MASAKIT at mabigat angpakiramdam ni Joy sa mga talukap ng imulat niya ang mga mata. Naramdaman niyaang malagkit na likido ng sapuin niyaang noo niya. It's bleeding.
"A-anong nangyari?"
Napatigil siya sa pagkilos ng unti-unting maalala angnangyari. Saka lang niya napagtantong nakayakap sa kanya ang katawan ni Iñakina pikit ang mga mata at kagaya niya ay may sugat rin sa noo at duguan angmukha. Gusto niya sanang gisingin ito upang sabay silang lumabas ng kotse. Nihindi nga niya alam kung nahinga pa ito.'He killed myfriends...' May isang bahagi ng sarili niya ang sumigaw sa loob ng isipankasunod ang dahan-dahang pagtulak sa katawan ng binata at mabilis na pagbaba ngkotse. Sa tulong ng bilog at maliwanag na buwan ay nakita niyang basag na basagang harapang salamin ng kotse na nakabangga sa isang malaking puno. Nagsimulana siyang maglakad ng paika-ika palayo sa kotse. Sa kabila ng matinding sakitna nararamdaman niya sa may hita at braso ay mas binilisan pa niya angpaglalakad. Kailangan niyang makalayo kaagad upang mailigtas ang sarili.Kailangan niyang mabuhay.
"Please dumating na kayo Ryan..." malakas na dalangin niya.Walang kahit na anong kabahayan sa paligid at puro puno lang ang makikita. Tila nagsimula siyang mabuhayan ng loob ngmakarinig ng tila sirena ng kotse ng pulis mula sa malayo. Hindi siya maaaringmagkamali, alam niyang sina Ryan ang paparating na iyon.
Inipon niya ang lahat ng natitirang lakas ng katawan niyaupang patakbong salubungin ang mga sasakyan. Ngunit bigla siyang nakaramdam ngmatigas na bagay na dumikit sa may sintido niya kasunod ang mahigpit napagpulupout ng isang braso sa may leeg niya...***
"H'WAG kayong lalapit!"malakas na sigaw ni Iñaki sa mga pulis na nagsibabaan mula sa kotseng humimpilhindi kalayuan.
Ramdam ni Joy ang paghahalo ng luha, dugo at pawis samukha niya. Kanina pa siya nakikiusap kay Iñaki na pakawalan siya. Mahigpit nanakapulupot ang braso nito sa may leeg niya na halos nagpapasakal sa kanya atang isang kamay ay nakahawak sa baril na nakatutok sa sentido niya.
"Joy, I don't have any choice but to do this. I'm sorry,"bulong ni Iñaki.
"Why are you doing this?! I told you, we didn't mean it!And still you killed my friends!"
"Hindi mo naiintindhan Joy -"
"Anong hindi ko maintindihan?! I told you everything! Itrusted you, Iñaki!"
"Jose Narciso! Itigil mo na 'yan! Ibaba mo na ang barilmo!"
"Iñaki, m-makinig ka sa kanila. Itigil mo na ito."Nagsimula niyang mabakasan ang pagkataranta sa mukha ng binata. Kailangan niyang makumbinsi ang binata sa kabila ngtakot na nararamdaman niya. Sa kabila ng panginginig ng boses at katawan niya. "Sumuko ka na hangga't maaga pa. H'wag nanating palakihin ito..."
"J-Joy, makinig ka muna sa akin. Hindi mo pa alam anglahat... Mali ang iniisip mo!"
"Alam ko na Iñaki! Alam na alam ko ng ikaw ang pumatay samga kaibigan ko!"
"Jose Narciso!"Mulingnabaling ang tingin ni Iñaki sa mga pulis na tumawag sa pangalan niya.
"This is not right! Nagkakamali po kayo!"" Ibabamo na ang baril mo! Hindi ka namin sasaktan! Pakawalan mo na si Eliza Joy!"sigaw ng isa sa mga pulis.
Hindi nanaintindihan ni Joy ang mga salitang itinugon ni Iñaki. Nagsimulang lumikot angmga mata niya sa paligid. Kailangan niyang makahanap ng paraan upang makakawalamula kay Iñaki. Papatayin siya ng binata kagaya ng ginawa nito sa mga kaibiganniya. Papatayin lang rin siya ni Iñaki.
"Pakawalanmo na si Eliza Joy!"
Naramdamanniyang bahagya ng lumuluwag ang pagkakapulupot ng braso ng binata sa leeg niya.Nakakita siya ng maliit na pagkakataon. Kailangan na niyang sumugal upangmakatakas. Pakiramdam niya ay nagsimulang sumikip ang dibdib niya sa kaba. Nahihirapansiyang huminga pero kailangan niyang mabuhay. Bahala na! Isang madiin na kagat ang ginawa niya sa braso niIñaki kasunod ang malakas na pagbuwelo at pag-apak sa isang paa nito. Hindi nasiya nagdalawang isip na malakas na ibagsak ang katawan. Kasunod ng naramdaman niyangsakit dahil sa pagkakabagsak atpagkaskas ng balat sa matigas atmagaspang na semento ay ang ilang nakabibinging putok ng baril na umere.Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at tinakpan ang magkabilang tainga. Nihindi niya alam kung isa ang sa mga umereng bala ay galing sa baril ni Iñaki nakanina lang ay nakatutok sa kanya at alam niyang maaaring pumutok anumang oras.
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...