The Final Missing Chapter
"CLASS, meet your new classmate, Francisco Torres. OhFrancisco, go and introduce yourself to your new classmates," utos ni teacher Dianasa bagong estudyante na si Franco.
"Hi classmates! Myname is Francisco Torres and you can call me Franco," masiglang pagpapakilalani Franco.
"Ang bantot ng pangalan niya! Parang mukha niya, angpangit!""Bakitganyan ang ngipin niya? Parang sa monster!"
"Tingnanninyo ulo niya oh, hahaha parang bunot!"
"Class,tama na 'yan," saway ni teacher Diana magsimulang ulanin ng tukso ang bagongestudyante. "Lalabas lang ako saglit para kunin ang lesson plan na naiwan ko safaculty. Franco, do'n ka na umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Marbe."
"Oooppsss!Occupied na ito! Sorry!" sabi ni Aileen pagkatapos ilagay ang bag sa upuan nadapat ay para kay Franco.
Sinimulannaman igala ni Franco ang paningin sa buong kalse na halos lahat ay tinutuksoat binabato siya ng mga binilog na papel.
"UyFranco!"
Napalingonsi Franco sa pwesto ng mga upuan kung saan nanggagaling ang boses babae natumatawag sa pangalan niya.
"Dito kana lang umupo. May vacant chair pa dito sa tabi ko, oh."
Napalunoksiya ng makita ang cute na kaklase na nag-aalok ng upuan sa kanya. Maputi ito,bilugan na singkit ang mga mata at maganda ang pantay-pantay na mga ngipin.
"Uy,Franco! Halika na!"
Bumalik angisipan niya sa kasalukuyan ng muli siyang tawagin ng cute na kaklase. Ngumitipa siya bago nagsimulang maglakad patungo sa bakanteng upuan na inaalok nito.Ngunit bago pa siya makarating sa upuan ay natalisod na siya at natuluyangnadapa sa sahig dahil sa isang paa na bigla na lang pumatid sa kanya.
"Hahaha!Pangit na bobo pa!" tawa ni Jemer napumatid kay Franco.
"Tingnanninyo, oh! Ang pangit-pangit niya talaga!"
"Mukhasiyag monster!"
"Nakakatakot'yung ngipin niya!"
"Uyclassmates, tama na 'yan!"
Naramdamanni Franco ang mga kamay na umalalay sa braso niya na dahilan ng muli niyangpagtayo. Ang cute niyang kaklase na tumatawag sa kanya at nag-aalok ng upuan satabi nito.
"Halikana..."
Paranamang nahipnotismo si Franco na sumundo na lamang dito.
"Sorry samga classmates natin ah. Maiingay at makukulit sila pero mababait naman silanglahat. Medyo pasaway lang talaga. I'm Eiza Joy Ignes nga pala."
"I'mFranco," nakangiti niyang inabot ang kamay ni Joy na nakalahad sa harapan niya."Ohilabas mo na ang math book mo para maturo ko sa iyo 'yung assignment natin,"nakangiti namang sabi ni Joy at inilabas ang sariling libro sa Mathematics.
"Thankyou ha," sabi ni Franco sa abalang si Joy.
"Ano kaba, wala 'yun. Heto oh, punta ka sa pagena ito."
"Balangaraw, ako naman ang magliligtas at magtatanggol sa iyo..."
"Ha?"natatawang napalingon si Joy sa katabingsi Franco. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya kaya napakunot noosiya.
Nakangitinamang umiling si Franco bilang tugon.
"Angweird mo, kopyahin mo na nga itong assignment ko baka dumating na si teacher Diana.Punta ka na sa page na ito para pwede ka na rin sumagot mamaya sa recitationnatin," ani Joy.
***
PINUNASAN ni Joy ang mgaluhang bumasa sa magkabilang pisngi niya ng makita ang lahat ng nangyari saloob ng classroom. Hindi niya alam kung nanaginip lang ba siya o kung paano ay parang bumalik siya sa isangparte ng nakaraan niya Ang unang araw na nakilala niya si Franco. At sa isangiglap lang ay nawala siya mula sa loob ng classroom at napunta sa lugar na puroputi lang ang nakikita.
"Joy..."
Napalingon si Joy sa kinatatayuan ng boses na tumawag sapangalan niya. "F-franco... I'I'm sorry..." Lalo siyang naiyak ng makita si Franco.Hindi na nakakatakot ang hitsura nito kung hindi sa maayos na maayos na. Ang Franco na nakita nilanoong huling gabi ng Fright Night ng barkada.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumuhit ang ngiti sa mgalabi ni Franco na nagpainosente ng mukha nito.
"Eliza Joy..."
Muli siyang napalingon sa kabilang banda kung saannangagaling ang koro na boses na muling tumawag sa pangalan niya.
"Karlo... Ed... Cez..." nanginginig ang boses niya ng makita saharapan niya ang tatlong namayapang mga kaibigan na nakasuot ng matingkad naputing damit.
"Thank you, dahil sa iyo ay matatahimik na kami,"nakangiting sabi ni Kai.
"I'm sorry guys... Kasalanan ko 'to. Hindi ito dapat nanangyari..." iyak pa ni Joy.
"Walang may kasalanan, Joy. H'wag ka ng umiyak. Sige ka,papangit ka niyan. Baka mas umangat na ang beauty ko sa iyo."
Sa wakas ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na ngumitisa sinabing iyon ni Cez bago pinunasan ang mga luhang muling lumandas samagkabilang pisngi niya. "Sasama na rin ba ako sa inyo, guys?"
"Hindi pa Joy," tugon ni Franco at nagsimulang maglakadpalapit sa tatlo at nakangiting humarap rin sa kanya. "Hindi mo pa oras..."
"Bumalik ka na Joy... Maraming naghihintay sa pagbalik mo...Marami ka pang dapat gawin sa buhay mo..." ani Ed.
Napatingin siya sa lugar kung saan sabay-sabay na natuonang mga tingin ng apat. Isang nakakasilaw na liwanang na kung saan nanggagalingay hindi niya alam. Pakiramdam niya ay tinatawag siya palapit ng liwanag.Parang may bakal siya sa katawan at magneto naman ang liwanang na nagsimula siyanghigupin.
At bago pa niya naramdaman ang tila tuluyan niyangpaglalaho na parang hangin ay muling bumalik ang mga tingin niya sa apat.Nakangiti ang mga ito sa kanya at sabay-sabay na kumakaway.
"Good bye, Joy... Hanggang sa muling pagkikita..." ******
***
***
***
***
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...