"THANKS," ani Joy ng mailagay ni Ryan sa harap niya ang Frafuccino na in-order. Ang binata ang kumuha sa counter ng mga in-order nilang inumin.
Muling namayani ang katahimikan sa lamesa nila ng magkanya-kanya silang higop sa mga inumin. Kagagaling lang nila sa burol ni Kai at nagpasyang dumaan muna sa isang coffee shop. Ilan na lang ang costumer na nagkakape sa loob dahil malalim na rin ang gabi. Mapapansin naman ang tension sa pagitan nina Iñaki at Ryan na hindi pa rin nagkikibuan buhat ng magkaharap. Sa kotse ni Ryan nakasabay si Cez at sa motor naman ni Iñaki nakasabay si Joy.
"Guys," sa wakas ay basag niya sa katahimikan.
Halos sabay-sabay namang nag-angat ng mga tingin ang mga kasama niya at tumingin sa kanya.
"Alam nating seryoso na ang nangyayaring ito. Sa tingin ko kailangan na nating tawagan si detective -"
"This is not the right time para pag-usapan ang bagay na 'to," ani Ryan na seryosog nakatingin kay Iñaki.
"Ryan hindi na iba si Iñaki sa atin," aniya.
"What do you mean hindi na iba? Wait!" nagsimula ng tumaas ang boses ni Ryan. "Don't tell me Eliza Joy you told him about what happened. My God Joy, may usapan tayo!"
"Pare relax ka lang. H'wag mo siyang pagtaasan ng boses dahil wala siyang kahit na anong -"
"H'wag mo akong mapare-pare dahil hindi tayo magkaibigan!" putol ni Ryan sa sinasabi ni Iñaki.
"Ryan ano ba?!"
"So kinakampihan mo na siya ngayon, Joy?!"
"H-hindi naman sa gano'n. Ayoko lang na magalit ka kaagad ng ganyan kay Iñaki dahil wala siyang masamang ginagawa sa iyo o sa atin."
"Tell me Joy, ano bang pinakain sa iyo ng Iñaki na 'yan at lagi ka na lang nasa side niya?!"
"Ryan, hindi dapat si Iñaki ang pinag-uusapan natin ngayon," aniyang pilit na pinapakalma ang binata. "Alam mong may mas importanteng bagay tayo na dapat pag-usapan. Dapat talaga... Dapat hind na natin itinago ang lahat..."
"Ngayon kasalanan ko pa? Kasalanan pa namin? Baka nakakalimutan mo Joy, kung bakit natin itinago ang nangyari. Hindi lang naman mga sarili namin ang prino-protektahan namin. Mas lalong kahit kailan hindi ko naisip na protektahan ang sarili ko."
"Ryan, tama na -"
"Tumahimik ka hindi kita kinakausap!" putol ni Ryan sa pagsasaway ni Iñaki.
"Hindi na kasi tama pare -"
"Sabi ng tumahimik ka dahil hindi ka naman kasama -"
"Tumigil na kayo! Ano ba!" malakas na saway ni Cez. Naagaw nito ang atensyon ng iilang costumer sa loob ng coffeshop.
"C-cez..." bulalas niya. Hindi niya napansin na kanina pa pala basa ng luha ang magkabilang pisngi nito.
"Ayoko na... Itigil na natin ang usapan na ito. H'wag na rin tayong magkita-kita pa..."
"C-ez, hindi pwede," mabilis niyang hinawakan ang kamay nito ng akmang tatayo na. "Pwedeng isa sa atin ni Ryan ang sumunod -"
"Shut up!" marahas na binawi ni Cez ang kama. "Itigil na natin ang usapan na ito. Ang lahat ng kalokohan na 'to. Please lang, h'wag ninyo na akong itext, tawagan o mas lalong h'wag kayong magtatankang pumunta sa apartment ko.
"Pero hindi pwede Cez -"
"I said shut up!"
Naramdaman ni Joy ang mga kamay ni Iñaki na sa mga balikat niya na tila pumipigil sa kanya. Hindi na rin niya napigilan ang sariling mga luha na mangilid sa mga mata. Pakiramdam niya ay ibang Cez ang kaharap niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...