Epilogue

2.1K 80 1
                                    

"SIGURADO akongmatatahimik na siya ngayon," sabi ni Iñaki habang nakatingin sa kaharap napuntod at katabi si Joy. Naikwento na niya kay Joy ang totoong nangyari kungpaano niya ito nakilala. Na nagkataon lang talaga na nakita niya itong nasiraanng kotse noong unang araw na nagkakilala sila. Ngunit ng malaman niyang itopala si Eliza Joy Ignes na matagal na niyang hinahanap ay muling nagparamdam sakanya ang kapatid niyang matagal ng nawawala. Kaya naniniwala siyang ang pagkikitanilang iyon ay nangyari ng may dahilan. "Dahil nailibing na siya ng maayos at natupad ko na ang pangako ko sakanya."

"Pangako?" takang tanong ni Joy sa katabi. Na-announce siyang wala ng buhay around 5:32 a.m. sa ospital pagkatapos niyang iharang angsarili niya sa katawan ni Iñaki kung saan nakatutok ang baril na kinuha ni Ryanmula sa tagiliran ni detective Darwin. At ang kwento ni Iñaki ng makita ni Ryanna siya ang tinamaan ng balang ipinutok ng baril na hawak nito ay mabilisnitong isinubo ang baril at kinalabit ang gatilyo at kaagad na binawian ngbuhay. After 15 minutes na in-announce na wala ng buhay ang katawan niya aynagsimula raw gumalaw ang mga daliri niya kasunod ang muling pagbalik at pagpintigng mga pulso niya.
Nakangiting lumingon si Iñaki sa katabi. "Ang pangako nailigtas at alagaan ka, Joy..." Bata pa lamang sila ni Franco ay batid niyang maykakaibang kakayahan na ang kapatid na itinatago sa mga magulang. Siguro nga aynaramdaman na nito na maagang itong mawawala kaya pilit na inihabilin sa kanyasi Joy.
"L-lahat ng ito ginawa mo lang dahil sa pangako mo sakanya?" Hindi alam ni Joy kung bakit maykirot iyon na dulot sa dibdib niya. Lahat ba ng pinakitang mabuti ni Iñaki sakanya ay planado? Scripted? Kahit na ang mga matatamis na salitang ginawa atbinatawan nito?
Ibinalik ni Iñaki ang mga tingin sa puntod ng kapatid."Pagkatapos ng unang araw na pagkikita natin, totoong gumawa ako ng plano.Plano kung paano mapapalapit sa iyo... Plano kung paano kita mas makikilala upangmahanap ko ang kapatid ko... Pero may mga nangyari na hindi kasama sa plano ko...Iyon ay ang mahulog ang loob ko sa iyo..."
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya habangnakatingin sa binata na sa wakas ay sinalubong ang mga tingin niya.
"Siguro hindi ka pa handa... Alam kong masyado pang magulo at masakit anglahat. Pero gusto kong malaman mo na handa akong maghintay Joy... Hanggang sa matanggap mo ako sa buhay mo hindi bilang si Jose Narciso na naghahanapsa nawawala niyang kapatid kung hindi bilang si Iñaki na nakita na ang babaengnais niyang makasama sa habang buhay."
"K-kahit na isa ako sa mga naging dahilan kung bakitnawala si Franco? Kahit isa ako sa mga dahilan ng mga bangungot mo? Kahit -"
"Kahit pa anon gang kwento ng nakaraan natin, Joy. Alamkong ito rin ang gustong mangyari ni Franco. Ang maging masaya ako at angbabaeng naging espesyal sa musmos niyang puso. Hayaang nating maghilom angmasakit na sugat na sanhi ng ating nakaraan at gumawa tayo ng bagong masayangalaala para sa ating hinaharap," ani Iñaki habang pinupunasan ng hinlalaki angmga luhang nagsisimulang lumandas sa magkabilang pisngi ni Joy. "Alam ko ngayonna nagtatapos ang lahat ng mga bangungot natin... Nasaan man si Franco ngayon sigurado akong masaya na siya. Dahil nakita nanatin siya... Nailibing na siya ng maayos at nakikita niyang masaya ang mga taongmahalaga sa buhay niya."            "I'm sorry kung hindi ko kaagad nakita. All this time angbuong akala ko ay si Franco ang nasa likod ng lahat ng malagim na nangyayari.'Yun pala, babala lang ang nais niyang ibigay sa amin. Kaya siya bumalik at nagparamdam after 13 years ago... Upang magbigay ng babala namalapit na si Ryan... " Mahigpit na yakap ang sunod na naramdaman ni Joy. Sakauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang niya muling naramdaman na gumaan angdibdib niya. Parang nabunutan siya ng tinik at totoong natanggalan ng bigat sadibdib. "Today, as of 29th of February... Alam ko, tapos na ang lahat... Good bye and thank you, Franco..."

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon