng gustong maging girlfriend..." sagot ni Ryan na nkatingin kay Joy.
Umalingawngaw ang malakas na tuksuhan sa kanilang dalawa na ramdam nyang nagpapainit ng magkabilang pisngi niya. Saglit siyang napatingin sa kabilang lamesa kung saan may batang nakasuot ng backpack at nakatalikod sa pwesto nila. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay pinapakinggan nitong mabuti mula sa kinauupuan ang pinag-uusapan nila. At sa pagdaan ng ilang tao sa harapan nito ay bigla iyong nawala sa paningin niya.
"Hmmm guys. C-change topic tayo..." Ramdam niya ang paghina ng boses niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang gustong sabihin. "M-may balita ba kayo kay... kay Franco?"
Namayani bigla ang katahimikan sa lamesa nila. Parang walang gustong sumagot ng tanong na iyon ni Joy. Bumakas naman sa mukha ni Dei ang pagtataka sa pagtahimik ng lahat.
"I heard, he never found," sa wakas ay tugon ni Cez na halos pabulong. "It was exactly 13 years ago..."
"I have this dream... It's actually a nightmare... Hindi ko na halos matandaan, pero sigurado akong it's all about Franco. H-hindi kaya guys... Something happened to him?"
"And what is that something naman?" may pagkasarkastikong tanong ni Kai.
"'Yung bangin na sinasabi nila. H-hindi kaya nagpunta siya dun? H-hindi kaya -"
"Stop it, guys" saway ni Ed. "May usapan tayo, remember?"
"Tama si Ed. Hindi na natin dapat pinag-uusapan ang mga ganitong bagay. Nandito tayo para magsaya," nakangiting basag ni Ryan sa tension na namamayani sa lahat at tumingin kay Joy.
Tumugon naman siya ng ngiti sa binata. Tama naman ito. Dapat hindi na nila pinag-uusapan ang mga ganoong bagay lalo na at may pangako sila sa isa't isa noon.
"Okey! So change topic na ulit tayo. Ikaw ba Dei, anong nagustuhan mo dito kay Ed? Hindi ka ba ginayuma ng mokong na ito?" nakangiti na ring tanong ni Kai.
"Grabe ka, Kai!" bulalas ni Cez.
"Imagine naman kasi guys, hitsura nito ni Ed para sa ganda and at sexy ni Dei," dagdag pa ni Kai.
"Gago ka talaga, Kai!" natatawa na ring tugon ni Ed.
Muling napalitan na ng tawanan ang kanina lang ay mga seryosong mga mukha nila.
"Excuse me po. Sino po si ms. Joy?"
Halos sabay-sabay silang napatingin sa baristang lumapit at nagtanong.
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...