Missing #9

5.3K 238 7
                                    

“HEY JOY, are you okey?”

            Napatingin si Joy sa nagtanong na si Ryan na nakaupo sa sa katabing driver seat ng kinalulunang kotse. Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng bahay na pupuntahan.

            “Yes, I’m fine,” tipid na tugon niya. Ilang oras lang ang nakakalipas ng makataggap sila ng tawag  mula kay Ed tungkol sa pagkamatay ni Dea. Ito rin ang nagbigay ng addres ng nobya sa Bacoor Cavite upang mapuntahan nila.

            Sumunod na si Joy ng bumaba ng kotse ang mga kasamang sina Kai, Ryan at Cez. Napagkasunduan nilang apat na sabay-sabay ng pumunta sa unang gabi ng burol.

Napalaki ng bahay ni Dea. Mukhang hindi nga siya nagkamali ng maisip dati ng mukhang galing sa may kayang pamilya ang nobya ng kaibigan.  At mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang liwanag na nanggagaling sa  loob ng malaking bahay.

            “Let’s go, Joy,” yaya n Cez.

            Tahimik naman siyang sumunod sa mga ito. Kaagad naman nilang namataan si Ed na nakatayo hindi kalayuan sa may kabaong na kulay puti at kausap ang mag-asawang batid niyang mga magulang ni Dea. Kasama ng mga ito si detective James, ang humahawak ng kaso ng yumaong dalaga kahit closed na iyon. Ilang saglit  lang ay nakipagkamay na ang detective sa mga naulila na tila nagpapaalam. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kapansin-pansin na pagsulyap nito sa kanila bago tuluyang lumabas ng bahay.

            “Thank you at nakarating kayo.”

            Mabilis na nagaw ni Ed ang atensyon niya na hindi niya namalayang nakalapit na pala.

            “Codolence pare,” sabi ni Kai.

            “Salamat pare, tara,” anito at nagpauna ng naglakad.

            Napakaganda ng mukha ni Dea na para lamang natutulog sa kinahihigaan.

            “We are supposed to celebrate our 38th monthsary last night. Kung alam ko lang na mangyayari ito, dapat sinundo ko na siya sa office nila,” malungkot na kwento ni Ed. Bakas pa din ang pamumugto sa mga mata nito.

            “Ed…” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng nakatalikod na binata.  Ramdam niyang nagpipigil lamang ito na maiyak sa kanilang harapan.

            “Ang hindi ko lang maisip ay kung bakit siya dumaan sa fire exit ng building,” dugtong pa ni Ed.

            “Sa fire exit siya dumaan?” wala sa loob na tanong niya. Alam niyang nahulog sa hagdan si Dea at makailang ulit na gumulung-gulong kaya ito binawian ng buhay ngunit ang hindi niya alam ay kung paano at bakit iyon nangyari.

            “Baka may sira ang elevator,” komento ni Kai.

            “Nope,” napapailing na tugon naman ni Ed. “Ang sabi  ng mga maintenance at police wala naman daw silang nakikita na kahit na anong problema sa elevator. Kaya nagtataka talaga sila kung bakit naghagdan si Dea.”

            “Wala bang CCTV camera ang offce nila?” takang tanong ni Ryan.

            “Actually meron. Napanuod ko rin ‘yung last footage niya sa record ng CCTV. From 7th floor sumakay siya ng elevator pataas and then she started to act weird,” muling kwento ni Ed.

            “Weird?”

            Napatingin siya sa nagsalitang si Cez. Hindi niya nagugustuhan ang lamig na nararamdaman niya ngayon kaya’t binitawan na niya ang kamay ni Ed.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon