Missing #11

5K 210 34
                                    

“R-RYAN…” Hindi inaasahan ni Joy na makikita niya si Ryan at ang kotse nito sa labas ng bahay niya.  “K-kanina ka pa d’yan?” may pag-aalinlangan na tanong niya kahit halata na kanina pa doon ang binata.

            Hindi naman tumugon ang binata at tumingin kay Iñaki.  “Sinusundan mo ba si Joy?” seryosong taning nito.

            “I’m sorry?”

            “A-ah Ryan, si Iñaki. Nagkita kami kanina sa fastfood. Sa kabilang subdivision lang siya nakatira kaya hinatid niya ako dito,” singit niya.

            “Nice to see you again,” ani Iñaki na inilahad ang kamay.

            Hindi pinansin ni Ryan ang kamay na nakalahad sa harapan at bumaling na muli kay Joy. “Kanina pa kita tinatawagan. Dumiretso na ako dito kasi nag-aalala ako sa iyo.”

            “S-sorry. Hindi ko kasi dala ‘yung cellphone ko,” tugon niya.

            “Ah Joy, I think I should go,” paalam ni Iñaki. “See you around.”

            Tumango siya bilang tugon dito bago inihatid ito ng tanaw palayo. “Gusto mo ba mag-kape?” tanong niya na tumuloy sa may pinto upang buksan iyon.

            “Hindi maganda ang pakiramdam ko sa Iñaki na ‘yon.”

            Hindi siya lumingon sa sinabing iyon ni Ryan pero batid niyang nakasunod ito sa kanyang pagpasok.

            “Hindi ko alam kung bakt pakiramdam ko sinasadya niyang magkita kayo,” muling sbi ni Ryan.

            Dumiretso na siya sa kusina at nagsimulang mag-init ng tubig para sa kape.

            “Noong una pa lang na makita ko sya hindi ko na siya gusto,” umupo na si Ryan sa isa sa mga bakanteng upuan na kaharap na lamesa. “Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung bad vibes na nararamdaman ko sa kanya. Parang hindi coincidence lahat.”

            “Nagseselos ka ba?” biglang tanong niya at humarap dito.  

            “H-ha? Ako? Magseselos? Bakt naman?” balik tanong ng binata.

            Natatawang ibinalik niya ang pansin sa pag-iinit ng tubig. Naiinis siya kanina ngunit nagsisimula na iyong mapalitan ng kilig sa inaasal ni Ryan.

            “Okey fine. Wala lang talaga akong tiwala sa kanya. Pakiramdam ko sinusundan ka niya,” sa wakas ay pag-aamin nito.

            Nakangiti siyang sinisimulan ang pagtitimpla ng kape.  “Nagkataon lang na nagkita kami kanina habang nagbe-breakfast ako,” sabi niya at inilagay na ang tasa ng kape sa ibabaw ng mahabang lamesa.

            “Sorry kung masyado akong praning… Ayoko lang talaga mapahamak ka… Kaya siguro nagiging ganito ako ka-over protective sa iyo.”

            Napatingin si Joy sa kamay ni Ryan na lumapat sa kamay niya. Ilang saglit bago siya muling napangiti. Bumalik kasi sa isipan niya ang isang parte n nakaraan nila ni Ryan.

***

FLASHBACK

 

“MOMMY… DADDY…” magkahalo na ang sipon at luha sa mukha ni Joy at hindi na halos makahinga sa walang tigil na pag-iyak na ginagawa.

            “Ahhhh!!!” Isang malakas na kulog at kidlat ang gumuhit sa langit. “Mommy… Daddy…”

            Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakaupo sa pinakasulok  ng pinasukang kweba. Nag-camping kasi silang buong klase ng mga estudyanteng magtatapos at naiwanan siya ng  mga kasama   ng saglit siyang huminto sa paglalakad upang ayusin ang sintas ng sapatos niya. At dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan ay mabilis siyang tumakbo upang maghanap ng masisilungan.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon