Missing #10

5.5K 225 17
                                    

Mabilis na idinilat ni Joy ang mga mata kasunod ang malalim at sunud-sunod na paghingal. Iginala niya ang paningin sa buong paligid bago napagtantong nasa sala siya ng sariling bahay at sa sofa na nakatulog.  Malalim na kasi ang gabi ng umuwi sila nina Ryan galing sa burol kagabi.

            “Ala cinco na pala,” bulong niya ng mapatingin sa wall clock na nakasabit sa dingding. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang dibdib kung saan ramdam pa din niya ang bilis ng tibok niyon, batid niyang binangungot na naman siya ngunit hindi na niya maalala pa at ayaw na niyang alalahanin pa. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago tumayo at tumuloy sa banyo upang magtoothbrush at mag-ayos ng sarili.

            Inabot niya ang cellhpone sa ibabaw ng lamesa ng makalabas ng banyo. At ng makitang wala siyang natanggap na kahit anong text o tawag mula kay Ryan ay isinuot na niya ang jacket na nakasabit lang din sa may likod ng sofa bago naglakad patungong pinto. Mag-aalmusal na lang muna siya mag-isa sa fast food na nasa labas lang ng subdivision since hindi naman nagyayaya si Ryan na alam niyang puyat din na kagaya niya.

***

***

TAHIMIK na nilaro ni Joy ang straw sa loob ng basong may lamang pineapple juice. Halos hindi niya din naubos ang almusal na inorder na pancake at sausage. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nakaka-get over sa nangyari kay Dea. Pakiramdam nga niya mas affected pa siya sa pakawala nito kahit isang araw niya pa lang ito nakilala. Siguro kasi pakiramdam din niya na nadamay lang ito sa kanila.

            Isang malalim na buntong hinnga ang binitawan niya. Halo-halo na ang nararamdaman niya ngayon na  mas nangingibabaw ang guilt kesa takot. Maraming ‘paano’ ang umiikot ngayon sa isipan niya.

            Paano kung hindi siya tumuloy sa last Friday trip nila ng hindi sana siya nakita ni Franco? Paano kung hindi niya isinama si Franco sa huling gabi ng laro nila? Paano kung kung sinabi nila sa mga magulang nila ang totoong nangyari ng gabing iyon? Mangyayari pa rin kaya ito?

            Ipinilig niya ang ulo bago inihilamos ang mga palad sa mukha. “Joy… Joy… you’re getting paranoid again.”

            “Mind if I join you?”

            “I-inyaki?” Hindi niya inaasahang si Inyaki ang makikita niyang nagmamay-ari ng boses na iyon. May ilan na ring kasing lalaki na napadaan at nagtanong sa kanya noon at lagi niyang sinasagot na may kasama siya na parating pa lang.  “K-kanina ka pa ba d’yan?” para tuloy bigla siyang nahiya dito ng maalalang kinakausap niya ang sarili kanina lang.

            “Hindi naman masyado. Medyo lang,” tugon ni Inyaki at nagkunwang nagppigil ng tawa kung saan lumabas ang biloy sa magkabilang pisngi. “So, pwede pa rin ba akong maki-share ng table?”

            Tila napalitan bigla ng kilig ang pagkapahiyang nararamdamang niya kanina. “It’s okey. Go ahead,” nakangiti na niyang tugon. ‘Buti na lang pala nakapapowder ako kahit paano.’

            Tumalima naman ang binata at umupo sa bakanteng upuan na katapat ng kay Joy. Nakasuot lang ito ng tshirt na hapit sa maskuladong katawan, short at rubber shoes na tila katatapos lang magjogging bago pumasok  sa fast food at  um-order ng pagkain.

            “Do you live somewhere near?” takang tanong niya.

            “Actually kakalipat ko lang sa Ezperanza village, don’t tell me magkapitbahay lang tayo?” nakangiting sagot at tanong din nito bago kumagat sa  hawak na sandwich.

            “Medyo. Sa kabilang subdivision ako nakatira, sa Felicia village,” tugon niya. magkadikit lang kasi talaga halos ang Fecilicia village at Esperanza village. “Bakit ka lumipat? Saka galing saan?” nagtatakang tanong niya.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon