"OH NO... Not here baby, please," malakas na wika ni Joy na tila may kausap habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Unti-inti niya kasing nararamdamana na hihinto na naman ang kanyang kotse. Magloloko na naman yata ang makina nito. Kaya nga matalaga na niya itong gustong palitan dahil madalas na napupurnada ang mga lakad niya ng dahil dito. Pero dahil ito unang kotse na nabili niya gamit ang sariling pera ay nahihirapan pa din siyang magdesisyon. "Don't push me na ibenta ka baby. Don't you dare, I'm telling you. D-don't - Shit!" napamura na siya ng tuluyan na itong huminto.
"Yes, hello? Teka, tumirik na naman ang kotse ko," sagot niya sa tumatawag sa cellphone niya at bumaba na ng kotse.
"You're gonna be late again?!" bakas ang pagtawa sa boses ni Cez.
"I told you, I'm not a latecomer anymore," pagtatanggol niya sa sarili. Aminado siyang lagi siyang late sa mga klase at lakad nila noon. Kaya nangako siya kay Cez na hindi male-late sa kauna-unahang reunion nila ng barkada.
"Nasaan ka na ba banda? May dalang motor si Kai, gusto mo ipasundo na lang kita?" ani Cez.
"No. hindi na. Nandito na ako sa boundary ng Alfonso at Dasma. Maaayos ko din 'tong kotse ko kaagad."
"Okey, basta inform mo kami kung nasaan ka na, huh. Pangatlong bote na ni Kai ng beer dito eh."
"Tapos papasunduin mo pa ako sa kanya?!" natatawang bulalas niya. Hindi pa rin talaga yata nagbabago si Kai at mas lalong lumala pa. "Sige na Cez, end ko muna 'tong tawag. I'll just call you later kapag malapit na ako. Bye!"
Napanguso siya ng buksan ang bumper at makita ang makina ng kotse. Maaga yatang masisira ang make-up na halos thirty minutes niyang nilagay sa mukha niya. Bigla siyang napalingon sa kabilang kalsada ng marinig ang paghinto ng isang motor malapit sa kanya. Mabilis na bumaba ang lalaking may suot na helmet at naglakad palapit sa kinatatayuan niya.
"Kai?" Napakunot noo siya ng maalala ang sinabi ni Cez kanina na may dalang motor si Kai. "I told Cez na h'wag mo na akong sunduin. Isa pa lasing ka-" ngunit napatigil siya sa pagsasalita ng mag-alis ito ng helmet at hindi ang inaasahang mukha ang nakita niya.
"Need some help, miss?"
Bahagya siyang napalunok ng mapagmasdan itong mabuti. Pakiramdam niya para silang nasa commercial ng isang toothpaste. Ang ganda kasi ng pagkakangiti ng lalaking kaharap niya ngayon na lumabas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Nakasuot lang ito ng maong na pantalon at black fitted sando na tila nais ipakita ang magandang katawan na halatang alaga sa gym. Hindi niya alam kung bakit lihim siyang nagpapasalamat sa sarili at nakapagsuot siya ng magandang dress at nakapamake-up ng mga oras na iyon.
"Y-yeah. 'Yung kotse ko kasi, bigla na lang tumigil. I dunno why." Awtomatiko naman siyang tumabi ng maglakad ang kausap palapit sa kotse niya.
Napahawak ang lalaki sa baba nito na tila pinag-aaralan ang kaharap na kotse. Maya-maya pa ay kumilos na ito at nagsimulang galawin ang ilang parte doon. "Can you try it again now?"
"Sige," mabilis naman siyang tumalima dito at muling pumasok sa loob ng kotse. "Wow!" bulalas niya ng sa isang subok lang ay agad ng nabuhay ang makina ng kotse niya. Kung hindi ito dumating kanina ay marahil sumakay na lang siya ng jeep at iniwanan doon ang kotse niya sa inis.
"Paano ba 'yan, mukhang male-late ka na sa date mo."
Hindi niya namalayan ang paglapit ng binata sa may kinauupuan niya at ang pagsara nito sa bumper ng kotse niya.
"Y-yeah," saglit na naagaw ng umiilaw niyang cellphone ang atensyon niya bago muling ibinalik ang mga tingin sa kausap. "I owe you a lot -"
"Inyaki," anitong inilahad ang kamay.
"I'm Joy, nakangiting tugon niya at inabot ang kamay nito sa katabing bukas na bintana. "Thank's again, Inyaki. And I think you're right. Medyo late na nga ako," aniya at binawi na ang kamay na tila ayaw pang biatawan ni Yosef. "I have to go. Thank's again. See you around!"
***
***
"GUYS!!!" malakas na bati ni Joy hindi pa man nakakalapit ng tuluyan sa lamesa ng barkada. Sa isang coffee shop na siya pinadiretso nito dahil baka daw malasing na ng tuluyan si Kai sa restaurant bar na unang tinigilan ng barkada. Mabilis na siyang naglakad palapit dito at niyakap ang nauna ng tumayo na si Cez. "Cez! Mas maganda ka talaga sa personal kaysa sa mga pictures mo sa facebook."
"Pero hindi ko pa rin matatalo ang ganda mo, 'no!"
"Ed?" panginngilala niya sa nakapolo shirt na lalaking nakaupo malapit sa pwesto ni Cez.
"Yes. Girlfriend ko nga pala, si Dei," pagpapakilala nito sa inakbayang dalaga.
"Ang ganda talaga ng taste mo pagdating sa babae, Ed," biro niya. Nasaan na nga pala sina Rye at Kai?"
"Nag-C.R lang ang mga iyon. Ayan na pala sila oh," turo ni Ed sa papalapit na dalawang binata.
"Kai!" Nakilala niya agad si Kai dahil sa suot nitong salamin at medyo kulot na buhok. Mabilis namang naagaw ng katabing nito ang mga tingin niya. Isang matangkad na lalaking may hawak na pumpon ng mga mapupulang rosas. Naalala niya noon na madalas silang mapagkamalang magkapatid nito. Magkaparehas kasi halos sila na bilugan ang mga mata at matangos ang ilong. Kung tatanungin nga siya kung sino ang kanyang puppy love, pangalan nito ang babanggitin niya.
"Hi Joy! Flowers..."
"T-thank you, Rye," nakangiti niyang inabot ang mga bulaklak.
"Na-miss kita..."
Napangiti siya lalo sa sinabi nito bago inilibot ang tingin sa mga kasama. "Na-miss ko rin kayong lahat..."
"Uy! Ang childhood sweethearts, nagkita na rin sa wakas pagkatapos ng maraming taon!" tukso ni Cez.
Hindi niya maipagkakailang nakakaramdam siya ng kilig sa tukso ng mga kasama. "At bago pa man mapunta kung saan ang tuksuhan na ito ay magsi-C.R. na muna ako, okey?" natatawang paalam niya at inilapag sa lamesa ang hawak na pumpon ng mga rosas bago tinahak ang daan patungong banyo na nadaanan niya kanina.
"Ang lamig naman dito," bulong niya ng makapasok na sa loob ng banyo. Nakaugalian na niyang pumasok sa pinakadulong cubicle kahit wala namang tao sa mga nauna.
Muli na niyang inaayos ang laylayan ng suot na dress ng mapapitlag sa mararahang katok mula sa katabing cubicle.
"Ate, may tissue ka po?"
Napapadalas yata ang pagiging magugulatin niya. "Yes, I have."
"Pwede pong makahingi?"
"Sure," tugon niya at muling hinanap ang tissue sa bag na hawak. Hindi na niya inalintana pa ang tila boses batang lalaki ng kausap. Nagsisimula na naman kasi siyang makaramdam ng kakaibang lamig na hindi niya alam kung saan bang parte ng banyo nanggagaling kaya gusto na niyang makalabas kaagad.
"Ate, abutin ko na po, ha?"
"Okey, here - Oh my God!" mahigpit siyang napayakap sa bag at napasandal sa malamig na pader ng makitang duguan ang kamay na mula sa ilalim ng katabing cubicle. Gusto niyang sumigaw ngunit tila naipit na ng tuluya ang kanyang dila. Halos marinig na niya ang malakas na kabog ng dibdib niya. Ilang saglit pa bago nawala ang kamay na nababalot ng dugo sa paningin niya. Mabilis siyang lumabas ng at naglakas loob na silipin ang katabing cubicle. Hindi iyon nakakandado. At kagaya ng inaasahan niya, wala siyang sinoman na nakita sa loob.
****
****
****
Sa mga napapadaan po d'yan, please don't forget to comment and vote! ^_^
Thank you po! ^_^
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...