“I enjoyed the movie! Thank you sa treat!” nakangiting sabi ni Joy ng makalabas sila ni Rye mula sa loob ng sinehan.
“Wala iyon. Alam ko namang gustong-gusto mo ang mga movies na based sa book ni Nicholas Sparks,” nakangiting tugon ng binata. “So, what do you want to eat?”
“Hmmm… I thik, gusto ko lang ng something na maiinom” aniya. Hindi pa kasi siya masyadong gutom dahil sa mga snacks na kinain nila kanina habang nanunuod.
“Serenitea?”
“How did you know?” namamanghang tanong niya. Pakiramdam niya ay nabasa nito ang nasa isip niya. Iyon kasi ang paborito niyang inumin sa Alabang Town Center pagkatapos manuod ng sine. Nag-aalala lang siya na baka hindi mahilig mag-tsaa si Rye.
“It’s actually a suggestion, favorite ko kasi ‘yun. Pero kung hindi ka nagtsa-tsaa -”
“That’s also my favorite! Lalo na kapag tapos na akong kumain o manuod ng sine,” putol niya sa sinasabi nito. “So, let’s go?” nakangiti niyang ipinulupot ang mga kamay sa braso ng binata.
Napatigil naman si Rye bago tumingin sa mga kamay ni Joy.
“Why?”
“Nothing,” gumuhit ng muli ang mga ngiti sa labi nito. “Let’s go…”
Mula ng makabalik siya sa Manila ay madalas na silang nagkakasama. Sumakto halos ang schedule nila sa isa’t-isa dahil morning shift siya ngayon. Kaya kung hindi siya nito naihahatid ay susunduin naman siya ng binata mula sa trabaho.
Kung babalikan niya siguro ang nakaraan. Isa si Rye sa mga dahilan kung bakit hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Mula sa musmos niyang puso hanggang sa pagdadalaga ay kipkip pa rin niya ang pangako nito na babalikan at pakakasalan siya.
***
***
“HELLO CEZ? Nasaan ka na? tanong ni Joy sa kausap sa hawak na cellphone. Tumawag sa kanya ang kaibigan upang ipaalam na nasa Manila din ito upang mag-take ng masterla sa pagtuturo at nais makipag-bonding sa kanya habang wala pang pasok.
“Nandito na sa loob ng Yakimix,” sagot ni Cez mula sa kabilang linya.
“Ayun siya oh,” turo ni Rye na kasabay niya sa paglalakad. Kakapasok lang nila sa loob ng Yakimix sa Mall of Asia.
“Cez!” tawag niya at nilagay na ang hawak na cellphone sa loob ng bag kasunod ang pagyakap at paghalik sa pisngi nito.
“Joy!” ani Cez na tumugon ng yakap. “Teka lang…” baling nito kay Rye.
“Ah… Sinundo ko kasi siya sa office kaya tinuloy ko na ng hatid dito,” tugon ni Rye.
“Wow! Bakit hindi mo tsini-tsika – Ouch!”
“Later na lang ang tsismis. Nag-dinner ka na ba?”tanong niya matapos na pabirong kurutin ito sa tagiliran.
“Hindi pa nga eh. Pagkatapos kong iayos ang mga gamit ko sa apartment, ikaw kaagad ang una kong tinawagan. Alam ko kasing ganitong oras ang out mo.”
“Sakto. At dahil unang araw nating magkakasama dito sa Manila, sagot ko na ang dinner!” nakangiting sabi ni Rye.
“Sana pala lagi kitang kasama Joy, para lagi akong tini-treat ni Rye ng dinner.”
BINABASA MO ANG
Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)
Mystery / ThrillerFright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa likod ng isang abandonadong gusali sa loob ng subdivision nila. Kung saan naglalaro sila ng mga larong...