PRESENT TIME
PAGOD na ibinagsak ni Joy ang katawan sa malambot na kama. Dumiretso na siya sa kwarto ng lola niya ng makarating sa bahay kanina at matapos ang ilang minutong kumustahan at kwentuhan ay nagpaalam na siyang magpapalit muna ng damit. Pagkatapos pumikit ng ilang minuto ay bumangon na siya at umupo sa pinakagitna ng kama kasunod ang paglibot ng paningin sa buong paligid. Napangiti siya ng mapansing kahit ilang taon na siyang hindi umuuwi ay halos walang nagbago sa ayos nito. Ang flat screen T.V. niya na malapit sa may pinto, ang pwesto ng desktop niya at kaharap na swivel chair nito na nasa gawing kanan ng kwarto at ang cabinet na nasa kabilang sulok nakapwesto.
Muli siyang napangiti ng ma-imagine ang mama niya kahapon na malamang ay walang tigil sa pagturo ng mga sulok na may alikabok sa mga katulong na naglilinis. Naagaw ang atensyon niya ng biglang tumunog ang cellphone na nasa ibabaw ng katabing maliit na drawer.
“It’s Cez!” aniya ng makita ang pangalan ng tumatawag. “Hello Cez! Kumusta?”
“Okey lang. Ikaw? Nasaan ka na?”
“Nandito na ako sa Alfonso, puntahan mo kaya ako,” natatawang tugon niya muling humiga habang hawak ang cellphone na nakadikit sa tainga niya.
“Hay naku Joy, bisperas ng fiesta ngayon. Alam mo naman na isa ako sa mga toka pagdating sa kusina. Anyway na-text ko na sina Ed, baka maya-maya lang nandito na rin sila sa Alfonso. So most probably, bukas na tayo makukumpleto -”
“Yes?” Napabangon siya ng marinig na may tumawag sa pangalan niya ngunit napakunot noo ng makitang sarado pa rin ang pinto ng kwarto.
“Why Joy?” takang tanong ni Cez mula sa kabilang linya.
“N-nothing. Akala ko kasi…,” aniyang muling inilibot ang tingin sa buong paligid. Napadako ang tingin niya sa na swivel chair na kanina lang ay nakatalikod at ngayon ay nakaharap na sa kanya. Hindi niya alam kung saan sulok ng kwarto niya nanggaling ang lamig na tila ay biglang yumakap sa katawan niya. “Akala ko may tumawag ng pangalan ko…”
***
***
“ANG PRESKO TALAGA ng tubig dito!” bulong ni Joy habang tinutuyo ng hawak na tuwalya ang basang buhok. Bigla siyang nakaramdam ng gutom ng may maamoy na ulam na niluluto mula sa kusina. Naalala niyang burger at fries lang ang kinain niya kanina sa byahe.
“Six o’clock na pala,” aniya at nagdesisyong sa baba na lamang magpapatuloy ng pagtutuyo ng buhok. Nakababa na siya ng hagdan ng maalalang i-text si Cez kaya dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng short na suot at nagsimulang magtype habang naglalakad. Napapitlag siya ng saktong pagtapat niya sa sala ay pagbukas ng TV doon.
“Popoy?” hindi siguradong tawag niya sa batang nakaupo sa sofa patalikod sa kanya. Napataas ang isang kilay niya ng hindi ito tumugon o lumingon man lang sa kanya. ‘Ang suplado naman nito porke laking Amerika ka lang.’ sa isip niya at muling ibinulsa ang cellphone na hawak. Dumiretso na siya ng lakad sa kusina at naupo sa isang bakanteng upuan na nasa harap ng mahabang lamesa na may iba’t ibang putaheng nakahanda. “Where is lola, ‘ma?” tanong niya sa mama niyang abala sa paggigisa ng bawang at sibuyas para sa susunod na putaheng lulutuin.
“Nasa kwarto niya, anak. Kapag kasi ganitong oras ay nagsi-siesta iyon. Pero bago mag-ala siete ay nakapagcharge na iyon at gising na gising na ulit. Marcy, huwag mong masyadong liitan ang gayat sa carrots,” utos nito sa katulong na naghihiwa ng mga gulay.
“Eh si papa ‘ma, anong oras uuwi?” Inabot niya ang platitong nasa tabi ng malaking lagyan ng menudo. Hindi niya gustong kumain ng madami dahil baka masira ang proper diet na ginagawa niya. Kaya minabuting kumuha na lamang ng platito upang makontrol ang pagkain.
“Hay naku! Simula ng magpang-abot kayo kanina pagdating mo ay hindi pa rin siya umuuwi. Baka mamaya ay malalim na ang gabi iyon makauwi. Aba’y ma dalang limang bote ng Black Label na alak!”
“Hayaan mo na ‘ma, na-miss ang barkada eh,” natatawang sabi niya sabay subo sa pinirasong karne mula sa platito. “Ay mama, kasama ninyo pala si Popoy? Buti pumayag sina tita Belen, eh ‘diba takot na takot ‘yun mawala sa paningin nila si Popoy?” Ang kapatid ng papa niya ang tinutukoy niyang tita Belen. Bidang-bida kasi lagi sa mga kwento ng mama niya ang pinsang si Popoy dahil sa mga kalokohang ginagawa nito mapabahay o eskwelahan man.
“Popoy?”
“Oo ‘ma. Ang suplado nga eh. Hindi ako pinansin ng binati ko. Eh last year lang kung ano-anong laruan binili ko sa kanya noong umuwi sila ni tita Belen sa Manila,” medyo naiinis na kwento niya ng maalala ang pag-uwi ng mga ito noong nakaraang taon. Napilitan siyang doon mag-stay sa request ng mama niya para makasama ito kahit saglit lang. Ngunit ilang araw niya ding tiniis ang hirap sa pagtulog dahil sa lakas ng volume ng TV sa kwarto ni Popoy habang naglalaro ng PS2.
“Anak, hindi namin kasama si Popoy,” nagtatakang tugon nito at napatigil sa ginagawa kasunod ang paglingon sa kanya.
“Eh sino ‘yung batang kasama ninyo na nasa sala at ang lakas-lakas ng volume kung manood ng TV?”
“Hindi namin kasama si Popoy, kasi alam mo naman mas malaki ang problema kapag nawala iyon sa paningin ng tita Belen mo. Marcy tingnan mo nga muna saglit kung sino ang batang nandoon at baka anak ng kapitbahay natin na tuwang-tuwa sa laki ng TV sa sala,” anitong muling hinarap ang niluluto. “At saka anak, wala kaming kasamang bata.”
Napatigil siya sa pagnguya ng karneng kinakain sa huling sinabing iyon ng mama niya. Hindi niya alam kung bakit tila nakaramdam siya ng kakaibang kaba ng maalala ang batang nakita niyang nakaupo sa sopang patalikod mula sa kanya. Parang pamilyar ito sa kanya.
“Ma’am, wala pong bata sa sala at patay din po ang TV.”
***
***
PLEASE COMMENT, VOTE AND SHARE! :) ^___^
THANK YOU SO MUCH!!! ^___^
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...