“OH, bakit ang dami niyan?” takang tanong Niya ng makita ang kapatid na may kaharap na maraming manila paper, typewriting at iba’t-ibang kulay ng kartolina.
“Group project kasi kuya,” tugon naman ng kapatid Niya na abala sa ginagawang paggugupit ng hawak na papel at hindi na siya nagawang lingunin.
“Group project? Bakit ikaw lang ang gumagawa?” takang tanong pa Niya at lumapit na sa kapatid.
“Ah kasi…” anitong nagkakamot ng ulo kasunod ang pag-aayos ng suot na makapal na salamin sa mga mata.
“Kasi?” muling tanong Niya kahit tila alam na Niya ang isasagot nito.
“K-kasi busy sila sa ibang project namin.”
“Busy sa ibang project o sa paglalaro?” diretsong sabi pa Niya.
“Hindi kuya. May iba pa kaming project sa ibang subject. Sila gumagawa ng mga ‘yun.”
Napapailing na lang Siya sa itinugon ng kapatid. Ayaw na Niyang makipagtalo dito dahil alam Niyang hindi rin naman ito papatalo. “Tulungan na nga kita.”
Araw ng Sabado at madalas ay Silang magkapatid lamang ang naiiwang magkasama sa bahay sa umaga dahil magkasamang naggo-grocery ang parents Nila. Napalingon Siya sa biglang pagtunog ng telepono sa ibabaw ng kalapit na maliit na lamesa.
“Ako na ang sasagot kuya!” prisinta nito bago mabilis na tumayo upang sagutin ang telepono. “Hello? Oo… Sinisumulan ko na… Oo, ako ng bahala… Don’t worry, kayak o na… Oo… Sige… Ba-bye… Joy…”
Napalingon Siyang muli sa kapatid na nalalakad na pabalik sa tabi Niya. “Sino ‘yun? Kaklase mo?”
“Oo kuya, ‘yung cute na classmate ko na lagi kong ikinukwento sa iyo. Si Eliza Joy Ignes.”
***
***
Hindi NIYA alam kung gaano na ba Siya katagal na nakatitig sa mga larawang nasa ibabaw ng kaharap na lamesa. Mga larawang halos kupasan na ng kulay sa kalumaan.
“Almost 13 years ago.. At last I found you, Eliza Joy Ignes”
***
***
“EWAN KO. Pero magkadikit lang talaga subdivision namin kaya baka magkita kami madalas diyan sa labas,” nakangiting kwento ni Joy kay Cez na kausap sa hawak na cellphone habang nakaharap sa salamin. Nasa loob siya ng sariling kwarto at nag-aayos ng sarili para sa pupuntahang libing.
“Nakakaloka. Ayoko namang isipin na stalker mo siya kaya siya nandyan,” sagot ni Cez mula sa kabilang linya.
“Baliw! Hahaha. In-explain niya naman kung bakit siya lumipat diyan ‘no,” natatawang sabi pa niya.
“Ok fine. Kinikilig na ako. Kinikilig na talaga ako!” natatawang sabi na rin ni Cez. “Nakakainggit ka huh, may Ryan ka na tapos may umeeksena pang Iñaki ngayon.”
“Hindi naman nanliligaw si Iñaki ‘no.”
“So, medyo looking forward ka n’yan?” pabirong tanong ni Cez.
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...