Missing #22

4.1K 135 20
                                    

MAG-AALAS DOS na ng haponng bumangon si Joy at bumaba sa sala. At dahil Sabado ay malakas ang loobniyang magpuyat kagabi kung saan kasama niya si Iñaki na nanuod ng sine atpagkatapos ay sumaglit sa isang restaurant bar at uminom ng kaunti. Pakiramdamniya ay nagiging normal ang temperatura sa paligid kapag ang binata ang kasamanya. Halos dalawang linggo na rin siyang walang komunikasyon kay Cez at nihindi nararamdaman ang presensya ni Ryan. At sa loob rin ng dalawang linggo naiyon ay tanging si Iñaki ang madalas na nakakasama niya.

Ini-on na niya ang malaking T.V. na nadaanan bagodumiretso ng kusina upang magtimpla ng kape. Ugali na niyang magkape sa kusinahabang nakikinig sa umeereng palabas sa T.V.
"Isang babae ang naglaslas ng puso bago nagbigit mataposniyang pagsasaksakin ang mga kasamahan sa apartament sa hindi pa malamangdahilan. Kinilala ang suspek na agad ring binawian ng buhay na si PrincessLanugan..."
Isang malakas na ingay ng nabasag na bagay angumalingawngaw sa buong kusina ng dumulas ang hawak na tasa ni Joy mula sa mgakamay dahil sa narinig mula sa balita. Hindi na niya napigilan ang mga luhangnangilid sa mga mata na dumiretsong landas sa magkabilang pisngi niya.Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya sa kalapit na upuan.
Iba't ibang boses ang nagsimulang umere sa loob ng isipanniya kasabay ng pagbabalik ng isang maliit na parte ng nakaraan sa alaala niya.

***

FLASHBACK

"Basta magkikita-kita pa rin tayo ha, kahit matatanda natayo," nakangiting sabi ni Joy habang nakatanaw sa papalubog na araw. Nasa maylabas sila ng tree house sa likod ng bahay nina Ryan at katabi ang mgakaibigang kasama niya sa larong Fright Night habang pinapanuod ang papalubog naaraw.


"Bastaako, kahit maging matandang ulyanin pa ako, hindi ko kayo makakalimutan lahat,"nakangiting tugon ni Ryan.

"Bakanaman si Joy lang ang hindi mo makalimutan!" tukso ni Kai.

"Siyempresi Joy ang pinaka hindi ko makakalimutan sa lahat," mabilis pa na tugon ulit niRyan.

"Bastaguys, mag-asawa, magka-anak o magkaroon man tayo ng maraming apo. Walanglimutan," ani Cez na katabi ni Joy.

"Siyempre'no, kayo yata yung una kong naging mga totoong kaibigan. Kaya ko ba namankayong kalimutan?" si Ed.

"Friends forever!" malakas na sabi ni Kai kasabay ang pagbato ng hawak na sigarilyo samalayo.

"Yes! Friends forever and ever and ever!!!" nakangiting tugon niya. Nagsisimula nang lamunan ng dilim ang paligid ngunit hindi ang sayang nararamdaman niya ngayon sa piling ng mga kaibigan.

"Promise!!!"halos sabay-sabay na sigaw nilang lahat.

***


MABIGAT ang pakiramdam niJoy sa dibdib niya. Parang may sasabog na kung ano doon habang walang tigil angpaglandas ng mga luha sa magkabilang pisngi niya. Ilang beses na ba siya nanalangin na sana ay bangungot lang ulit ang lahat. Pero hindi eh. Ramdamniyang totoong basa ng luha ang mga pisngi niya. Ramdam niya ang totoong sakit.Totoo lahat ng narinig niya mula sa bukas na T.V. Wala na si Dea... Si Ed... Si Kai... At ngayonnaman, si Cez... Hindi na normal ang nangyayari... Alam niya... Sigurado na siyangayon. May kinalaman ang lahat sa nangyari sa nakaraan nilang lima. Maykinalaman ang lahat kay Franco.
"J-joy..."

Napatingin siya sa kinatatayuan ng taong tumawag sapangalan niya. Si Iñaki.
"Kanina pa ako nagdo-door bell. Nagtaka ako ng hindi kalumabas kasi alam kong hindi ka umalis ng bahay. Tapos nag-aalala na ako ngmapansin kong bukas ang pinto kaya pumasok na ako kaagad," mahabang paliwanagni Iñaki habang naglalakad palapit kay Joy. "N-napanuod ko ang balita..."
Hindi na niya napigilan ang sariling tumayo at sinalubongng mahigpit na yakap ang binata kasunod ang malakas na paghagulhol. "This isall my fault! Bakit sila pa? Hindi na dapat sila nadamay. Ako na lang dapat!Ako ang may kasalanan! Ako dapat ang binalikan ni Franco."
Lumalim ang paghinga ni Iñaki ng marinig ang pangalangbinaggit ng dalaga. Ilang saglit bago nito bahagyang inilayo ang sarili mulakay Joy at ikinulong sa sariling mga palad ang mga pisngi ng dalagang basa ngluha.
"Hindi ko hahayaan ikaw naman ang mapahamak, Joy,"seryosong sabi ni Iñaki.
Napapalunok na sinalubong ni Joy ang mga tingin ngbinata.
"Joy, sa tingin ko kailangan na nating tapusin ang lahatng ito. Kailangan nating bumalik kung saan ba talaga nagsimula ang lahat ngito."
Nawalan siya ng mga salitang itutugon sa sinabing iyon niIñaki. Napakaseryoso ng mga tingin nito na tila may mas malalim na mensahe.Parang may mas malalim itong nais na sabihin at pinipigilan lamang ang sarili.
"Ayokong dumating ang oras na ikaw naman ang mapahamak,"ani Iñaki ng mapansing tila binabasa ni Joy ang sariling mga tingin. "Hindi kokakayanin na mawala ka sa akin..."
Ipinikit ni Joy ang mga mata. Tama si Iñaki, kailangan naniyang bumalik kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nawala si Franco.

***

NATULALA si Ryan ngmapanuod ang balita sa T.V. tungkol kay Cez. Akmang aaubutin na niya angcellphone sa katabing sofa ng bigla iyong tumunog.

'Ryan, papunta kami ni Iñaki sa Fright Nightplace. Gusto ko ng tapusin ang lahat. Alam ko siya lang ang may kasagutan salahat ng ito. Si Franco lang.' – Joy

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi ito pwedemangyari. Hindi pwedeng bumalik si Joy doon. At bago pa man niya mapindot angbutton para matawagan ang dalaga ay muling tumunog ang cellphone niya. SiLuigi.
"H-hello pare?" Bakit pakiramdam niya ay hindi niya gustoang maririnig na salita mula sa kaibigan na tumawag.
"Hello Ryan... Alam ko na kung sino siya..."

***

"HETO na po ang mga reportsir."
Napapailing si detective Darwin habang binabasa ang mgapapel na inabot ng isang naka-unipormadong pulis.
"Naglaslas muna siya bago magbigti? Parang gusto niyangmasiguradong mamamatay siya talaga ah," ani detective Darwin na ang tinutukoyay si Princess Lanugan. "Wala na bang ibang nakita sa loob ng apartment? Kahitna anong related sa nangyari?"
"'Yung mga result na lang po ng autopsy ang hinihintaysir para malaman kung may foul play rin ba na nangyari."
Isang buntong hininga ang binitawan niya kasunod angpagkapa sa bulsa ng nagba-vibrate na cellphone. Unregistered number. "Hello?"

"Hellodetective Darwin?"

"Yes?Who's this?" tanong niya.

"This isRyan Gilber Untalan detective. Alam ko na po kung sino ang nasa likod ng pagkamatay nina Dea, Ed, Karlo at Cez. Detective, I need your help. Nasa panganib angbuhay ni Joy. Alam kong siya na po angsusunod na mapapahamak!" dire-diretsong sabi ni Ryan mula sa kabilang linya.

"Ryan...Ryan, relax. What happened? What do you mean alam mo na kung sino?"nararamdaman niya ang magkahalong kaba at excitement sa dibdib niya.

"Si Iñakidetective, remember him? Ang lalaking kasama ni Joy sa burol ni Karlo? Iñaki'sreal name is Jose Narciso, the older brother of Francisco Torres. Bumalik siya para paghigantihan kamingmagkakaibigan dahil kami ang sinisisi niya sa pagkawala ng kapatid niya dahilkami ang huling kasama ni Franco. Alam kong hindi aksidente ang lahat na nangyarisa mga kaibigan ko. Ang pagkahulog ni Dea sa hagdan, ang pagkawala ng preno ngkotse ni Ed, ang pagpapakamaty ni Kai at ngayon... Ang nangyari kay Cez at sa mgakasama niya. Detective, wala pa man akong katibayan pero sigurado na ako.Sigurado na ako na lahat ng iyon ay kagagawan ni Iñaki dahil kahit ako aypinaimbestigahan ko siya. At ngayon sigurado na akong siya ang nasa likod nglahat ng ito. Please tulungan ninyo ako. Kailangan nating mailigtas si Joy mulasa kanya!" Bakas na sa boses ni Ryan ang labis na pag-aalala na tila nais ng maiyaksa sinasabi.

"OkayRyan, calm down -"

"Detective,paano ako hihinahon kung alam kong kasama niya ang serial killer na pumatay samga kaibigan ko?!"

"Magkasamasila? Saan?" nagsimula na ring mangibabaw ang kaba sa kanya. Paano nga kung tamasi Ryan? Paano kung si Iñaki nga ang may pakana ng lahat. Kailangan niyanggumawa ng paraa upang wala ng sumunod pang mapahamak.

"Pabalikpo sila ng Alfonso. Pupunta silang dalawa sa abandonadong palaruan sa loob ngsubdivision namin dati. "

"Ryan,wait. Hindi ko maintindihan. Anong lugar ang sinasabi mo?"

"Anglugar kung saan namin nilalaro ang Fright Night. Ang lugar kung saan hulinaming nakita at nakasama si Franco. Detective masyado na pong komplikado kungngayon ko ipapaliwanag ang lahat. Tulungan ninyo muna akong iligtas si Joy kayIñaki. Malakas ang kutob ko na siya ang susunod na mapapahamak. Malakas angloob ko na siya ang susunod na papatayin ni Iñaki. Magkasama silang babalikngayon sa lugar na 'yon!"

May puntosi Ryan. Ngayon lang niya lubos na naalala kung bakit parang napakapamilyar ngmukha ni Iñaki sa kanya. Si Jose Narciso, ang nag-iisang may dahilan paragumawa ng lahat ng krimen na iyon sa magkakaibigan. At kung kasama talaga anghinala ni Ryan, maaaring anumang oras ay mapahamak si Joy. Kailangan niyang gumawang desisyon sa lalong madaling panahon. "Give me the address kung saan silapapunta..."


***

***

***

***

Bitin ba ang chapter naito? (OO! Alam kong isang malaking OO! Hehe)

Gets ninyo na ba anglahat? Well, mas marami at may mas malaki pang revelation sa mga susunod nachapters. So watch out! :)Salamat sa patuloy napagsuporta at pagtangkilik sa aking mga istorya! :)

        

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon