Missing #21

4.3K 121 4
                                    

TINANGGAL ni Allaine angheadset na nakakabit sa magkabilang tainga niya bago lumingon sa may likurankasunod ang paglibot ng mga tingin sa apat na sulok ng kwarto. Madilim angmalaking bahagi ng kwarto dahil tanging ilaw lamang ng lampshade na nasa lamesangkaharap niya ag nagbibigay liwanag doon. Iyon rin ang gamit niya habangnagsusulat ng lesson plan. Nakahiga sa magkahiwalay na lower part ng doubledeck na kama sina Mylene at Charmie na kababakasan ng malalim na pagtulog.

Saglit siyang napatitig sa isang sulok habangnakikiramdam sa paligid. Nawala na ang iyak ng isang batang naririnig niyakanina na halos kasabay ng kantang pinakikinggan niya. Napapakunot noo siya ngmuling ibalik ang atensyon sa ginagawa pati na rin ang headset sa magkabilangtainga. Pero halos maihagis na niya ang iPod na hinawakan kung saan nakakabitang headset niya dahil sa narinig. Kumalat na ang kilabot sa buong katawan niya.Hindi na kasi ang pinause niyang kanta ang umere ng i-play niya ang music kundiang mas malakas at malinaw na pag-iyak ng isang bata. Mas lalo siyangkinilabutan ng mapagtantong tila galing sa labas ng apartment nila ang mas malakas na iyak na naririnig niyangayon.
Mabilis siyang lumapit sa kinahihigaan ni Charmie atsinimulan itong gisingin. "Charmie... Charmie... Wake up..."
"Si Mylene na lang, antok na antok pa ako," tugon naman ni Charmie athinila ang kumot upang itaklubong sa buong sarili.
Lumipat siya kaagad sa kabilang kama at ginising siMylene. "Mylene... Mylene... Wake up... May batang umiiyak sa labas."
"Hayaan mo lang siya. Baka palaboy lang 'yun," nakapikitna tugon ni Mylene at tumalikod na sa kausap.
"Samahan mo ako... Puntahan natin..."
"Ikaw na lang... Kaya mo na 'yan..."
Napalunok na siya ng ma-realize na hindi niya makukumbinsingbumangon alinman sa dalawa. Buong araw kasi siyang tulog dahil wala namansiyang klase at ang dalawa naman ay buong araw na may klase.
Napatingin siya sa bilog na orasang nakasabit sadingding. Mg-aalas tres na ng madaling araw. "Nasaan ka na ba, Cez?" bulongniya.
Umuwi kasi ng Cavite si Cez para kumuha ngilang gamit at nagsabing babalik sa apartment ng madaling araw.

Napapitlagsiya ng biglang lumakas ang iyak na naririnigniya. Isang buntong hininga ang binitawan niya bago nagdesisyong tumayo upangsilipin na ang bata sa labas.

"Bakitnaman kasi pang-horror movie 'yung iyak ng batang 'yon!" bulong niya pagkabukasng pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw para sa sala ngunit lalo siyangnalukuban ng takot ng hindi iyon nagbigay ng kahit na anong liwanag.

"Wala kasa horror movie kaya h'wag kang praning Allaine! Pundido lang ang ilaw at bakanawawala lang bata bata na umiiyak sa labas, kaya h'wag kang O.A., okey?!"bulong pa niya na pilit na nilalabanan ang takot na nararamdaman. Ginawa niyangpang-ilaw ang hawak na cellphone upang mas makapaglakad ng maayos. Kasabay ngpalakas ng palakas na iyak ng bata sa labas ay ang malakas rin na kabog ngdibdib niya habang palapit na siya sa may pintuan na palabas ng bahay.

Isangbatang nakaupo at naka-jacket ng makapal habang ang hood nito ay nakatakip saulo ang napagbuksan ni Alllaine ng pinto. Hindi ito mukhang gusgusin na kagayang inaakala niya at mukhang galing sa maayos na pamilya. Nagsimula ng mabawasanang kabang nararamdaman niya at bahagyang umupo malapit sa batang nakaupo ngpatalikod mula sa kanya. "Bata, bakit ka umiiyak?"

Tila walanaman itong narinig na patuloy lamang sa pag-iyak.

"Bata,nawawala ka ba?" muling tanong niya. Kumilos ang isang kamay niya palapit sabata upang ibaba ang hood nito. Muling bumalik ang kabang nararamdaman niya sahindi malamang dahilan. Para bang natatakot siya sa maaaring makita kapagnaibaba na niya ang hood nito. Muli siyang napalunok sa kabila ng nanunuyo naniyang lalamunan. Nag slow motion ang lahat hanggang sa ilang pulgada na langang layo ng dailiri niya sa may ulunan ng batang umiiyak.

"Sh*t!"napamura siya ng muntik ng matumba mula sa pagkakaupo dahil sa biglangpag-vibrate ng cellphone na hawak sa isang kamay kasunod ang malakas na tunogniyon. Wala sa loob na napatayo siya at bahagyang tumalikod mula sa bata. "Hello Cez..."

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon