Missing #20

4.4K 143 31
                                    

"N-NO... Hindi ko siyakilala. Pero madalas mo siyang banggitin. Remember? Last time sa bahay ninyotapos kanina, paulit-ulit mong binabanggit ang pangalan niya. At isa pa, siyalang ang hindi ko nakilala sa mga barkada mo. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, may kakaiba sa kanya hindi ko paman siya nakikilala," mahabang paliwanang ni Iñaki.

Mabilis namang nakumbinsi si Joy. Tama ang binata, ilangbeses na nitong narinig ang pangalan ni Franco mula sa kanya. Ngunit wala itong alam na kahit na ano tungkol kayFranco. O kahit anumang tungkol sa nakaraan nila.

Muling inilapitni Iñaki ang upuan sa kanya bago hinawakan ang kamay niya. "Joy..."
Naramdaman niya ang maiinit na palad na muling bumilanggosa mga kamay niya. . "You can trust me..."
"Naalala mo 'yung tanong ko sa iyo dati? Kung paano momalalamang na patay na ang taong matagalng nawawala?" wala sa loob na tanong niya. Isinandal na niya ang buong likod saheadboard ng kama bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga. Oras nasiguro upang mabawasan ang bigat na nararamdaman niya. "Sa tingin mo ba kaya talagang bumalik ng isang patay sa mundo natin mula sa kabilang buhay?" walasa loob na tanong pa ni Joy sa kaharap na si Iñaki.
"Ang sabi nila, bumabalik lang daw ang kaluluwa ng isangpatay sa mundo natin kapag hindi sila natatahimik sa kabilang buhay. Oh di kayahindi payapa ang pagkamatay nila," seryosong tugon ni Iñaki.
"Kaya nilang bumalik para pumatay ng buhay?"

"Nabasa ko dati sa isang book na gawa ng mga paranormalexperts na ang mga ghost daw na maymatinding emosyong pinanghahawakan, nagkakaroon ng kakayahan na makahawak ngmga bagay dito sa mundo nito. 'Yun daw ang mga kaluluwang hindi natatahimik."
"Siguro nga tama ako, matatahimik lang siya kapag namatayna kaming lahat..." mahinang usal niya kasunod ang paglukot sa hawak na tissue.
"Joy, ano bang sinasabi mo. May kinalaman ba ang barkadamo sa nangyari kina Dei, Ed at Kai?"
"Almost thirteen years ago and last year namin sa Saint Louisse Academy,may isa kaming kaklase na laging binubu-bully sa klase. His name is Franco,"panimula niya. Hindi na niya inalintana pa ang pagtiim bagang ni Iñaki ngmarinig ang pangalang binanggit niya. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, kailangan na niya ng isang taongpagsasabihan ng lahat. Tama ang binata, masyado ng mabigat ang lahat sa dibdibniya. "Ako, si Ryan, si Cez, si Kai at si Ed, magkakaibigan na kami mula gradeone. May laro kami na Fright Night kung tawagin. Every last Friday ng buwanbefore midnight, nagkikita-kita kami sa likod ng isang abandoned playground na nasa loob lang din ng subdivision namin.Para magkwentuhan ng katatakutan, mag-food trip, maglaro ng taya-tayaan otagu-taguan.
And last Friday before ng graduation namin was supposedto be the last and special Firght Nightnamin. Pero hindi pala." Napalunok na siya sa kabila ng panunuyo ng lalamunan.Pakiramdam niya kasi ay malinaw niyang nakikita sa isipan ang gabing iyon. Anggabing pilit nilang kinalimutan at tinakasan. "Malapit lang ang bahay ni Francosa amin at hindi namin alam na narinig pala niya ang usapan nina Cez at Edtungkol sa last Fright Night namin. Kaya inabangan niya ako sa labas ng bahaynila at sumama siya sa akin sa abandoned school. Mabait si Franco. Napakabait.Siya 'yung kinokopyahan namin ng mga assignment o quiz. Madalas kapag kasamanamin siya sa group project, siya lang mag-isa gumagawa no'n. Kaya ng sinama kosiya ng gabing iyon at hindi pumayag sina Ed na sumali siya, pinakiusapan ko siRyan. Kaya ending, nakasama siya sa huling Fright Night namin na tagu-taguanang laro at siya ang naging taya," saglit siyang humigop sa baso ng tubig nahawak bago nagpatuloy sa pagkukwento."Iniwanan namin siya sa may malaking puno ng mangga at nagbibilang. Lahat kaminagkanya-kanya ng tago. Pero ng almost30 minutes na ako sa pinagtataguan ko nagsimula na akong magtaka kung bakithindi ko nararamdaman ang paghahanap ni Franco. Kaya lumabas na ako at bumaliksa puno ng mangga. Nandoon na sina Kai at Cez, nainip na din daw sila kayalumabas na sila. After few more minutes, si Ryan naman ang dumating. Nagsimulana akong kabahan noon hanggang sa dumating si Ed. Naghintay pa kami ng halosisang oras pero walang Franco na bumalik at nagpakita. Until we decided to gohome thinking na baka umuwi na rin siya. Pero ang ipinagtataka ko noon, bakitniya iniwanan ang backpack niya."
"Backpack?" takang taong ni Iñaki.
"O-oo. May dala siyang backpack na puro chips ang laman. 'Yunang backpack na tinutukoy ni Cez. Inuwiko 'yun that night kasi ako ang may pinakamalapit na bahay kay Franco. ButSaturday morning ng magpunta ako kina Cez para sa barkada bonding dala ko 'yungbag. Nadaanan pa namin nina papa ang bahay nina Franco, may mga sasakyan ngpulis sa labas. At ang sabi ni mama, nawawala raw si Franco."

***

"ALMOST 13 years ago, perobakit?" napapailing na bulong ni detective Darwin habang nakatitig sa larawanng batang si Franco na nasa ibabaw ng kaharap na lamesa. Nasa loob siya ngsariling opisina at kanina pa nakatitig sa mga larawang kaharap.
Muling sumariwa sa alaala niya ang mga nangyari haloslabing tatlong taon na ang nakakaraan. Ang araw na umiiyak ang isang mag-asawahabang kinukwento ang mga nangyari bago nawala ang anak ng mga ito. Ang araw nanawala si Farncisco Torres.
"Napa-praning lamang ba ako at ikinokonekta ko ang mganangyayari sa pagkawala mo?" muling bulong niya. Hindi siya ang may hawak sakasong ng pagkamatay nina Dea Periabras, Eduardo Salvador at Karlo Barcelona atwala ring kaso na dapat hawakan dahilwalang foul play na nakita sa mga nangyari. Ngunit hindi niya mapigilan angsarili na makaramdam ng kakaiba mula ng gabing makita niyang magkakasama sinaEd, Kai, Cez, Ryan at Joy sa burol ni Dea. Nakaramdam siya ng . Ang mga ito rin kasi ang magkakasamanoon ng magpunta siya ng SaintLouisse Academy upang magtanong samga kaklase ng nawalang bata kung sino ang huling nakasama nito bago mawala.Wala rin siyang nakuhang sagot ng malamang walang sinoman ang malapit kay Francisco. Wala itong kaibigan sa loob ngklase.

"Sir..."
Napatingin siya sa may pinto nabahagyang nakabukas kung saan may nakatayo na unipormadong pulis.
"Pasok ka," anyaya niya dito.
"Nandito na po ang mga report nani-request ninyo," anito ng makalapit at inabot ang mga hawak na papel at brown ng envelope.
"Salamat," tugon niya at sinimulanng tingnan ang mga papel.
"Sir, medyo confidential po ang mgareport na 'yan. May napansin po kasi sila sa mga report."
"Napansin? Anong ibig mong sabihin?"napakunot noo siya sa sinabing iyon ng kausap ngunit hindi na itopinag-aksayahan pa ng panahon na tingnan at nagpatuloy na lamang sa pagbabasahabang may hinahanap na kung ano. Napatigil ang mga mata niya sa isang bahaging papel na hawak.
"Baka po i-open ulit ang kaso ngpahkamatay nila detective Darwin. At mukhang kakailanganin po namin ang tulongninyo..."

******

FLASHBACK

"TAHAN na... Alam mo namang ayoko na umiiyak ka," alo niya nghindi pa rin tumatahan ang kapatid. Sa tanang buhya niya ay ngayon pa lang siyaaalis ng bahay nila at mawawala ng limang taon. Nakatanggap kasi siya ngscholarship sa ibang bansa at dahil nakatira doon ang ilang kamag-anak nila ay nagpasyaang mga magulang niya na tanggapin ang scholarship para sa kanya at doon na magpatuloy ng high school. "'Di ba may usapan tayo. Ikaw na muna ang mag-aalaga kinapapa at mama?"

"B-babalikka naman kaagad 'di ba kuya?" humihikbipang tanong ng kapatid niya.

"Oo, pwedeba namang hindi eh alam mo naman hindi kita matitiis. Kaya habang wala akodito, mag-aaral ka ng mabuti ha," bilin pa niya na pinipgilan ang sarilingma-iyak. Alam niya kasing mas lalong maiiyak ang kapatid niya kapag nakitaansiya nito ng kahit na isang patak lang ng luha.

"Oo kuya.Promise! Ako muna ang mag-aalaga kina papa at mama."

"Walangbarkada o bisyo ha. Walang gimik na makakapaekto sa pag-aaral mo, okey?" dagdagniya sa bilin sa kapatid na dalawang taon na mas bata sa kanya.

"Okay na okay!"anitong pinunasan na ang mga luha gamit ang likod ng mga palad.

Ginulonaman niya ang buhok nito kasunod ang isang mahigpit na yakap. "Babalik kaagadako. Dapat pagbalik ko matangkad ka na sa akin, Franco..."

*** PRESENT

RAMDAM niya ang unti-untingpangingilid ng mga luha sa mga mata habang nakatitig sa litrato nilangmagkapatid. Sinubukan niyang pigilan ngunit tuluyan ng lumandas ang mga iyon samagkabila niyang pisngi.
"Kahit anong mangyari, hahanapin kita... Alam ko... Nararamdamanko... Malapit na kitang makita kapatid ko.Mahahanap rin kita, Franco..."

***

***

***

***

Kayo ba? Nararamdamanninyo na rin? Nararamdaman ninyo na rin na malapit na natin siyang mahanap?Nararamdaman ninyo na rin ba si Franco?

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon